Hindi magkamayaw ang tawa ni Lana habang pinapanood si Calix na makipag agawan sa isang arcade video game sa isang bata. Kahit pa ma'y noong una ay sinubukan niyang awatin ito ngunit nang makitang nag-eenjoy ang binatang makipag agawan sa bata ay pinabayaan na lamang niya ito.
"You're old enough to play that game!" inis na wika nang bata.
"But that will be my first time playing that," may bahid na birong wika ni Calix.
Sumimangot ang bata bago mataray na humalukipkip. "And I'm a child. My Mama said, being in a childhood must be happy and free!" katwiran nito.
Naiiling na lumapit na lamang si Lana habang may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi.
Tinapik niya sa balikat si Calix upang tigilan na ang bata.
"Where's your Mama?" marahang tanong ni Lana bago pumantay sa batang babae. "And what's your name?"
Nakita niyang ngumuso ito bago sumagot. "My Mama left me here because she's talking to somebody and my name is Steysi, as in S-T-A-C-E-Y," magiliw na pakilala nito.
"I'm ate Lana and he's kuya Calix," pakilala niya kay Stacey. "And about earlier, he's just joking," paliwanag niya.
Stacey bit the back of her cheek. "I know po. He's just messing around," turan nito.
Natawa naman si Lana kahit nawe-weirduhan sa bata. Muling magsasalita pa sana siya nang may boses na tumawag sa bata.
"Stacey!" Umayos ng tayo si Lana at mas lalong lumapit kay Calix nang makilala kung sino ang tumawag sa bata.
Sabay na natigilan sina Calix at Lana nang kumaway si Stacey nang may ngiti sa mga labi. "Mama!"
Tila ba natulos sa kinatatayuan sina Lana, lalo na si Calix na hindi mawari ang ekspresyon habang pinag-sasalitan ang tingin sa taong kakarating lang at sa batang kausap nila.
Maging ang bagong dating ay natigilan din habang nakatingin sa kanila.
"Beauty..." Napakagat ng labi si Calix at pilit na iiwas ang paningin rito ngunit hindi niya magawa.
Anak niya ba si Stacey?
Gulat ang makikita sa mukha ni Beauty habang natitigilan naman sina Lana. "What are you both doing here?" tanong nito na parang kaswal lang, na parang wala itong kasalanan na ginawa.
Imbis na sumagot ay wala sa sariling nagtanong si Calix. "Your daughter?"
Beauty furrowed her eyebrows at handa na sanang magsalita nang wala sa sariling sumabat si Lana. "She's not." Dahil sa sinabing iyon ng dalaga ay tila nakahinga ng maluwag si Beauty.
Nangunot naman ang noo ni Calix na tila nagtatanong ang mga mata. Bumuntong hininga si Lana. "There's a rumor around na nabuntis si Beauty dati at may anak siya ngayon. Pero hindi ako naniniwala lalo na't nakita ko si Stacey," wika niya bago bumuntong hininga. "I don't know how to call this but my guts telling me she's not the mother," patuloy niya.
Hindi nakapagsalita si Calix pero hindi naibsan hinala niya.
Lumingon si Lana kay Beauty na walang ekspresyong nakatingin sa kanila.
“I cheated on you, yes. I'm a flirt but not a slut, Calix. I don't give my virginity to someone.” Tila nabunutan ng tinik si Calix matapos sabihin iyon ni Beauty.
Bumuntong hininga si Calix bago tipid na nginitian si Beauty. "I'm sorry for asking." Lumingon ito kay Lana na tahimik lang nagmamasid. "Let's go?" Tumango si Lana ngunit hindi nito ginawang kumilos kaya nagtatakha niyang pinagmasdan ito.

BINABASA MO ANG
Seducing Mister Geek (Under Revision)
Teen FictionLana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniyang pangalan sa madla dahil sa taglay niyang kagandahan, her mesmerizing look that can make everyone...