抖阴社区

Twenty Nine: The L.Q

370 31 0
                                    

Maraming pasyalan ang napuntahan ng mga Sandova at Custre sa Baguio. Lalo na sa Tam-Awan Village kung saan nakisayaw pa si Lana sa mga katutubong sayaw roon.

Masaya naman ang takbo ng kanilang bakasyon ngunit hindi talaga mawawala ang alitan dahil kay Beauty at hindi nagugustuhan ng mga magulang nila 'yon.

Ngayon ay nasa nirentahang bahay ang mga mag-anak upang magpahinga dahil kakatapos lang nilang puntahan ang The Mansion, they decided to take a rest para magkaroon ng sapat na enerhiya para bukas dahil pupuntahan naman nila ang isa sa pinaka-pinupuntahan ng mga turista, the strawberry farm.

Nakaupo si Lana sa balkonahe na kitang-kita ang naggagandahang bundok. Kakatapos lang umulan kaya't basa pa ang hapag dahilan para minabuti ni Lana na iangat amg kaniyang paa't mag-indian seat sa upuan niya habang hinihigop ang sariling gawang strawberry milk.

Lana is just silently chilling dahil sa totoo lang ay iritang-irita na siya kay Beauty. Kung minsan ay maarte siya, mas maarte naman 'tong si Beauty na halos akala mo nagluluwa ng ginto sa kaartehan.

Napabuntong hininga siya nang maalala ang mukha ni Beauty matapos pagsabihan ng Ina nila Calix dahil sa lubos na kaartehan nito. Malumanay man ang boses ni Cea ay naroroon pa rin ang awtoridad.

Napaangat ang paningin ni Lana nang may narinig siyang kung anong komosyon malapit sa kaniyang puwesto at dahil sa isang hamak na tao lamamg siya'y hindi niya mapigil ang sarili sa pagiging chismosa'y sinundan ang mga tinig na kaniyang naririnig.

Nangunot ang noo niya nang makita si Beauty at Calix na tila nagtatalo.

“Lana has nothing to do with our problem!” Tila nagpantig ang tainga ng dalaga matapos marinig ang pangalan galing kay Calix. “We're talking about you and that someone on your phone!” patuloy ng binata.

“Anong hindi kasama si Lana?! Lana is always our problem,” rinig niyang galit na wika ni Beauty dahilan para mapataas ang kilay niya. “Nagseselos ako kay Lana at iyon yung problema! I'm a girl, Calix. Sinabi ko ng may gusto siya sa'yo but you never listen to me, sinabi kong layuan mo siya because she's flirting you but you never did!”

“Because I'm confident that even if she's flirting with me, ikaw pa rin yung mahal ko...” Kung sa iba ay nakakataba ng puso ang sinabi ng binata kay Beauty ay tila naman may kung anong mga matatalim na bagay ang tumusok sa dibdib ni Lana.

Hindi niya mapigilang isipan na sana siya yung nasa puwesto ng babae, na sana siya yung nakakaramdam ng pagmamahal ng binata.

“Kung ako yung mahal mo, dapat sinusunod mo 'ko. Lahat ng bagay na gusto ko dapat sinusunod mo!” Muling pagbawi ni Beauty. Mabuti nalamang ay napipigilan ni Lana ang lumabas sa pinagtataguan niya dahil kung hindi ay handa na talaga siyang ihulog si Beauty mula rito sa matarik na kinaktatayuan ng bahay upang mahulog sa napakalalim at magubat sa ibaba.

“That's what I'm doing, Beauty, but love is not always like that. Yes, I'm willing to sacrifice myself...” Bumuntong hininga si Calix. “But is it worth it?” Hindi lang si Beauty ngunit maging si Lana ay natigilan dahil sa sinabi ng binata.

Nakita ni Lana ang pagkunot ng noo ni Beauty habang nakatingin ng masama sa binata. “So your saying that I'm not worth it?” Galit na wika nito.

“Are you?” balik na tanong ni Calix dahilan para muling matigilan si Beauty. “Because for me, I doubt it. I doubt you. I'm just asking who's your talking through your phone and then you started throwing accusation on me. You're hiding a secret, right?” Mapait na hula ni Calix.

Nakita ni Lana kung paano namutla ang buong mukha ni Beauty at maging ang mga kamay nito'y halatang nanginginig na, hindi dahil sa lamig ng klima kun'di sa kabang nadarama nito.

Maging siya ay kinabahan dahil paano kung aminin ni Beauty na niloloko niya lang si Calix? Paano kung maging miserable ang binata? Lahat ng iniisip ngayon ni Lana ay ukol sa posibilidad na mangyare sa binata sa oras na mangyare iyong araw na 'yon. Imagining, Calix is bursting out his tears because of Beauty, parang hindi niya na kayang tingnan si Calix sa gano'ng sitwasyon dahil maging siya ay masasaktan para sa binata.

Ang misyon niyang akitin ang binata ay hindi man lang sumagi sa kaniyang isipan niya ngayon dahil sa una pa lang, kahit sa anong anggulo ay masasaktan at masasaktan pa rin si Calix.

But then she remembered, she seduced Calix for her to feel his love at hindi para iiwas ito sa pain na mararamdaman ng binata.

Buntong-hiningang lumabas si Lana sa pinagta-taguan at nakita niya kung paano magulat ang magkasintahan sa kaniyang paglabas.

Inosenteng humigop si Lana ng kaniyang strawberry milk habang pinag-lilipat-lipat ang paningin sa dalawa bago ngumiti. “Hmm. I smell something...” Ngumisi ng nakakaloko ang dalaga. “Break up?” Pagkatapos ay tumawa siya na tila iyon ang pinaka nakakatuwang joke na ginawa niya sa buong kasaysayan.

“Lana,” natitigilang wika ni Calix na ikinangiti ni Lana.

Binalingan ni Lana si Beauty ng tingin bago umabante ng isang hakbang. “Tell me, ako nga ba talaga yung problema sa relasyon niyo?” nang-aasar na wika niya.

Nang makitang mas lalong namutla si Beauty ay dahilan ng kaniyang pagngisi. “Don't put the blame on me dahil sa una pa lang alam mo na kung sino yung mali,” mariin niyang wika.

“Yes I like him, I seduce him but dapat matuwa ka pa nga dahil pinapatunayan niyang kahit nandito ako, ikaw pa rin yung mahal niya.” Tumingin si Lana kay Calix.

Siya pa nga ba?

Ngumiti si Lana. “Pero kahit gaano ka kamahal ni Kleine, hinding-hindi ko siya titigilam kahit na mamatay ka pa sa panggagalaiti.”

Napairap si Lana bago bumuga ng hangin at muling ngumiti ng nakakaasar. “By the way, enjoy your LQ,” saad niya bago iwanan ang dalawa.

Muli ay bumuntong hininga si Lana matapos umalis sa puwesto doon at pumasok sa loob ng bahay.

Ginawa mo yan Beauty, now face the consequences.

Tinatamad talaga ako mag-ud, pacnxia na e2 lung aq,,,😔✋

HAHAHAAHAHAH

vote and comment po, thanks for readinggg!

Hi nga pala kay @youremyfirstx, Ganda po no'ng poetry mo, keep it up!

Seducing Mister Geek (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon