Mariing hinawakan ni Calix ang kaniyang inuming gatas habang papalabas sa balkonahe kung saan niya iniwan ang dalaga.
Huminto siya sa puwestong alam niyang hindi na siya makikita nito.
Ayaw naman talaga niyang gawin sa dalaga iyon ngunit kailangan. Hindi niya makakayang maubos ni Lana ang sarili para lang sa kaniya.
Lihim niyang pinapakinggan ang mahihinang hikbi nito na hiniling niyang sana ay siya ang magpatahan at punasan ang luha nitong siya rin ang dahilan.
Ngunit hindi niya magawa dahil may pumipigil sa kaniya at ang kapakanan 'yon ng dalaga.
Sa ngayon... kahit gustong-gusto niyang sabihin na gusto niya ang dalaga at huwag nang umiyak pa ay pilit na lamang niyang pinipigilan.
Hanggang tingin na lamang siya sa dalaga mula sa malayo.
Bumuntong hininga siya at pumikit ng mariin upang pigilan ang bugso ng kaniyang damdamin.
Mabibigat ang hakbang na umalis siya sa puwestong hinintuan niya kanina.
Saglit niya pang nakasalubong si Calvin sa hakdanan na may hawak-hawak na tuwalya't kinukuskos iyon sa buhok nitong basa.
Napahinto ang kaniyang kapatid habang sinisipat ang mukha ng bunso. “Problema mo?” kunot-noo'ng tanong nito sa kaniya.
Huminga siya ng malalim bago pagmasdan ang kuya at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang hindi sinasagot ang tanong nito.
“Hoy.” Pinahinto siya nito gamit ang paghawak sa kaniyang balikat. “Anong problema?” Nababahidan iyon ng pag-aalala na ikinaiwas ng kaniyang tingin.
Somehow, he knows that Lana is important to Calvin too, kahit pa madalas nagbabangayan ang dalawa ay kita pa rin niya sa mga mata ng kapatid ang pagpapahalaga sa dalaga.
“I hurt her,” mahinang wika niya.
Saglit na nangunot ang noo ni Calvin ngunit agad ding nawala iyon at napalitan lang ng buntong hininga. “Ngayon mo lang napansin?” wika nito. “Ang bobo mo, tanga.”
Ngayon naman ay si Calix naman ang nangunot ang noo bago siya bumuntong hininga. “That's why I don't like talking to you,” sumusukong wika niya bago lagpasan ang kapatid na nakasimangot na sa kaniya.
NANG sumunod na mga araw ay nanatili lang muna si Calix sa kaniyang kuwarto upang ibaling ang kaniyang pansin sa pag-aaral.
Agad din siyang huminto sa pagbabasa nang tumunog ang alarm clock na sinet niya sa kaniyang phone. Isang senyales.
Senyales na kailangan niya nang tawagan siya.
Huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang number ng kaniyang tatawagan, gamit ang bago niyang sim card. Matagal muna bago agad siya nitong sinagot. “Hello?” tanong ng nasa telepono.
Wala sa sarili siyang napangiti.
“Hello, who's this?” Ramdam niya ang pagtatakha at kuryoso sa boses nito.
Kahit pa araw pa lang ang nakakalipas ay tila isang taon niya nang hindi narinig ang boses ng dalaga.
“Prank ba to?” tanong muli ng dalaga na ikinangiti lalo ni Calix.
“Baka wrong number lang, gurl,” wika ng isang tinig sa linya na sa pagkakaalam niya ay kaibigan ito ni Lana.
Nang marinig ni Calix ang pagpatay ng linya ay atsaka niya lang binaba ang cellphone patungo sa kaniyang hita.
Inangat niya ang kaliwang kamay upang makita ang porselas na bigay sa kaniya ng dalaga at wala sa sariling hinaplos ito.
Sa ngayon ay hanggang ganito muna ang kaya niyang gawin.

BINABASA MO ANG
Seducing Mister Geek (Under Revision)
Teen FictionLana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniyang pangalan sa madla dahil sa taglay niyang kagandahan, her mesmerizing look that can make everyone...