Chapter TwoTHROUGH out the scene, taimtim lamang na nakikinig si Calix Sandova sa kanilang emcee, bawat mga sinasabi at pinapakilala nito ay tinatandaan niya.
Marahil ay bago pa lamang siyang presidente sa student council ng Knight University— na ipinasa ng kaniyang kapatid na si Calvin Sandova sa kaniya dahil wala na ito paaralan. Malugod niyang tinanggap ang titulo dahil bukod sa magiging extracurricular activity niya iyon, ay matututo rin siyang mamuno na alam niyang magagamit niya sa oras na makapagtapos siya ng kolehiyo.
Calix had been a great listener and follower since then, kaya inaasahan niyang magiging madali na lang na kaniyang pamunuan at panghawakan ang responsibilidad na kaniyang tinanggap.
He's just a typical student in Knight University. They can't call him a loner because he has friend, or maybe they can consider him as a geek, introvert and not a socialize guy.
“Ano pre, kaya pa?” bulong sa kaniya ng kaniyang katabi na presidente ng music club na kaniyang matalik na kaibigan.
Binigyan niya lang ito ng isang tipid na tingin bago muling ibaling ang paningin sa emcee.
Nangunot ang kaniyang noo nang ipakilala ng emcee ang leader ng special group na nagngangalang Lana. Mas lalong nangunot ang noo niya't napabuntong hininga nang humirit pa ang emcee niya ng isang tanong sa dalaga ukol sa lovelife nito.
Pinagmasdan niya ang dalaga na may nakakabighaning itsura. Mula sa medyo makapal nitong kilay, matalim na mga matang kulay kayumanggi, narrowed and a small nose, at ang mala-heart shape na labi nito. Isama na rin ang medyo mapanga nitong mukha.
Maganda nga ang dalaga kaya hinahangaan ng mga estudyante, naririnig niya pa sa iba na magaling din daw itong sumayaw.
Muli siyang napabuntong hininga nang makita niyang napapangiwi ang dalaga nang maupo. Hindi niya mawari kung namamamlastik ba ito o ano.
Inaamin niyang nagagandahan siya sa dalaga ngunit para sa kaniya walang hihigit sa babaeng mahal niya.
“Of course, our new student president, please welcome, Mister Calix Sandova!” Tumango si Calix sa emcee at tumayo papunta roon nang tinawag ang kaniyang pangalan.
Tulad ng kaniyang inaasahan ay mayroong nagsipalakpakn at ang mga iba naman ay kung ano-ano na ang ginagawa kaya minabuti niya munang tumighim upang makuha ang atensyon ng lahat.
“As what our emcee' said, I am the new Student Council's president,” panimula niya. “And now, I want to add some rules and regulation in this school since I notice this from the last school year.” Ipinalibot niya ang paningin para matingnan kung sino ang mga hindi nakikinig bago niya ipinagpatuloy ang pagsasabi ng mga rules na kaniyang idadagdag at ang iba ay mga nagreklamo't ang iba naman ay hindi na lang nagsalita. Tiyak ni Calix na malaking pag-aadjust ang gagawin nila para sa mga rules na kaniyang idinagdag, but he also knows that it's for the better.
“I also want to acknowledge your opinion about my topic so kindly raise your hands if you want,” imporma niya sa mga studyante.
Napukaw ang paningin niya sa babaeng nagngangalang Lana na tila wala sa sariling nagtaas ng kamay.
Umangat ang kilay ni Calix habang pinagmamasdan ang dalaga bago muling magsalita sa mic. “Miss Lana Custre, right?” naniniguradong wika ni Calix.
Nakita niya pa ang panlalaki ng mata ng babae habang nakatingin sa kaniya't wala sa sarili tumayo at tumango.
Kagaya kanina ay binigyan ito ng mic upang makapagsalita nang maririnig ni Calix.
“Your thoughts?” Tanong ni Calix ng hindi magsalita ang nakatulalang si Lana.
“Ha? Ikaw,” wala sa sariling wika nito na mas lalong ikinataas ng kilay ni Calix. Sari-sari namang reaksyon ang mga estudyante sa sinabi ng dalaga kaya muli niyang nakita ang panlalaki ng mata nito.
“Hala! hala! I mean— Hey! That's not what I mean guys!” natatarantang wika nito sa mic.
Narinig pa ni Calix ang tawanan ng cheer squad.
Muli ay tumighim si Calix upang magseryoso ang dalaga. Napatinaog tuloy si Lana dahil do'n. “Uhm… I… ehem, sorry,” tumighim ang dalaga upang mapawi ang kaniyang kaba. “By any chance, can you add the rule about trash segregation? Hindi ko sinasabing pangit ang environment natin ha? pero parang gano'n na nga,” wika nito. “Itanggi niyo man sa sarili niyo, pero kung saan-saan lang kayo nagtatapon ng mga basura niyo, my god, kahit may mga janitor tayo rito we should still have a self-discipline at ang pagtatapon sa tamang lugar ay isa sa mga roon,” mahabang paliwanag nito na ikinatango ng karamihan.
Maging si Calix ay napatango rin kay Lana na taimtim niyang pinakatitigan. Nagtakha pa si Calix nang magtama ang paningin nila at umiwas agad ito na parang mahihimatay na.
“You can now seat Miss Custre,” saad niya dito at wala sa sariling sinunod naman ni Lana. “We will be working on that Miss Custre, by the way you have a nice opinion,” maikling compliment niya rito bago muling magpatuloy hanggang sa matapos na ang assembly.
NANG nagsisi-alisan na ang mga estudyante ay agad na ring kumilos sina Calix kasama ang kaniyang mga ka-officer upang tumungo sa kanilang opisina.
Nakasabay pa ni Calix ang kaniyang kaibigan na leader ng Music club na Kit Aguas. “Ayos tol ah?” wika ng kaibigan na na siniringan lamang ni Calix bago ayusin ang salamin niya.
“Snobber, psh. Porket natulala lang sa'yo si Miss Cheerleader, ganiyan ka na?!” madramang wika nito dahilan para batukan niya ang kaibigan.
“Shut up, bobo,” Barumbadong saad niya na ikinatawa ni Kit.
“Awit naman!" Tumawa ito ng nakakaloko. "Nagsasabi lang ako ng totoo lodi, grabe kasi yang karisma mo pati si Miss Cheerleader na walang lovelife e naakit mo!” natatawang turan sa kaniya ni Kit.
Muli niya itong siniringan. “I don't care, so you better leave me alone because you're wasting my time to find Beauty,” inis na wika niya rito at pabiro pang tinutulak.
Natatawa namang nagpapatulak si Kit ngunit hindi namalayan ng dalawa na may nabunggo na pala sila.
“Oh my gosh!” Nagulat sila nang makitang natumba si Lana na kanilang nabangga na ngayon ay tinutulungan nang makatayo ng kaniyang mga kagrupo.
“Hala, sorry Lana, hindi ka namin napansin!” natatarantang wika ni Kit at tumulong na rin sa pagtayo kay Lana.
ALANGANING ngumiti si Lana nang maramdam ang pamamanhid ng kaniyang siko na nagawa niyang pantukod kanina nang matumba.
Wari niya'y nagasgasan ito na sana hindi naman, masyado niyang mahal ng balat niya.
“It's okay, thank you—” Nang mag-angat ng paningin si Lana ay nahinto siya sa pagsaslita dahil nagtama ang paningin nila ni Calix.
Muli ay nanlaki ang mata niya nang maramdaman nanaman ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso katulad na lamang kanina sa assembly.
“Sorry for being careless Miss Custre,” paghingi ng paumanhin ni Calix.
Tulala lang niyang pinagmamasdan si Calix at saglit pang napapikit-pikit bago wala sa sariling napabigkas.
“The one…”

BINABASA MO ANG
Seducing Mister Geek (Under Revision)
Teen FictionLana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniyang pangalan sa madla dahil sa taglay niyang kagandahan, her mesmerizing look that can make everyone...