抖阴社区

Twenty: She say...

421 26 2
                                    

Gaya ng sinabi ni Lana ay sinunod iyon ni Calix, he need to take some break sa lahat.

Habang nag-lilibot-libot ang binata ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mgs taong nagkukulitan kasama ang mga barkada nila. May iba pa ngang binubuhat ng mga kalalakihan ang kanilang kaibigan na ayaw pumunta sa marriage booth.

“Mag-babayad na lang ako! mga awit kayo eh 'no?” rinig ni Calix ang pag-angil ng binubuhat. “Ibaba niyo 'ko, mga hayop! Pangit niyo ka-bonding!” Doon ay tuluyang napailing ang binata.

Nang magpatuloy lang siya sa paglalakad ay mayroon pang napapahinto upang batiin siya na sinusuklian niya lang ng isang tipid na tango.

Dumapo ang kaniyang paningin sa music booth kung saan puwedeng-puwedeng gamitin ang mga iba't ibang instrumento, may palaro rin na sa oras ma-hit ang note ng kanta—Na makikita sa digital gadget— ay may premyo't may chance na maka-duet ang singer ng sikat na banda sa paaralan.

Then Kit, the leader slash president of the music club interrupt him. “Ayos, lumabas ka rin sa lungga mo ah?” pang-aasar na wika nito.

Siniringan niya ito ng tingin bago dumiretso sa music booth.

“Napaka-snobber mo talaga!” pahabol na wika ni Kit.

Natigilan si Calix nang makita si Lana na nakaupo sa isang tabi habang nakapatong sa hita nito ang gitara't tinitipa.

Mukhang wala ito sa sarili dahil tulala lamang am dalaga sa mga instrumentong nakapaskil sa harap nito.

Kalauna'y nagdalawang isip ang binata kung pupuntahan niya ba ang dalaga ngunit sa huli ay pinuntahan niya pa rin ito't tinabihan.

He felt Lana surprised when he seated beside her. “Oh, hey,” Lana softly said.

Napakurap si Calix bago mag-iwas ng tingin sa dalaga't sumandal din sa conrete wall. “Hi,” mahinang wika niya bago pumikit.

LANA smiled while looking at Calix, then she remembered, he doesn't like this, too many people is suffocating him kaya naisip ng dalaga na tumayo kasabay ng paghawak niya sa kamay nito dahilan upang magmulat ulit ng mata ang binata't kunot-noong tinitigan siya.

“Come on, Kleine let's go to the rooftop,” turan niya bago ito hinila gamit ang isang kamay dahil hawak niya sa isa ang gitara. Walang nagawa ang binata at nagpadala na lamang ito. “Onti lang tao do'n, promise!” patuloy ni Lana with a genuine smile plastered on her lips.

NANG makarating sa rooftop ay katulad ng inaasahan ni Lana, wala ngang katao-tao rito dahil paniguradong lahat ay nasa kasiyahan sa ibaba.

Agad na humampas sa kanila ang mainit na simoy ng hangin para upang ikangiti ng dalaga.

“Mas maganda dito kapag gabi, kitang-kita yung city lights,” turan ni Lana bago maupo sa lapag.

Umupo rin si Calix sa tabi nito at sumandal sa dingding.

Napatingin ang binata kay Lana nang iabot nito ang gitara ng may ngiti sa labi. “Mag-gitara ka, please, please.” Pinagdikit ng dalaga ang dalawang palad kasabay ng pag-nguso at pagkurap-kurap, senyales na nagpapacute ito sa binata.

Inikot ni Calix ang paningin bago lihim na napangiti dahil sa inakto ng dalaga. Inayos niya ang gitara't tiningna muna kung nasa tono ito, nang nasa tono ang gitara ay wala sa sarili siyang napatango bago muling tumingin sa dalagang taimtim siyang pinagmamasdan.

Dahil sa likas na makapal ang mukha ng dalaga ay hindi niya tinanggal ang pagkakatitig niya kay Calix, of course, she's enjoying the view.

Nang magsimula nang mag-plucking si Calix ay ilang sandali lang, sumabay na rin ang pagkanta nito na talagang ikinatigil ni Lana.

Lahat ng bagay na nasa paligid nito ay tila ba nawala sa paningin ng dalaga't tanging natira na lamang ay si Calix.

Para bang nainggit ang dalaga sa ganda ng boses ni Calix, napakatamis ng boses nito, para bang hinaplos ang dibdib niya't kahit sa sobrang lakas ng kabog ay humihinahon pa rin dahil kay Calix.

“Wake up feel the air that I'm breathing
I can't explain this feeling that I'm feeling
I won't go another day without you,” pagkanta ng binata kasabay ng pagpikit nito't ninanamnam ang himig ng kanta.

Napangiti si Lana dahil kitang-kita niya kung paano niyayakap ng binata ang kanta sa pamamagitan ng pag-awit nito.

As if he's inlove with the music and when they collided, it's perfect, so perfect.

Nang matapos ang kanta ay nagmulat si Calix ng mata para masalubong ang paningin ni Lana na tulala lamang siyang pinagmamasdang may ngiti sa labi. Tinapos na ni Calix ang pag-tipa bago tumighim upang mabalik sa sarili ang kaibigan.

Nang matauhan si Lana napapahiya siyang ngumiti bago mag-iwas ng tingin at sumandal din.

“That's sounds good,” komplimento ng dalaga. “Sana all,” hirit niya pa.

Napangisi si Calix bago mag-iwas ng tingin sa mukha ng dalaga't pinagmasdan ang kaulapan kahit na nakakasilaw ito.

“Thanks,” he said.

Tumango si Lana bago ngumiti ng matamis. “It's my first time hearing and watching you play guitar, pati na rin ang kumanta.” Her smile slowly faded pero alam niyang hindi ito mahahalata ng binata. “Napaka-suwerte ni Beauty,” patuloy niya, para sa kaniya ay nababahidan iyon ng pait ngunit minabiti niyang itago iyon.

Bumuntong hininga si Calix. “Thus following day,” panimula ng binata. “Beauty seems very cautious, she doesn't want me talk with anyone.”

Lihin na napabuntong hininga si Lana't pagak na napangisi. Maaaring natatakot si Beauty na anumang oras ay mabunyag ang pangloloko niya.

Napailing si Lana. Ngayon ay puwedeng-puwede niyang sabihin kay Calix na niloloko siya ng kasintahan ngunit maraming pumipigil sa kaniya't isa na roon na ayaw niyang masaktan ang binata.

Napapikit si Lana nang may pumasok na salita sa kaniyang isipan.

Right, pain and love are twins.

“What is love for you, Kleine?” she whispered.

Muling napatingin si Calix kay Lana. “Just like what I said earlier and also, when you love someone, expect the worst, expect that someday you'll get hurt,” pormal na wika nito. “You?” he asked back.

Natigilan naman si Lana bago malungkot na ngumiti. “Hindi ko alam. Pero ang love para sa'kin ay yung willing akong huwag masaktan yung taong 'yon. Kasi sa oras na masaktan 'yon, alam kong doble yung sakit na mararamdam ko. I want to shred his tears in joy, not in sadness.” She released a small amount of air bago taimtim na pinagmasdan si Calix na nakatitig rin sa kaniya. “You're right, what is love when you're not willing to sacrifice? Pero hindi mo kailangang isakripisyo maging ang sarili mong pagkatao dahil lang sa makamundong pag-ibig. But I'm always here, beside you, and if you lose yourself, I'm willing to introduce to you my world kasi alam kong sa oras na makilala mo yon ay mahahanap mo ulit yung sarili mo,” she softly said.

“And that's because I like you.”

May 31!

Vote and comment.

Love you talaga╥﹏╥

Seducing Mister Geek (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon