Muli niyang kinuha ang kaniyang cellphone at may tinawagan nanaman. Saglit lang ay sinagot na agad siya nito. “Oh?”
“How is she?”
“Tingin mo?” sarkastikong wika sa kaniya ng nasa kabilang linya na si Beauty. Bumuntong hininga ito. “Sasaktan-saktan mo tapos grabe ka ngayon mag-alala.”
Pumikit si Calix bago isinandal ang ulo sa headrest ng kaniyang upuan. “I need to,” nahihirapan niyang turan.
Narinig niya ring bumuntong hininga si Beauty. “Naiintindihan kita. Babawi ka naman sa kaniya 'di ba?”
Tumango siya kahit na hindi pa siya makita ng kausap. “Yes.”
“Good. Sa ngayon, matamlay si Lana. Since nandito pa rin kami ni Stacey sa kanila ngayon ay I've been always saw her in the morning, taking a sip on her strawberry milk tapos babalik sa kuwarto niya na biscuit lang kinakain. In noon naman, magkakasabay kaming lahat kumain, nakita kong sinusubukan niyang ibalik yung dati sigla sa kaniya but she always failed tapos onti lang ang makakain niya. In the evening ay hindi ko siya nakikitang lumabas ng kuwarto. Simula noong christmas, ngayon lang siya lumabas kasi inaya no'ng Jinneth ba 'yon?” Pagbigay sa kaniya ng impormasyon ng dalaga.
Napakagat siya sa kaniyang labi. “Thanks.”
“You're always welcome Calix. Don't worry, palagi kitang ia-update.” Bago sila magpaalam sa isa't isa ay patayin ang tawag ay iyon muna ang sinabi ni Beauty na kaniyang pinanghawan.
It's december 31 in the morning right now at agad na gumising maaga si Calix hindi upang maghanda kun'di upang muling mag-aral.
Mga ilang oras din siyang nagbabad sa mga schoolworks nang may kumatok sa pinto niya kaya napilitan siyang huminto muna at pagbuksan iyon.
Agad na bumungad sa kaniya ang ina na nakapaskil ang isang malambot na ngiti. “Dito mag-ne-new year ang mga Custre, okay lang ba?” marahang tanong nito.
Saglit munang napapikit ng dalawang beses si Calix bago nangunot ang noo.
Bakit siya tinatanong ng ina na para bang nanghihingi ng permiso?
Nakita ni Cea ang ekspresyon niya kaya muling nagsalita ang ginang. “Sinabi ni Calvin na mukha raw mayroon kayong hindi pagkakaintindihan ni Lana. Gano'n din ang sinabi ni Beauty.”
Napaiwas ng tingin si Calix dahil nakita niya ang pag-aalala sa mata ng laniyang ina.
“You can lean on me, Sweetie.” Ngumiti sa kaniya ang ina at hinawakan ang pisnge niya't hinaplos ito ng marahan. “I'm your mother, and you can say everything to me... Pero if you still want to keep it to yourself, atleast let me to comfort you, okay?” Nang dahil sa sinabi ng ina ay lumambot ang ekspresyon ni Calix.
Namuo ang isang ngiti sa kaniyang labi bago napayuko.
Para siyang batang niyakap ang ina habang nagsisimulang mangilid ang luha. Naramdaman niya kung paano siya haplusin sa likod ng kaniyang ina.
“Mom,” mahinang tawag niya rito. Hindi na rin niya napigilan ang pagbasag ng boses niya dahil sa pangingilid ng luha't pagpipigil niya hindi umiyak. Naramdaman niya ring hinahaplos siya ng ina sa tuktok ng kaniyang ulo na wari'y isa pa siyang batang nangangailangan ng isang mahigpit na yakap upang tumahan sa pag-iyak. “Mom, I'm sorry...” Unti-unting bumagsak ang kaniyang luha.
“Shh.” pag-aalo sa kaniya ng ina.
“Mommy, I hurt a woman. I-I hurt Lana...” Nagtaas baba ang kaniyang balikat habang patuloy ang pag-ahos ng kaniyang luha. “I'm so mad at myself for hurting her but what can I do? I don't want to lose herself for me...” Humina ng humina ang kaniyang boses.

BINABASA MO ANG
Seducing Mister Geek (Under Revision)
Teen FictionLana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniyang pangalan sa madla dahil sa taglay niyang kagandahan, her mesmerizing look that can make everyone...
Fourty: Epilogue
Magsimula sa umpisa