抖阴社区

Slow Motion

28 14 0
                                        

CHYN

Kanina habang pababa ako ng jeep na aking sinakyan ay nakita ko sa di kalayuan ang bago kong kaibigan. Nag message kase sya sakin na sabay na raw kaming pumasok at willing daw sya na maghintay sa tindahan malapit sa school. Sa tabi nito ay isang pamilyar na mukha rin ang aking natanaw. Sya yung lalake kahapon. Una, kahapon panay tingin sya sakin sabay ngiti. Pangalawa, habang naglilinis ako kahapon at ilolock yung pinto bigla nya namang hinila pabukas dahilan para tumama yung noo ko sa dibdib nya. At pangatlo, nung uwian kahapon at nakikipag asaran sya sa kaklase nya dahilan para muntik na naman akong matumba ng dahil sa kanya. Pero aware naman akong aksidente yung pangalawa at pangatlo.

I greeted Xiah a good morning. At she smiled as a response. Napansin ko rin ang pasimpleng pagbulong nya kay Zen pero hindi ko nalang iyon pinansin. Nang magsimula na kamingaglakad papasok ng campus ay biglang nagsalita si Zen.

"Uhm...Hi Chyn." halata na medyo nahihiya sya sakin. Naalala ko bigla na nagmessage nga pala sya sakin kagabi. Pero dahil may ginagawa ako ay hindi ko na sya nareplyan.

"Hello. Nabasa ko yung message mo kagabi. Apology accepted. I'm sorry kung hindi na ako nakareply, busy kase ako kagabi." bakas sa mukha nya ang saya dahil sa sinabi ko. Well, totoo na may ginawa ako kagabi. Ka-video call ko kase si Mama. Yun lang yung free time nya sa trabaho abroad kaya nilulubos na namin.

"No problem." sagot naman nito sa akin.

Nagpatuloy na kami sa paglalakas at sa wakas ay nasa 3rd floor na kami ng aming building. Hindi ko na namalyan na hindi na pala namin sya kasunod. Umupo kami ni Xiah at nagsimula na namang magkwentuhan.

Halos tawa lang kami ng tawa ni Xiah. Ang dami nyang baong kwento. Yung akala mo ay tahimik na tahimik pero 2nd day palang sobrang ingay na. Sino ba namang hindi matatawa sa kwento nya, eh puro tawa lang naman inuuna nya bago magkwento.

"Tapos alam mo ba girlfriend, yung manliligaw ko dati sa sobrang kaba nung lumapit ako sa kanya HAHAHAHAHAHAHA'' Oh diba? puro tawa HAHAHA

While we were laughing, I glanced at the door and noticed someone entering. I slowly looked up, at mukha na naman nya ang tumambad sa akin. He's tall, handsome, and I really like the color of his eyes. It's like with every gaze of his, he can hypnotize you. Parang kaya ka nyang pasunurin sa lahat ng iuutos nya.

Nang makabalik ako sa realidad ay natagpuan ko na sya na nakaupo sa kanyang upuan. Tulala ito na parang may malalim na iniisip. Akmang lalapitan ko na sana sya para tanungin pero naunahan ako ng kaklase ko, sa pagkakaalala ko sya si Eli. Medyo familiar sya sakin. Siguro ay dahil iisa lamang ang school na dati naming pinasukan noong jh.

Dahil kinausap na naman sya ni Eli ay itinuon ko nalang muli ang atensyon ko sa kwento ni Xiah. Dumating narin sina Avii at Lynn. "Ginagawa nyo?" tanong ni Avii ng mapansing nagtatawaan kami.

Kaya ikinwento rin ni Xiah sa kanila yung kanina nya pang ikinekwento sa akin. Ang ending apat na kami ngayong masaya HAHAHAHA.

"HAHAHA baliw ka talaga Xiah. " halos maiiyak na si Lynn kakatawa.

Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay lunch time na. Wala naman kaming masyadong ginawa sa mga subject na dumaan dahil puro lang assessment. May ilang mga pre-test pero hindi naman ganon hirap. At kung may mga di kami alam ay okay lang kase pre-test palang naman iyon.

Ngayon ay kumakain kaming apat sa bilog ng upuan na aming ginawa. Kagaya ng kanina ay wala paring patid ang aming nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyare sa amin noong jh. Kanina ko lang rin nalaman na sa iisang paaralan lang pala kami gumraduate nina Lynn at Avii. Si Xiah naman ay sa ibang lugar dahil hindi pala talaga siya taga rito. Tanging sa bahay lang siya ng kanyang ate nakikitira dahil dito ito nakapangasawa. At wala ring inooffer na k-12 ang lugar nila kaya minabuti ng kanyang magulang na ipadala sya dito sa ate nya.

One question. WHY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon