CHYN
Maaga akong nagising kaya bumangon na ako para tingnan kung kung anong nangyare sa kanila matapos akong maunang magpaalam sa kanila kagabi.
Pagbaba ko ay nadatan kongnakahiga si Jace sa sofa, si Thim naman ay nasa sahig na naghihilik pa. Yung dalawang lalake na kasama rin nila ay katabi ni Thim sa sahig. May latag naman sila at malinis na rin ang lamesa na pawang sleep over lang ang naganap at wala ng iba. Napansin kong kulang kaya nagtungo ako sa kwarto ni Jace at dun ko na nga nadatnan ang mahimbing na natutulog na si Jannah.
Kahit na kumpleto naman kami ay pakiramdam ko may kulang pa rin. Muli akong bumalik sa sala at dun na nga natagpuan ang isang sticky notes na nakadikit sa vase na naka patong doon.
To Chyn,
Umuwi na ako, hindi na ako nakapag paalam kase ayoko namang abalahin ang mahal ko. Btw, good morning.-Zen
Napangiti na lang ako habang pabalik na naglakad sa kwarto ko at idinikit ang notes sa ding ding ng kwarto ko.
Agad kong tiningnan ang phone ko ng may nagtext sa akin. Si Papa.
Anak, kumusta kayo ng mga kapatid mo?
Kumain na ba ang mga anak ko?
Uuwi na si Papa. At sisiguraduhin kong aayusin ko ito.
Alam kong nagkausap na tayo pero alam ko rin na hindi ganon kadaling patawarin ako ng dahil sa naging kasalanan ko sa inyo.
Babawi si Papa sa inyo. Mahal ko kayo ng Mama mo.
Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa sinabi ni Papa. Naniniwala ako na maaayos pa 'to. Hinding hindi ko hahayaan na tuluyang sirain ng Cyra na yan ang pamilya namin
Pinahid ko ang mga luhang traydor at inayos ang aking sarili. Kalma lang. Kaya mo to, Chyn!
Muli akong bumaba para magluto ng makakain namin. Mabuti na lang nag iwan si Papa ng allowance namin at budget dito sa bahay kaya kahit papaano ay may panggastos kami sa araw araw.
Sa itsura ng mga batang ito ay paniguradong may hang over itong mga ito. Bumili muna ako sa malait na talipapa dito sa amin at bumili ng maluluto.Napag desisyunan kong sinigang na lang ulit ang lutuin para makahigop kami ng mainit na sabaw. Bumili na rin ako ng manok na puro thigh parts para iprito mamaya.
Nang makabili ay umuwi na rin ako agad at nagsimula ng magluto. Dahil duoble burner naman ay isinabay ko na rin ang pagsasaing. Nagsimula na rin akong mag marinade ng manok na ipiprito ko mamaya. Matapos iyon ay sinumulan ko ng magluto ng sinigang.
Nang matapos na akong magluto ng lahat ay ginising ko na silang lahat para makapag almusal. Di na rin naman masama kung gigisingin ko na sila dahil 7:30AM ja ng umaga.
Agad din naman silang bumangon kaya pinadiretso ko na sila sa kusina dahil nakahanda na ang pagkain.
"Pasensya ka na po ate sa abala." nahihiyang sambit ni Jannah.
"Nagpaalam ba kayo sa mga magulang nyo nakagabi?" tanong ko sa kanila at nagtanguan naman sila.
"Oo ate pinayagan ako!" masayang sagot ni Kael.

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...