CHYN
Naging gawain na naming magkakaibigan na kapag walang klase ay magkekwentuhan kami lalo na at kung wala naman kaming ibang gagawin.
Nagulat naman ako sa presensya ni Xijo ng lumapit sya sa amin, nakiupo at nakipag kwentuhan na rin. Inaasar nya kase si Xiah, kaya ayun, tawa kami ng tawa.
Nahagip ng aking paningin ang isang pigura ng mapatingin ako sa labas ng bintana. Doon ay nakatayo sya na para bang ninanamnam ang ganda na kanyang tinatanaw mula sa kanyang pwesto. Napangiti naman ako sa nakita pero agad agad ding napawi ang mga ngiting iyon ng may biglang lumapit sa kanya. Si Eli. Are they that close to each other? Pansin ko lang kase nung una nag-uusap na sila na parang they already know each other e.
Pinagmasdan ko lang ang dalawa habang nag-uusap. Mukhang nag aasaran sila base sa mga facial expressions nila. Ganon siguro kaganda yung humor ni Eli kaya ganon nalang sya mag react. Teka, pakealam ko ba sa kanila? Tss.
"Baka matunaw yang dalawa na yan kakatitig mo." halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa tabi ko.
Agad kong ibinaling ang tingin sa kanya at kunwaring di ko alam na ako yung kinakausap nya.
"Huh? Ano yun? Sino?" natawa naman sya sa naging reaksyon ko habang sina Xiah at iba pa ay patuloy pa rin sa pagkukwentuhan.
"Do you like him?" he paused a little bit. "Mali, do you still like him?"
"Still?" natatawang tanong ko.
"Yeah, still. I know that you like him since then. Huwag mong itanggi. Your eyes can't lie after all." siguro nga di ako ganon kagaling magtago ng nararamdaman kaya napansin nya pa iyon.
"Hoy hindi ah." pagtanggi ko. Mas madaling tumanggi kesa umamin. Ayoko ng maulit pa yung nangyare before.
"Siguro yung iba mapapaniwala mo, pero hindi ako. Why don't you just admit it. Malay mo ikaw pa rin yung gusto nya. He's just holding it back kase kapatid mo si Cy." nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Xijo. Naiinis talaga ako kapag sinasabi nya a magkapatid kami ng babae na yun. Bitter na kung bitter pero di nila ako masisisi kung ito yung nararamdaman ko. Anak pa rin sya ni Papa sa labas.
"Whatever, Mr. Publiko." i just rolled my eyes in response.
"May sarili kayong topic?" napalingon naman ako sa gawi nina Xiah ng magsalita si Brin.
"W-wala. Nasan na nga ulit tayo?"pag iiba ko.
"Wala wala. Nako kayo ha! May sarili kayong chika!" nagtatampong sambit ni Xiah.
"Baka kase pinag uusapan lang nila yung relasyon nila." natatawang saad naman ni Avii na ikinakunot naman ng noo ko.
"Noo mo nakakunot na naman." Xijo being Xijo na hilig punahin ang nakakunot kong noo.
Iniayos ko ang aking sarili at pinanlakihan sya ng mata para makitang hindi na nakakunot ang noo ko. He just laugh so I rolled my eyes again.
"Anong relasyon e kaibigan ko lang naman yan." sabi ko sa kanila.
"Relasyon nga, as a friend wag kang defensive." pang aasar naman ni Lynn. Okay okay pinagtitripan na nila ako.

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...