(A/N: L-A po ang basa sa LA UNIVERSITY, mag kahiwalay mo yung L & A word)
______________________
Amaris POV
"Hoy mashang, mag behave ka ro'n ah, aso kapa naman sa boses mo. Hilig tumahol. Huwag mo akong ipahiya." Sabi ni kuya.
ASO!?
TSK.
KUNG ASO AKO AY SIBERIAN HUSKY AKO, EH SIYA BULLDOG AT SHIH TZU. PARA BULLSHI*!
AYY... SORRY, MALI IYONG WORD NA 'YON, BAD WORD.. LAGO AKO KAY ANGELITA NIYAN.
PEACE. HEHEHE.
"Bakit naman kita ipapahiya kuya? tska, pag dating natin doon sa manila ay ituturing kitang parang hindi ko kilala.. dahil sikat ka do'n at mag tataka sila kapag nalaman nilang kapatid mo ako.." Humina ang boses ko.
Nag iba ang awra ni kuya, parang nagalit siya sa sinabi ko.
"Mashang.. kapatid kita at hindi ko ikinahihiya 'yon, kaya kuya ang itawag mo sakin kapag nandon na tayo."
"Pero-"
"That's final." Ayan na naman ang word niya.
Natatakot talaga ako kapag sinasabi niya iyan, parang boss ko siya eh.
Hindi nalang ako umimik.
Pinuntahan ko nalang si jen dahil may kaylangan siyang ipaliwanag sakin.
Nakita kosi jen na nakatingin kay kuya habang nag bubuhat ng gamit. Kita kasi yung muscles ni kuya kaya titig na titig si jen doon.
Nako, nahumaling na talaga si gaga kong jen.
"Jen! Hinay-hinay sa pag titig sa kuya kong babaero, baka mapapak mo 'yan." Napayuko siya sa hiya.
"Anong mapapak! tsss.. hindi naman eh.. nakatingin ako doon sa aso mong si krimi! uyy chu, kapag nag kaanak si krimi pengeng isa ah?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Oo ba, basta bayaran mo dahil hindi libre!" Natawa ako sa sinabi ko.
Kaylan pa ako naging masungit kay jen?
Maraming beses na pala. hehe.
"Pero bakit kanga ba sasama samin sa manila? Kung mag babakasyon karoon ay huwag na jen, may klase kayo noh." Sabi kopa.
Kumapit siya sa braso ko.
"Hindi noh!"
"Hindi ka tutuloy?"
Ngumisi siya.
"DOON AKO MAKIKITIRA SAINYO! DOON AKO MAG-AARAL SA LA UNIVERSITY AT MAG KAKASAMA PARIN TAYO!!!"
Napanganga ako. Natuwa ako pero nangangamba parin.
"Makakasama ako o makakasama ang kuya kong babaero?" Paninigurado ko.
Bumalik ulit ang tingin niya kay kuya, na ngayun ay nakatingin pala samin.
"Ah.. syempre.. BOTH! HEHEHE.."
Sabi na eh.
"Tss, manahimik ka jen. Nandito ang pamilya mo kaya dapat dito karin, tska hindi madali ang buhay sa manila noh. Maraming tao at maraming polusyon doon."
Ngumuso siya.
Nag pa cute pa, cute naman.
"Nandoon si tatay sa manila, nandoon din yung factory namin kaya gusto kong Itry na doon tumira. Okay naman kay mama eh, susunod naman siya sa manila pagtapos ng bwan."
Niyakap niya pa ako. "Tska ayaw kong mahiwalay sayo chu.."
Napangiti ako.
Gusto ko tuloy umiyak pero wag nalang, baka bumaha pa rito.
Niyakap korin siya.
"Sige na nga.. ayaw koring mahiwalay sayo kaya payag na 'ko, pero kung titira ka samin dapat mag babayad ka ng tubig, kuryente, pag-kain mo at kung makikitulog kasa kwarto ko mag babayad ka ng isang-daan kada araw." Biro ko sakaniya.
Nag bago naman ang itsura niya.
HAHAHAHA, nakakatawa siya.
"Ay wag na pala sainyo, sa condo nalang ako ni ash.. Mas maganda pa!" Ngumisi siya.
Nanlaki ang mata ko.
Humiwalay ako sakaniya.
"Ano gusto mo sapak ah!? anong condo ni kuya! tsk, binibiro kalang tapos sasabihan mo ako ng ganyan! BAHALA KA, MAAGA KANG MABUBUNTIS!" Singhal ko.
Siya naman ang tumawa ng malakas.
Kitang kita ang gilagid niya eh.
"Biro lang, chu! bakit ko naman gagawin iyon. Tska na kapag kasal na kami.." Nangangarap niyang sabi.
Ayan na naman po siya, nananaginip na naman ng gising.
"Okay, aabutin ka ng two thousand years d'yan sa pangarap mo." Sabi ko.
"Chu!"
"Charr lang! lika nga dito, kukutusan kita--este yayakapin kita!"
Nag pout siya at lumapit sakin para kutusan ko--este yakapin ko.
Hay, salamat god kasi nag karoon ako ng mabuting kaibigan. My jen.
Pero kahit mag kayakap kami ay alam kong nakatingin si jen sa kuya ko.
Hay, si nangangarap.
--
Ngayun na kami aalis rito, nakakalungkot man pero sige lang dahil hindi pa naman ito ang last na pag punta namin dito.
Ngayun ay pumunta lahat ng mga kapit-bahay ko para mag babye sa pag-alis namin. Oh kita niyo na, ganito kabait ang mga tao sa bulacan.. kaya lang maraming tsismosa at tsismoso.
Parang nakapila pa silang lahat ah, ano ito? mag bibigay ba kami ng reliefgoods galing kay kuya will?
Una kong nakita ang mga babae ni kuya, mga nakapila at nakatingin kay kuya kong kita ang muscles. Mga nag lalaway! tsk.
Pumunta nalang ako kay mang epoy, ang nagtitinda ng isaw rito.
"Kuya epoy, mamimiss kopo kayo at ang isaw niyo. Dalhan niyo ako ng isaw roon ah? Tas samahan niyo narin ng sukang maanghang para ayos ah?" Bilin ko sakaniya.
Natawa siya.
"Oo naman, oh eto ang isaw with sukang maanghang. Mamaya sa daan kainin mo iyan ah?"
Kinuha ko ang isaw with sawsawan.
Kumalam agad ang tiyan ko ng maamoy ang mabangong isaw.
"Wow! thanks mang epoy!"
Nakita kosi mang kaka, yung pilay.
"Mang kaka, hayaan niyo kapag yumaman ako ipapabakal natin 'yang paa mo para makalakad ka ng maayos! gagawin kitang robot!" Sabi ko.
Natawa siya.
"Ayos lang, ingat ah!"
Nakita kosi aling mosa, ang pinaka-tsismosa rito sa bulacan.
"Aling mosang tsismosa, huwag na kayong mag tsismis ah? bahala kayo paparusahan kayo ni fairy godmother tas gagawin kayong pusa!"
Sa palabas iyon diba?
"Hahaha, oo sige ba amaris. Pero ingat karo'n sa manila ah, balita ko maraming manloloko roon at gwapo!"
Oh diba, tsismosa talaga pero tama naman siya.
Pinitik ko nalang ang bibig niya, napaka-tsismosa talaga.
Nakita kosi tokpu ang putok dito sa bulacan, lagi kasi siyang may putok sa kili-kili eh kaya tokpu ang tawag sakaniya.
Nginitian ko nalang siya.
Nakita kosi aling nganga, ang ngongo rito sa bulacan. Kaya nganga ang tawag sakaniya dahil babae siya kasi ang ngongo pang-lalaki, pero pauso kolang iyon.
"Emeres! engat taron ah! mapag eway ayo iumbong mo eken! aanakan ko!"
Ayan, naintindihan niyo ba?
Sabi niya ay "Amaris, ingat karon ah kapag may nangaway sayo isumbong mo sakin, tatalakan ko" Hindi aanakan!
"Huwag niyo napong talakan, hindi rin naman kayo maiintindihan." Ngiti ko.
At last but not a least, ang pinakapaborito kong asarin sa isip ko.
Pero charr lang iyon ah. Walang personalan. Pulis pa naman ito.
Oh, kilala niyo na?
Si mamang bokal.
"Mamang pulis na kalbo, sana ho kapag bumalik na ako dito sa bulacan ay dapat may buhok na kayo ah? Pahabain niyo ho ang buhok niya para hindi kayo mukhang minions." Pinilit kong huwag matawa pero natawa parin ako.
Sumimangot lang siya.
"Oh huwag niyo ho akong arestuhin, tska ayaw niyo 'yon? CUTE KAYO! CUTE KAYA ANG MGA MINIONS! KAYO HO SI BOB!"
Sawakas, ngumiti siya.
Hindi ko papala nasasabi sainyong hindi lang siya kalbo? bungi rin siya.
"Ayos, cute ako diba?"
"Oo naman ho, mukha lang kayong bombilya." Bulong ko.
Pero sa lahat ng sinabi ko ay naiyak ako.
"MAMIMISS KO KAYONG LAHAT!" Sabi ko.
Niyakap ko silang lahat, nakakaiyak talaga at mas lalo akong naiyak ng MAAMOY KO ANG PUTOK NI TOKPU.
Humiwalay ako kaagad.
"Tokpu, mag tawas ka ah." Bilin ko sakaniya.
Nag tawanan silang lahat.
Natawa rin ako.
Niyakap ko nalang si mama at kumaway.
Diba ganon ako kasikat dito sa bulacan kahit pangit ako noh.
Parang ang dami kong fans, eh anim lang naman silang plus 'yung babae with s ni kuya. Pero na touch ako kasi pumunta sila sa concert ko.
Sumakay na ako ng kotse ni kuya.
"BABYE PO SAINYONG LAHAT, MGA FANS KO!!!" Hiyaw ko.
Nakita kong nag lupasay ang mga babae ni kuya. Pati bakla nakisama pa.
"Hayst, madalang nalang kayong makakakita ng gwapo." Sabi naman ni kuya.
"Ako araw-araw na!" Sabat naman ni jen.
Alam kong si kuya ang tinutukoy niya.
"Oo jen, at araw-araw na kitang makukutusan niyan." Ngumiti ako kahit pamatay ang tingin ko sakaniya.
Umandar na ang sasakyan ni kuya. Ang ganda ng sasakyan niya, pang sosyal talaga.
Pangarap korin mag karoon ng ganito pero yung simple lang, may sasakyan bang simple? OO NOH! 'yung nasa junkshop.
Pero may bigla akong naalala.
"KUYA!! IHINTO MO!!"
Sigaw ko.
Agad niyang naihinto ang sasakyan kaya muntik pa akong mauntog, actually lahat kami.
Galit siyang tumingin sakin.
"What?"
"IYONG DIARY KO, NAIWANAN KOSA BAHAY!" Sabi ko.
Napairap siya at bumulong.
Ano kaya ang binulong ng babaero kong kuya?
"Teka anak, easy lang. Una wala tayo sa palengke! At wala na tayong bahay kaya wala doon ang diary mo! dala mo!" Sigaw ng mama ko.
Ay... wait let me check. Hehehe, English iyon ah.
Kinuha ko ang bag ko at binuklat kung nandon ang diary ko.
OO NGA NANDITO NGA! Nakita kong gumagalaw ito kaya itinago ko ito, sumilip si demonyita kaya agad kong sinarado ang diary ko.
Badtrip, dapat si angelita eh. Ayun tulog na naman.
"So pwude na tayong umalis?" Sabi ni kuya kong naiinis.
Tumango ako.
"Oo naman.. Sorry practice lang, hehehe."
Makatulog nga muna, mahaba pa naman ang biyahe papunta sa puso niya.. este sa manila.
--
Papalapit ng papalapit ang araw na makikilala ko ang taong sisira sa pangarap ko.
Gagawin niya lahat para pahirapan ako, para tumulo ang luha ko.
Tanging ang mga salita at gawa niya ang mag papaiyak sakin.
Pero bakit hindi ko makita ang mukha mo?
Nananaginip lang ba ako?
Ulit?
Nagising ako sa lamig. Hindi dahil binuhusan ako ni kuya ng tubig kung 'di dahil ang lamig sa kotse niya!!!
"Oh, buti naman gising kana. Wag kang mag alala malayo pa tayo," Sabi ni kuya na focus sa pag-mamaneho.
"Akala ko binuhusan mo ako ng tubig eh, lamig pala sa sasakyan mo."
Napatawa siya.
"Pwude naman, kunin mo 'yung tubig sa likod para ibuhos ko sayo."
Nanlaki naman ang mata ko, ano ako, sira ulo?
Tumingin nalang ako sa likod at nakita kosi VANAK! CHAROT! Sila mama at tatay pati si jen natutulog, tanging gising lang ay si krimi.
Kinuha ko si krimi pero nahirapan ako, ang bigat! ilang kilo kaba? gagawin kitang lechon.
At ayun na nga, ngayun lang may pagkakataon para maipakilala ko siya sainyo.
Ehem ehem.
Mic test, mic test.
Siya si Krimi Montreal, ang half shih tzu kong aso na hindi kumakain kapag hindi sinusubuan. Simula ng maging one year old siya, ewan koba sa aso kong abnoy na pinahihirapan ako lagi. Kung hindi lang siya maganda, ay baka tinapon na siya ni mama!
May isa pa kaming aso, si milo na alaga ni kuya. Nakatira sa condo ni kuya iyon, at siguro richdog narin iyon panigurado.
"Krimi ang bigat mo, balik kana do'n. Tapos na kitang I introduced." Sabi ko at nilapag siya tabi ni mama.
"Kuya, san na tayo?"
"Nasa earth parin." Sagot ng matino kong kuya.
Oh diba, pilosopo. Isa siyang pilosopers.
Tumawa siya ng malakas.
Buti hindi nagising sila mama.
"Joke tss! Nasa manila na tayo,"
Nang marinig ko ang salitang "Manila" ay napadungaw ako sa bintana.
Binuksan ko ang bintana ng kotse para langhapin ang hangin sa manila.
"Hmmm... WOW! ANG GANDA DITO KUYA!! ANG LALAKI NG MGA BUILDINGS!!!" Excited kong sabi.
Nilabas kopa ang ulo kosa bintana, hindi naman siguro ako mahahagip ng sasakyan diba?
ANG GANDA TALAGA!!!
"Hoy!" Sigaw ni kuya.
Nagulat nalang ako ng unti-unting sumasara ang bintana, maiipit ang ulo ko!!
Agad kong pinasok sa loob ang ulo ko. Sinamaan ko ng tingin si kuya kong gago.
"Buti nga, may papakita kasi ako sayo." Sabi niya.
Hininto niya ang sasakyan tska siya nag turo, hayst. Baka manuno si kuya, sige ka.
"Nakikita mo 'yon? Ako 'yon." Maangas niyang sabi.
Nakangisi pa siya ng todo habang sinasabi iyon.
Alin ba?
"Alin kuya, ikaw ba yung nag titinda ng buko juice? iyon oh, KUYA NAMAN! MALAYO ANG ITSURA MORON EH!"
Hinampas niya ako.
"Hindi iyon! AYON SA ITAAS!"
Alin ba kasi?
"Ahh, ikaw yung ibon?" Nag aalangan kong sabi.
Natampal niya ang noo niya.
Hinitak niya ako at kinuha ang ulo ko at binaling sa tinuturo niya.
"Ang ganda... Kuya ikaw iyon oh!!"
Isang malaking billboard! Si kuya kong model!
"Diba, ang gwapo ko."
Oo nga, ang gwapo ni kuya. At ang laki ng billboard!
Ayan ang itsura ng gwapo kong kuya.. kaya lang babaero.
"Ano 'yan? OMG!? ANG GWAPO MO TALAGA ASH..." Ayan gising nasi OMG.
Kilig na kilig pa siya.
"Thanks," Ani ni kuya at muling pinaandar ang kotse niya.
Pero alam kong kinuhanan ni jen ang billboard ni kuya at I'm pretty sure na Iuupload niya 'yon sa Instagram niya.
Ganon niya kamahal si kuya, kahit babaero.
Maraming billboard kaming nakita rito sa manila, pero may pumukaw sa atensyon ko.
Isang babae na sobrang ganda, mala-anghel ang itsura.
Sino kaya siya? Sigurado akong sing sikat niya si kuya rito sa manila.
"Nauhaw ako bigla, bibili muna ako ng maiinom. Huwag kang lalabas ah, baka makidnap ka, tatanga-tanga kapa naman." Sabi ni kuya. Tsk, matalino toh noh!
Paano kasi inubos ko yung tubig, bibili daw siya sa Starbucks. Sosyal.
Ang laki ng mall kung saan pumasok si kuya, pwude kayang lumabas muna ako saglit?
At dahil hindi na ako makatiis na tumapak sa manila ay bumaba na ako.
Pero hindi ako mag papahuli kay kuya noh, kaya lang maraming tao.
Pero dito lang naman ako eh.
Isasama ko nalang si krimi para hindi ako makidnap rito! GOOD IDEA!
"Krimi shhh, tatakas tayo este tatapak na tayo sa manila kaya behave." Sabi ko.
Salamat naman at tulog sila mama at tatay pero si jen ay gising kaya lang busy kaka-cellphone.
YES! HEHEHE.
Nilapag ko muna si krimi dahil nangangawit ako.
"Krimi, ang ganda dito sa manila! Ang lamig lamig tas ang sarap ng simoy ng hangin!! Isa 'to sa pangarap ko eh, diba krimi ko-- KRIMI? KRIMI!!" Nasan si krimi?
AY BOPALS! BAKIT KO SIYA NILAPAG EH HINDI NAMAN SIYA NAKATALI! OO NGA PALA...
GOD!! KAYLAN KO SIYANG MAHANAP, OKAY OKAY.. BREATH BREATH... GOO!!
"Krimi!? nasaan kana ba..." Linga ako ng linga pero hindi ko siya makita, omg..
Nasaan na siya...
God.. aso ko... huhu.
"KRIMI!!" Wala akong pake kung mukha akong tanga, tama si kuya TATANGA-TANGA AKO EH!
Krimi kapag hindi kita nahanap baka makidnap ka! baka gawin kang sushi.. o lucky me--este lechon!
God wag po sana!!
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, naligaw na ata ako..
Sa sobrang taranta ko ay may nabangga ako.
"Miss.."
"Sorry ho-- KRIMI!!!" Agad kong kinuha sa manong si krimi na buhat buhat niya.
"Manong salamat ho! nako.. krimi ko!! Salamat ho!!"
Tumango lang siya pero hindi nag salita, naka puti siyang cap kaya hindi ko makita ang mukha niya pero ang mahalaga nahanap kosi krimi ko!
"Tara na krimi," Sabi ko.
Nahanap kosi krimi pero yun nga lang hindi ko alam kung nasaan na ako napadpad.
NALILIGAW AKO!!!
--
Pinagalitan ako ni kuya at tatay, kasi kung hindi nila ako nahanap ay baka kung saan na ako napadpad pa at maging pulubi.
Ngayun nasa bahay na kami ni lola at nag papahinga na.
Katabi kosi jen na nakahiga sa kama habang si krimi naman ay nasa lapag humiga dahil may tampo sakin, siguro dahil pinabayaan ko siya kanina.
"Ang ganda ng kwarto mo, chu! kwarto natin!! ang lamig ng aircon!!!" Hiyaw ni jen.
Luminga ako.
"Anong aircon? electric fan lang iyan noh,"
"Ah akala ko aircon kasi tignan mo ang itsura mo, para kang naka aircon, naka scarf kapa!"
"Ayy oo nga, pero ANG GANDA DITO JENNNN!!!"
Nag yakapan kaming dalawa, para kaming baliw pero matagal na talaga kaming baliw.
"Chu, excited na ako bukas! bukas ang araw na papasok tayo sa pinakasikat na school rito sa pinas!"
"Oo nga e, pero mamimiss korin yung school natin sa bulacan."
Lalo niya akong niyakap.
"Oo nga pero okay lang 'yun, sisiguraduhin kong mas magiging masaya tayo sa LA tas mag hahanap tayo ng maraming kaibigan! at kung may mang bully sayo don, ako ang makakaharap nila!" Matapang niyang sabi.
"Wala noh, behave lang ako don for sure. TARA MAG DASAL NA TAYO AT MATULOG!!"
Sabay kaming nag pray ni jen at bago kami matulog ay hinagkan muna niya ako sa pisngi.
At nakita kong hinagkan niya ang picture ni kuya, hayst. GOOD NIGHT HUBBY DAW IYON.
GOODNIGHT JEN, GOODNIGHT BTS, GOODNIGHT UNIVERSE.
See you LA UNIVERSITY!
--
"GOOD MORNING WORLD!" Ayan agad ang binigkas ko pag gising ko.
Wala nasi jen sa tabi ko, maaga kasi siyang nagigising lalo na kapag excited.
Bumangon na ako at takbo agad sa banyo para maligo.
May napansin kayong bago?
HINDI NA AKO BINUBUHUSAN NI KUYA NG MALAMIG NA TUBIG!! DAHIL KASAMA KONA SI JEN SA KWARTO NOH, BAWAS KAGWAPUHAN KASI IYON. CHILDISH.
At MASAYA AKO!
Sabon dito, sabon doon. Kuskos dito, kuskos doon. Banlaw dito, banlaw doon.
TAPOS NA AKONG MALIGO!
Kalahating oras rin akong naligo.
Ayan fresh na ako! Sinuot kona ang uniform ng LA.
Ang ganda.. kulay puti ito at red ang necktie at palda ko, may logo rin ito. Nakita ko ang luna moon at nakapaloob rito si Artemis ang goddess of hunt, animals, moon at iba pa.
ANG GANDA!! PATI ANG TELA ANG SMOOTH!!!
Sinuot kona ang salamin ko at hindi na ako nag ayos ng buhok kasi hindi naman gulo eh.
"Good morning everyone!" Masayang sabi ko ng makababa ako.
"Wow anak! ang ganda ganda mo, yeppeun!"
Yeppeun means "Pretty" in korea.
"Ma, Aniyo."
Aniyo means "No" in Korea.
Oh diba magaling kaming mag korean, asawa ni mama sa korean ay si LEE MIN HO! SYEMPRE AKO ANG BTS! HEHE CHARR! BAKA MAGALIT KAYO SAKIN..
"CHU!! Ganda mo ah, ganda natin!" Tumalon talon pa kami ni jen.
"Ma, si kuya?"
"Nauna nasiya chu, ang tagal mo kasi eh."
Tumango nalang ako.
"Kakain muna ako--"
Nagulat ako ng hitakin ako ni jen.
"Wag ka ng kumain chu! sa kotse ka nalang kumain! TARA NA EXCITED NA AKO!!"
Hinitak niya ako.
"BABYE PO TITA TITO!!"
"INGAT KAYO AH!"
Hindi ako makaangal.
"Jen, gutom na ako!"
Inabot niya sakin yung sandwich.
Yes sarap nito!
Pumasok nasi jen sa kotse at nagulat ako ng sa harapan siya umupo, syempre para makatabi si kuya!
Hinayaan ko nalang at kumain nalang ako ng sandwich habang sumasakay sa kotse.
Lamon lang ng lamon ang ginawa ko habang umaandar ang sasakyan.
"Huwag kayong makikipag-away sa school ah? Huwag kayong mag hihiwalay don dahil malaki ang school namin, baka maligaw kayo. Isa pa huwag kayong mang huhunting ng mga boys don ah? Huwag kayong mag papaligaw, baka samain sakin ang lalaking manliligaw sainyo, sayo havi baka sapakin ko iyon. "Mga bilin ni kuya.
Wow ah possessive.
Namula naman si jen. Kinilig.
"Oo naman ash.. Pero bakit ako lang, pano kung may manligaw kay chu?"
Natawa si kuya.
Mukhang alam kona iyan ah, aasarin na naman ako.
"I'm sure, walang mag tatangkang ligawan 'yan, pangit iyan eh." Malakas siyang tumawa.
Nag katinginan kami ni jen, si jen naman ay hindi magawang sapakin si kuya.
EDI AKO NALANG!
AT MALAKAS KO SIYANG BINATUKAN.
"MASHANG!!!"
--
LA UNIVERSITY
"Wahhh chu, nandito na tayo!! Ang ganda!!!" Masayang sabi ni jen.
Napangiti ako ng makita ang kabuoan ng school.
Ang ganda at ang laki nito, malayo sa skewlahan namin sa bulacan. Eto yung napapanood kosa mga pilikula, na hindi ko akalaing dito ako mag-aaral ngayun.
"Nakakabighani nga.." Nakatulala kong sabi.
Hindi namin pinapansin ni jen ang mga nagbubulungang mga estudyante.
"Transferee ba sila?"
"Parang.. ang iingay nila eh,"
"Nadagdagan na naman ang nerd sa University, tsk."
"Hayaan mona, tara na."
Nalungkot ako pero hindi ko pinahalata. Mas masarap kung unang pagtapak ko dito ay may magagandang first impressions samin ang mga estudyante, mas masaya parin talaga sa public dahil palakaibigan ang mga tao ro'n. Dito kasi karamihan ay mayayaman.
"Halika na, chu! Wag mo silang pansinin. Libutin muna natin yung buong campus!"
Tumango ako.
Dito na ulit mag sisimula ang bago kong yugto sa pag-aaral, sisiguraduhin kong puro pag-aaral ang aatupagin ko para hindi masayang ang pag-aaral ko dito.
Ako si Zelenia Amaris Montreal, ang transferee sa University naito at tulong ng pamilya ko ay makakapag-tapos ako ng pag-aaral sa pangarap kong University.
--
Hindi namin malilibot ni jen itong University dahil sobrang lawak nito, baka maligaw lang kami.
Palinga-linga lang kaming dalawa at hanggang ngayun ay hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Hello!!"
Nagulantang kaming dalawa ni jen ng may sumigaw sa likod namin, lilingon na sana kami ng akbayan nila kami.
"Transferee kayo?" Tanong nung babae.
"Ah.. oo.." Sagot ko.
"Wahhh!! sishi! may bago na tayong kaibigan!" Sabi nung lalaki pero halatang bakla.
"Tara, sama kayo samin. Upo tayo do'n oh," Tinuro niya ang lamesang may apat na upuan.
Sumama nalang kami ni jen, muka naman silang mabait eh.
Nang makaupo kaming dalawa ay tska ko nakita ang kabuoan ng mukha nila.
Ang ganda nung babae, ang puti at makinis tas ang ganda ng buhok niya kahit messy.
Yung lalaki namang parang bakla ay nakakatuwa ang itsura dahil parang laging nakangiti.
"Hi! ako nga pala si Remi Ross! Sec A. Hindi masyadong kagandahan pero makinis naman! Minsan seryoso pero laging nakangiti! Nag ka-boyfriend pero niloko, pero ayos lang may chaz naman ako!" Sabi niya.
Nag katinginan kami ni jen.
"Hello! My name is Mich Torres, Sec A. Mahilig kumain pero hindi tumataba kasi sexy ako! Magaling mag patawa dahil funny ako! Masarap akong kasama dahil yummy ako! Magaling ako sa lahat dahil great ako! Ahm.. Ano paba? Ah! Maganda ako kasi kamukha kosi Francine Diaz At--"
"Pero walang jowa! HAHAHA!!" Sabat ni remi..
"Hoy remi! Ba't ikaw ba, jowa ni chaz?"
Sumimangot itong si remi.
"Hindi PA!"
Tumawa si mich, nakakatuwa silang tignan.
"Tska anong mich? MICHAEL TORRES HO ANG PANGALAN MO NOH! Pinaganda mopa. Tska anong Francine Diaz? Joko diaz kamo!"
Natawa kami ni jen.
"Tsk,"
"Tama na tawa oo, Mag pakilala na kayo. Bwusit ako!" Lalo kaming natawa.
Siniko kosi jen.
"Jen, ikaw mag pakilala."
Bulong ko.
"Bakit ako una? tsk, sige na nga..Ehem ehem.."
Siya dapat una, ako ang bida eh. Char
"Ah ako si Haviaree Camille, simple pero maganda, magaling mag rap dahil idol kosi jennie kim. Pangarap kong magustuhan rin ako ng crush ko, friendly ako kasi cute ako, tas ayun may business kami rito sa manila business ng tatay ko. Ayun lang naman.. hehehe, "
Pumalakpak sila remi at mich.
"Oh wow! Same sishi!"
"Ikaw naman," Tinuro nila ako.
Nahihiya ako pero go lang!
Ehem ehem, Mic test mic test.
"Ako si Zelenia Amaris Montreal.. Lahat naka base sa moon ang pangalan ko dahil mahilig ang pamilya ko roon at ako, Simpleng tao lang ako kasi simple lang ang pamilyang kinalakihan ko, pangarap kong makapunta sa buwan gaya ni Armstrong dahil gusto kong makita ang ganda nito. Best friend kosi jen- Haviaree mula pagkabata at ang diary ko ang pinakamahalagang bagay sakin." Sabi ko.
Ilang segundo silang natigilan pero pumalakpak rin.
Para kaming nasa contest ah, sa modeling.
"Wow! ang galeng!!"
"Pak na pak ka sishi!"
"Teka.. Montreal? Kasi Montreal si-- Kaano-ano mosi--"
Akala ko masasabi kona pero hindi..
"WAHHHH!!! OMG NANDITO NA ANG G4!!!!"
Dear diary
Anong ibig-sabihin ng G4 at sino sila? Bakit nag kakagulo silang lahat? F4 ba sila? Dao ming si? PERO G4 DAW EH!
---
Lyle_dreams