Alam niyo ba yung feeling na kunwari'y binigyan ka ng regalo ng magulang mo na matagal mo ng sinasabi sa kanila? Gano'ng gano'n ang nararamdaman ni Lana nang pumayag si Calix na makipag-date sa kaniya.
Kagaya ngayon ay hindi siya mapakali habang hinihintay ang binata. Mayroon ding sumasagi sa isip niya na paano kung bigla na lamang umayaw ito?
Pero kahit ganoon pa man ay pilit niyang inaalis iyon sa isipan at pinalitan ng positibo.
WALANG kaide-ideya si Calix kung saan siya dadalhin ni Lana. Ilang beses na rin siyang bumuntong hininga nang mapagtantong nawili siya sa pagpili ng damit na kaniyang susuotin para sa lakad nila ngayon.
Sa huli ay minabuti niyang mag-suot na lang ng simpleng white T-shirt na tinernohan ng pantalon na itim. He also decided na tanggalin ang kaniyang salamin para mapalitan ito ng contact lens. Ang buhok naman niya ay minabuti na lamang niyang tinuyo't imbis na suklayan ay hinayaang medyo magulo ito.
Saglit niya pang pinasadahan ang sarili sa full-size mirror bago tahimik na lumabas.
Nang makarating sa salas ay sabay na nagkatitigan ang dalaga't siya na tila ba tumigil ang pag-ikot ng mundo ng dalaga habang nakatulala sa kaniya.
Upang makuha ang atensyon ni Lana ay tumighim siya.
Nakita niya ang pagpikit nito ng sunod-sunod. “W-Wow,” wala sa sariling usal ng dalaga.
Tumaas ang kaniyang kilay bago pinasadahan ang buong katawan ng dalaga. He felt satisfied when she saw Lana wearing a white T-shirt at itim na jeans, although hindi nila pinag-usapan iyon ay para pa rin silang nag-usap dahil parehas pang nakatuck-in ang puting t-shirt.
“Gorgeous,” komplimento niya sa dalaga na agad ikinamula nito.
“W-Well...” Bahagya pang nautal ang babae bago nagkibit-balikat. “I'm not Lana Custre if not,” she confidently said bago nagtaas baba ang kilay.
Dahil doon ay hindi maiwasan ni Calix na mapangiti sa inakto nito.
“Sana all matchy-matchy!” Ang ngiti ng dalawa ay biglang naglaho nang marinig nila ang boses ni Calvin na nang-aasar. Kasama nito si Cea na pawang nakangiti lang.
NAPASIMANGOT si Lana dahil sa sinabi ni Calvin kahit na sa loob-loob niya'y kinikilig na siya.
“Napaka-panget ng timing mo umeksena!” naiinis na wika niya ngunit tinawanan lan siya nito.
“Sus, kilig ka naman,” muli pang pang-aasar nito na ikinatawa naman ng ginang bago marahang pinalo ang anak na panganay.
“Tumigil ka na Calvin.” Tumingin ito sa gawi nila. “Indenial pa yung isa,” patuloy nito kasabay ng paglingon nito sa bunsong anak.
Imbis na pansinin nila iyon ay umiwas na lang sila ng tingin.
“We gotta go,” turan ni Calix bago hinila si Lana na hindi man lang nakapag-paalam ng maayos.
“SO WHERE are we going?” tanong ni Calix matapos niyang mailabas ang sasakyan na minsan lamang niya gamitin.
Lana smiled in the shotgun seat. “To my world.”
Tumingin sa kaniya si Calix with his pleading eyes na ikinamaang ni Lana. “Just tell me where it is.” Bago muling bumalik ang tingin sa daan.
Ngumuso si Lana. “Sa church.”
Wala sa sariling napangiti si Calix dahil sa sinagot sa kaniya ng dalaga. He felt satisfied when he learned that the girl would take him to church.
“Bakit ka ngumingiti?” kunot-noo'ng tanong ni Lana na muli niyang binalingan ng tingin at nginisihan bago ituon muli ang paningin sa daan.
“Because I'll gonna meet your world,” turan niya bago huminga ng malalim. “I don't have to offer except my brokenness,” patuloy niya sa mahinang paraan na ikinangiti ni Lana.
“And that is enough,” she softly said.
Hindi na nagsalita si Calix kaya sinabi na lamang niya pupunta sila sa church kung saan sila nagkita dati.
A moment of silence filled in the car until Lana spoke. “I'm sorry. Sorry kung hindi ko man lang sinabi sa'yo, I should have—” hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil pinangunahan na siys ni Calix.
“Apology accepted,” turan nito. “I admit that I'm very disappointed with you but it already happened. We have nothing to do with it.”
Huminga ng malalim si Lana bago umayos ng upo't tumingin sa daanan. “Still in pain?” bulong niya na batid niyang makakarating sa pandinig ng binata.
“Yes, of course. Truth hurts and I must accept it.” Calix bit his lower lip, trying to control his emotion. “I actually want to get mad at Beauty but I just can't...”
Dahil sa narinig ay ngumiti ng mapait si Lana. “Kasi mahal mo siya. Kasi feeling mo ikaw yung may kasalanan kaya siya nag-cheat sa'yo.” Si Lana na ang nagpatuloy sa sinasabi ni Calix.
“That's a fact.”
NANG makarating sila sa church ay agad na hinila ni Lana si Calix patungo sa loob dahil narinig nilang nagsisimula na pala ang misa.
Umupo na lamang sila sa likod at taimtim na nakikinig sa sermon.
Napaangat ang paningin ni Calix nang tumayo si Lana. Nangunot ang noo niya ngunit ngumiti pang ang dalaga at iniwan siya sa upuan nila, nagtungo ito sa altar kasabay nang pagkuha nito ng gitara.
Napataas ng kilay si Calix nang makitang bahagya siyang tinuro ni Lana habang bumubulong sa wari niya'y kakanta. Gusto niyang malaman kung anong sinasabi nito.
Until the singer spoke. “Before we start, our guitarist want to greet someone,” wika ng kakanta bago ibigay ang mic kay Lana.
Abot tainga ang ngiti ni Lana habang kinukuha ang mic. Humarap siya kay Calix na may nagtatakhang ekspresyon sa mukha.
“Hi to the man in the back, wearing an outfit same as mine,” turan ni Lana. Maraming nagsilingunan sa gawi ni Calix na bahagya nitong ikinailang ngunit hindi niya na lang pinagtuunan ng pansin dahil gusto niyang panoorin si Lana sa mga susunod niya pang sasabihin. “I told you, I'm willing to show you my world and here it is, welcome to my world,” she softly said with her genuine smile.
Calix can't help but surpass his smile.
This scenery moment of Lana, introducing her world to him feels so surreal and fascinating. Yung tipong wala na siyang ibang mahihiling pa kun'di ang mas lalong alamin ang mundo nito.
“I'm Lana Custre everyone, the cheerleader and that man.. .” Tinuro niya ang binata. “Hopefully my right man,”
•
Vote and comment.

BINABASA MO ANG
Seducing Mister Geek (Under Revision)
Teen FictionLana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniyang pangalan sa madla dahil sa taglay niyang kagandahan, her mesmerizing look that can make everyone...