Buntong hiningang ngumiti si Lana kay Beauty. "Do you want to join us?" anyaya niya rito.
Tumaas ang kilay ni Beauty bago sarkastikong ngumisi at humalukipkip. "If that's the way on saying 'back off because Calix is yours,' then it's a no," mataray na wika nito.
Dahil sa ugaling pinakita ay napataas din ang kilay ni Lana. "Stop saying nonsense dahil hindi iyon ang punto ko. Since the day that you two broke up, hindi na kayo nakapag-usap and that's I thought you need closure," paliwanag nito. "I want Calix to move on dahil hindi mo alam kung gaano na siyang nasasaktan. I don't want to judge you dahil hindi kita ganoong kilala at hindi ko alam kung nasasaktan ka rin ba, but please, you both need a closure."
Hindi nakapag-salita si Beauty habang taimtim na pinagmamasdan si Lana. Hindi niya alam kung paano nagagawa ng dalagang maging mataray habang mabait.
"I'll bring Stacey with me na lang muna," muling wika nito. Muling pinantay ni Lana ang sarili kay Syacey na walang kaalam-alam sa nangyayare.
Nginitian niya ito. "You want food?" marahang tanong nito ngunit umiling si Stacey.
"I want stuff toy," ngusong wika nito na marahang ikinatawa ng dalaga bago tumayo.
She offered her hands to Stacey. "Tara?" Ngiting tumango si Stacey pagakatapos ay humawak sa kamay ni Lana.
Muling tumingin si Lana nang may ngiti sa labi kina Calix. Not minding the thoughts na baka magkabalikan ang dalawa pagkatapos ng araw na ito.
Nalagpasan niya na ang kinatatakutan niya. Wala na dapat siyang pangambahan ngayon.
Kung ano mang mangyare ngayon ay taos puso na lamang niyang tatanggapin dahil kung sila talaga ng binata ay ang diyos na ang gagawa ng paraan para paglapitin ulit silang dalawa.
And besides... Alam niyang sa sarili niyang onti-onti na siyang napapagod. Napapagod na siyang umasa na magkakagusto rin ang binata sa kaniya.
"I'll just text our location later," mahinhin niyang wika at handa na sanang umalis nang may pumigil na kamay sa kaniyang braso.
Tiningnan niya iyon at nangunot ang noo niya nang makita si Calix na parang mag-aalangan.
Ngumiti siya rito bago marahang yakapin.
Kapag-kuwa'y bumitiw rin siya sa yakap at umalis na habang dala-dala si Stacey.
BUMUNTONG hininga si Calix habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng dalaga.
"You're lucky." Natitigilan niyang tinitigan si Beauty na nakahalukipkip habang pinagmamasdan si Lana bago bumaling sa kaniya. "Hindi daw kahit ke'lan nagkaroon ng interes sa lalake yan si Lana. When she entered to our school, puro lang siya pag-aaral, pagsasayaw at pagiging mataray sa mga mataray sa kaniya. Until she met you." The girl beside her tsked. "You got a big impact on her and I must say you're so lucky."
Umiling si Calix bago bumuntong hininga. "She's not lucky though, I don't like her." Bago nagpatiunang maglakad patungong restaurant na mayroong VIP room.
Naramdaman niyang sumunod si Beauty sa kaniya sa pamamagitan ng sarkastiko nitong boses. "Oh sure, you don't," turan nito.
Ilang minuto lang ang tinagal upang makahanap sila ng restaurant na may VIP room upang makapag-usap sila ng maayos.
Sabay silang umupo sa pangdalawahang lamesa matapos sabihin ang order. Wala ni isang nagsalita sa kanila until Beauty decided to talk. "I'm sorry, Calix," sinserong wika ng dalaga.
Umiling si Calix. "I'm sorry too. Sorry for making you feel that you need to cheat on me-"
"No. It's on me, Calix," Pagpigil ng dalaga rito. Bumuntong hininga si Beauty. "Bagay nga kayo ni Lana. Parehas kayong mabait and it irritates me," inis niyang wika bago huminga ng malalim. "I cheated on you not because you made me feel I need to do that, but because it's my choice."
Nawalan ng imik si Calix upang mapagpatuloy ni Beauty ang sasabihin.
"Your case is different from your brother dahil hindi ko nagustuhan ang kuya mo. But you... I liked you," turan ng dalaga.
Natigilan si Calix. Bakit ganito yung nararamdaman niya? Bakit hindi magawang tumibok ng puso niya sa babaeng kaharap niya ngayon? Dahil ba sa nasaktan siya o dahil sa wala na siyang gusto rito?
Napailing si Calix, maybe the first one.
"I'm sorry kung hindi nag last longer 'yon. Balak naman sana kitang pakawalan but the way you care for me, the way you like me, naging selfish ako dahil doon. Gusto ko na lang na angkinin ka kahit hindi naman kita gusto because you made me feel the love that I never had," mahabang wika nito.
Dahan-dahang napayuko si Beauty. Conscience is now eating her at wala siyang ibang gustong gawin kun'di humingi ng tawad dito at pagsikaping patawarin siya nito. "I'm sorry, Calix. I'm really sorry," paghingi niya ng tawad.
Namuo ang katahimikan sa pagitan nila until the food they ordered arrived.
Wala ni isang gumalaw sa kanila at pinagmasdan lang pagkain.
"Enjoy your date, ma'am and sir, happy couple day," nakangiting wika ng waiter.
Wala sa sariling nasamid ang dalawa sa sinabi nito at plastic na ngumiti sa waiter naman si Beauty. "Kaka-break lang namin, nang-iinsulto ka ba?" mataray na wika nito.
Tila ba namutla naman ang waiter at ilang ulit na napalunok. "S-Sorry po, enjoy your meal po." At ngali-ngaling umalis sa pwesto nila.
Muling namuo ang katahimikan sa kanilang dalawa that's why Calix decided to broke the silence. "Apology accepted,"
Napapantastikuhan siyang pinagmasdan ni Beauty. "Are you for real?" hindi makapaniwalang wika nito. "After all I've done, patatawarin mo na agad ako?"
Tumango si Calix. "Accepting apology means I accepted the situation but that doesn't mean I'm no longer in pain," seryosong wika niya.
Kumunot ang noo ni Beauty. Ipinatong niya ang parehas na siko sa lamesa bago humalumbaba. "You know what? One thing I learned from you is, you never love me, Calix. You just love the thought you're inlove with me but the truth is, you're more like a brother who cares a lot to her younger sister," opinyon nito before she shrugged her shoulder. "Maybe yes, you like me. But the way you look at Lana, you're in danger, Calix. You have feelings for her." Kinuha niya ang utensils upang magsimula nang kumain.
"Aminin mo na sa sarili mo hangga't may oras ka pa." She smiled. "And I volunteer to help you with that."
Natigilan si Calix sa sinabi nito. There's strange feeling crept into his chest.
Umiling si Calix. "I don't like her," pag tanggi niya. Hindi kay Beauty ngunit para sa sarili niya.
Tumango si Beauty habang ngumunguya. "Because you love her." Mas lalong natigilan ang binata. Ngumisi naman si Beauty. "Kaya mo bang kalimutan si Lana?"
Unti-unting umiling si Calix. Ang hindi makita ang dalaga ng isang araw ay tila wala na siyang gana sa buhay, ang kalimutan pa kaya ito?
Ngumiti si Beauty. "Can you handle the pain when the moment na mapagod na siyang kakasabi at kakaparamdam ng feelings niya sa'yo?"
Muli siyang umiling.
"Think about what you feel, Calix." Uminom ng tubig si Beauty. "And by the way, base on what I saw on her face earlier. Alam kong napapagod na siya," turan nito. "Move now, Calix."
•
Vote and comment

BINABASA MO ANG
Seducing Mister Geek (Under Revision)
Teen FictionLana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniyang pangalan sa madla dahil sa taglay niyang kagandahan, her mesmerizing look that can make everyone...
Thirty Four: Closure
Magsimula sa umpisa