CHYN'S P.O.V.
"Uha...uha..uha..." Malakas na iyak ng aking dalwang buwang sanggol.
Agad kong itinigil ang paglilinis ng aming banyo at mabilis na hinugasan ang aking kamay.
Binuhat ko ang aking anak at hinele sa aking braso upang muli itong makatulog at ng magawa ko na ang mga gawaing bahay na dapat ko pang gawin.
Umayon naman ito sa aking iniisip kaya marahan ko itong ihiniga sa kanyang duyan.
Ako si Chyn. Sa edad na 19 ay maaga akong namulat sa responsibilidad bilang isang ina. Wala iyon sa plano dahil gusto ko pa talagang makapagtapos ng pag aaral ngunit dahil sa pagiging agresibo at mapusok, naging isa ako sa mga teenage Mom.
Pinanagutan naman ako ng ama ng aking anak. Ngunit hindi kaila na hindi ako gusto ng mga magulang nya para sa kanya.
Kung kaya't napagdesisyunan kong humingi ng tulong sa aking mga magulang upang agaran kaming makapagpatayo ng bahay na matatawag naming sa amin.
Naging mahirap sakin ang lahat dahil wala akong alam sa pagiging isang ina. Wala parin ako sa wastong gulang para magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit kahit ganon ginagawa ko parin ang lahat upang maging mabuting ina at asawa.
Aminado akong nagsisisi ako sa pagiging padalos dalos ko pero tinanggap ko na rin sa sarili ko na iba na ang buhay ko ngayon. Dahil dito, natuto na ako sa mga pagkakamali ko.
Habang nagliligpit ng mga kalat ay napansin ko ang isang clear folder na pula na nakapatong sa estante. Kinuha ko iyon at binuklat ang bawat pahina. Tumambad sa akin ang mga sablay at sertipiko na aking naipon noong ako'y nag aaral pa.
Mapait akong napangiti habang minamasdan ang mga ito. "Matalino akong tao pero bakit ako nandito sa sitwasyon na 'to?" ramdam ko ang pagpatak ng mainit na likido pababa sa aking pisngi.
Chyn...bakit?

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...