Sa buong byahe ay nagbabangayan sila. Hindi ko nga alam kung anong gabay ang binigay sa amin at nakarating pa rin kami sa bahay nang ligtas at walang natanong kahit anong galos.
I was not just sure if we didn't get any ticket violation. Siguro hihintayin na lang ng kumag kong boyfriend kung meron nga, dahil no contact apprehension naman sa mga dinaanan namin.
"Hmm, thank you, Xandro," sabi ko.
Agad na nanlisik ang mga mata ng boyfriend ko. Nasa loob pa rin kami ng kotse.
"Bakit siya lang?!" singhal niya. "Tss..."
"Hmm, dali niyo namang pag-awayin. Hula ko 'di kayo aabot ng grad school," komento ni Xandro.
Rylie motioned an invisible line. "Dito lang usapan, ungas ka! Nakikisali sa usapan!"
"Tss, baba na ako, thank you sa paghatid niyo," sabi ko. He was about to hop down when I told him not to.
"H'wag na," binuksan ko ang pinto. "Uwi na kayo. Thank you. And please h'wag na kayong magbangayan. Be home safe. Wala akong mashe-share sa mga burol niyo."
Xandro laughed again. "Damn."
"Fuck you," Rylie didn't waver with punching his cousin's arm. Baliw talaga. "Don't look at her like that! Bumaba ka na nga."
Bumaba na ako. Pero kinurot ko ang braso niya bago ako tuluyang nakatapak sa kalsada.
"Text me when you're home."
"Okay, babe," Xandro's at it again.
Hindi ko na tinapos pa ang susunod na bangayan. I had too much of it already.
Nakaligo at nakapag-ayos na ako ng kwarto nang nagtext si Rylie.
From: Ry
I am home.
Natagalan ata sila, mahigit isang oras.
To: Ry
Traffic?
From: Ry
Hmm, yeah. Ako nga ba ang hinihintay mong magtetext sa iyo? Baka ang pinsan ko pala.
To: Ry
Tss, 'yan ka na naman! Of course sa iyo ang hinihintay ko. Hinatid ka niya?
From: Ry
Left my car in their house, remember? Tss.
To: Ry
Masakit puson ko.
From: Ry
Really? Kailan pa? May kailangan ka ba? Want me to deliver them to your door? O grab? Lalamove? Cravings? Medicines? Uhm, compress?
Napangiti ako. Ganoon lang at natapos na naman ang pag-aalburuto niya.
He called after few seconds.
"Baby," almost like a lullaby. "Need anything?"
Umiling ako, kahit hindi naman niya 'yon nakakikita. It was just an audio call, ilang segundo'y nagrequest siya ng video.
"Medyo masakit lang," sabi ko, he was sitting on his couch. I assumed, kasi 'yon ang kita sa likod niya.
"Kanina pa bang nasa bahay ka? O no'ng hinatid ka namin? Sorry, ang ingay ni Xandro."
"Pareho kayong maingay," sabi ko. "No'ng paalis lang kayo. I ate my dinner, tapos uminom ako ng gamot, hindi na kaya ng compress, e."
"Hmm, hindi ba talaga pwedeng dalawin ka? I wanna take care of you."
"Dysmenorrhea lang 'to, Ry," ngumuso ako. "Hindi naman siguro ako mamamatay. At diba nga, sinabi ko na sa iyo, bawal pa."
"Kapag eighteen ka ba? Pwede nang dumalaw?"
Even if my lips were trembling I refused to show it to him. "Mukhang kapag nakagraduate na ako. Kasi diba nga si Ate Yna, 'yong ex niya college 'yon, pinayagan siya, pero kalaunan niloko. Kaya siguro gano'n lalo ang paalala ni mommy at daddy. I hope you understand."
His lips remained in a thin line. "I understand. Pero alam mo rin sanang hindi ako magloloko."
"I know," I smiled. "And thank you, for understanding. One day, ipapakilala kita. And I'll be so proud, kasi ikaw 'yon. You're my mom's prayer for me."
Gently, his lips switched its posture. Nakangiti na ang mahal ko.
"Okay," namula pa nga. "Until, then. Nga pala, mag enroll na tayo sa Lunes. Tapos ayusin na natin ang condo mo, o pupunta ba ang yaya mo?"
"Tayo na lang siguro, I'll tell mom that I'll be staying there already, kukuha na ako ng mga gamit. At doon na maghihintay ng araw ng pasukan."
"Talaga?"
I slowly gave him a nod. "Oo, para bigyan ko din ng oras 'yong seloso kong boyfriend."
"Gusto ko 'tong bumabawi ka," siya naman itong ngumuso. "Pero sarap pa ring sapakin ni Xandro!"
"That's bad!"
"Well, I can be bad to everyone, maliban sa mama ko, kay Trina, at lalo sa iyo," hayag niya.
Sa Lunes nagpahatid ako sa driver namin. Si yaya ang nagdala sa mga gusto kong ilagay sa condo, ako naman nagpadiretso sa school para makapag-enroll.
Rylie was leaning on his Ashton Martin, he was half smirking when I started walking to him. Papogi na naman! Mag eenroll lang, sports car pa!
"Oh, nakasimangot ka na naman," bungad niya sa sabay halik sa labi ko. "Hmm, wrong side of the bed?"
Pinadaosdos niya ang mga kamay niya sa akin, mahigpit na pinagsaklob ang mga daliri namin.
"Masakit pa rin ba ang puson mo?" nagsimula na siyang hilain ako para maglakad kami.
Nanatiling tikom ang bibig ko. Pero hindi ko kinaya na may pumansin sa kanya, mga fan girls niya.
"Nice one, Ry! Bagong kotse?"
Kilig na kilig pa ang higad.
Sa parking, naroon din ang mga kasamahan niya sa basketball. Gaya ng mga babae ay pinuna ang kotse niya.
"Bago?"
Umiling siya. "Hindi, ngayon ko lang naisipang ilabas."
Nakalas ang mga daliri namin dahil tumigil siya sa paghakbang para kausapin ang isa pang varsity player.
Nauna akong naglakad. Bahala siya d'yan!
"Babe!"
Rinig ko ang yapak niyang patakbong sinusundan ako.
Agad niya akong naabutan, ang malapad niyang kamay ay sa bewang ko nanatili.
"Bakit?" tanong niya. "May assessment naman na tayo, sa cashier na lang."
"Nanguha ka na?"
"Uhm, oo, noong Sabado. Pwede naman kasing online lahat. Pero gusto mo pumunta, e."
Tss, kasalanan ko pa talaga! E sa gusto kong bigyan din siya ng araw sa bakasyon ko e!
"Ito, check mo," abot niya sa akin ng printed copy ng assessment ko. "Full units tayo, mabilis ko lang nakuha kasi wala namang problema sa grades natin."
"Paano mo nakuha ang student id ko?"
"Ikaw nga nakuha ko, id number pa kaya?" aniya niya. Bago ko pa siya irapan ay nagpatalo na siya. "Kung ano man 'yang kinakagalit mo, sorry. Ano nga ba?"
"You're too flashy!"
"Hmm, simpleng shirt at pants lang naman 'to," naguguluhang hayag niya. "My shoes cost me less than ten thousand, I think."
"Your car," I mumbled. "E-enroll ka lang gano'n pa?"
Natawa siya. "Pangalawang gamit pa lang kasi. Di bale, next week.... kalesa na sasakyan natin."
Agad ko siyang hinampas. May dalawa siyang kotse sa parking ng condo. Nagbabayad pa nga sila ng extra space ni Xandro. Minsan nga 'yong para sa akin, naroon ang kanila dahil wala naman akong kotse.
"Gusto ko ngang isakay ka do'n," mapupula ang mg labi niya. Instead of focusing with his words, sa labi niya ang tutok ng atensiyon ko. Now I know what is like being possessive.
Kaya marami din talagang nagkakandarapa sa kanya. He's so unrealistic. Mayaman, sobrang gwapo, hindi pa ganoong nag eeffort pero napakatalino. He's sporty, team captain pa nga ng basketball team. His features were godly, makapal ang kilay niya, ang tangos ng ilong niya'y perpekto. His lashes were thicker than mine.
Then, his lips...
And the muscles? On right places, halatang pinagpaguran sa gym. Ang tangkad niya pa, at madalas sandalan lang ata ng braso niya ang balikat ko.
"Hmm, I like it when you check me out in a broad day light," he whispered near my ear. Gumapang ang kakaibang pakiramadam sa akin.
Hinila niya ako ng mabilis, malapit na kami sa cashier no'ng lumiko siya sa bathroom na hindi halos ginagamit dahil staff ng janitorial team ang gumagamit doon.
"Damn," nakaupo siya sa toilet cover, ako naman sa hita niya. Ang mga labi niya ay nililigaw ako, tila may pangungulila sa mga halik niya.
Mabagal na parang gustong imemorya ang bawat sulok nito, ang isang kamay niya ay nakapasok na sa dress ko.
Teasing my breast, doing circular motions, and I swear, my moans were loud and unfiltered.
Gaya ng bawat ginagawa niya, hindi ko namalayan ang pag alis niya ng hook ng bra ko.
"Ry," I was saying unadulterated words in between calling his name.
"Hindi ka na naka-short?!"
"Hmm, hindi komportable, e," bulong ko. Galit ang mga nasa mata niya.
"Tss, paano kung masilipan ka!"
"Hindi naman siguro," sabi ko. Gulat ako lalo noong binalik niya ang hook ng bra ko.
At umaktong tatayo na kami.
"You know boys and their means," he said. "Isang salamin lang sa baba mo, kita na ang ini-ingatan mo!"
"Mainit nga kasi," sabi ko. Binuksan niya ang pinto ng cubicle. Sarado ang main door.
Tahimik siya. Sa salamin ay inayos ko na lang ang buhok at dress ko.
Sa vendo machine sa gilid, kumuha siya ng napkin. Inabot sa akin.
"Hmm, tapos na ako, naka liner na lang," nahihiya man ako ay sinabi ko 'yon.
"I know," he looked directly to my eyes. Or more like, to my soul. "But aren't you so wet now? Change..."
Hinampas ko talaga ang braso niya. Kumuha siya ng liner, at thin wipes. Inabot sa akin.
"Hintayin kita sa labas," sabi niya. "O kung hindi mo ako maabutan, basta hintayin mo ako dito."
"Saan ka pupunta?"
He held my hand, put it on his pants. Ramdam ko ang umbok.
"You'll wipe yours, while I release mine," he kissed my nape. "Lock the door."
Nauna akong natapos mag CR sa kanya. He looked exactly the same. Akala ko may makikita akong bahid ng pagod sa kanya.
"Don't look at me like that," his tone sounded like a warning that I should take seriously. "It's not a proud thing to broadcast."
"Hmm, it's human nature," I laughed.
"One day, I am telling you," he held my hand tight. "Sa loob mo ang diretso nila..."
Pulang pula ako. Ngayon lang nag-sink ang ginawa namin sa cubicle. That was the wildest make out that we had. Never niya pa akong hinawakan doon. Hanggang leeg lang.
Now I think we kinda unlocked or unleashed some dragons that are not supposed to be freed. Goodness, normal siguro sa iba, pero naisip kong masyadong mapusok at makamundo 'yon.
At kahit hindi namin nagawa, mas mabuti dapat na nakokontrol namin ang emosyon namin.
Darn it! Buti pala napigilan ng hindi ko pagsusuot ng black cycling ko! Which supposed to be one reason pa dapat, damn.
Pero habang wala siya kanina, walang pag-aalinlangan sa isipan ko. Pero nang malapit na sa cashier ay bumaha ang emosyon ko.
Wala pa nga pala kaming nararating. Lahat ng meron kami, bigay pa rin ng mga magulang namin.
At ang tuition at perang binibigay sa 'min ay hindi naman barya. Malaki-laki rin ang mga 'yon.
Natahimik ako habang naghihintay na matawag ang number namin.
"Ano nga kinagagalit mo kanina?" bulong niya. Tabi kami sa pila.
"We should calm down," I whispered back.
"Yeah," he agreed. "But damn, your kisses were too much, too. Akit na akit ako, sorry."
I sighed. "Now I don't know if I'll hate that you're so good, too. Parang ayokong isipin na may mga nagturo sa iyo."
Mabuti na lang at nakapasok na sa cashier ang iba. Kami na lang ang nasa labas ng waiting area. At ang mga ibang palakad lakad ay wala namang pakialam.
He buried his face on my neck. "Hmm, those mean nothing if it's not with you."
"Even the sex?" I pouted, my voice were laced with hypocritic jealousy.
"Yeah," he murmured. "Sa iyo siguro magkakaroon ng halaga, lalo walang-"
"Matagal pa 'yang pangarap mo," sabi ko. Natawa siya.
"Yeah, right," he nodded. "Ano nga kinagalit mo? Nagseselos ka bang-"
I muttered mentally, a curse so ruthless. "Ayaw kong nakukuha mo lahat ng atensiyon ng mga babae sa paligid. Kasi 'yong iba.... parang pwedeng magustuhan mo."
"Are you kidding me? I have been with every type, sa iyo pa rin lagi ang balik ko," he confessed. Bared his soul. "Laging sa iyo. I tried other girls to prove a point, na baka dahil maganda ka at sexy ka kaya akit na akit ako sa iyo, kaya ganoon ang mga hinanap at tinaggap ko..."
Huminga siya nang napakalalim. "Pero hindi, more than your beauty and your body, kahit wala kang ginagawa, ikaw lagi ang takbo ng isipan ko. I was with other girls, trying them, enjoying them, pero bakit ikaw ang iniisip kong gumagawa ng mga 'yon. Na ginagawa natin ang mga 'yon. At bakit boses at pag aaalala mo ang tumatakbo sa utak ko..."
"I dated to fucking get you out of my system. Kasi sabi nila Xandro, hindi pwede. Kaibigan ka. Masasaktan lang tayo kapag sisirain natin ang bagay na permanante," pagpapatuloy niya.
"But hell, I'll wreck things to get you, in any ways possible. Kahit mali, may masaktan at may masira."