CHYN
Nagsimula na ang laro. Bakas sa mukha nila ang kaba na baka sa kanila tumutok ang dulo ng bote. Ako naman ay bahagyang nakasandal sa balikat ni Zen ng makaramdam ako ng hilo. Nakaubos na rin kase kami ng isang bote at akala ko nga ay yun na yon pero may mga nasa bag pa pala silang dala.
Unang hinto ay tumapat agad kay Jace ang dulo ng bote at ang magtatanong naman sa kanya ay si Jannah.
"Truth or Dare?" tanong nito kay Jace.
"Dare ako!" matapang na sagot nito.
"Pahirapan mo yan HAHA" sinamaan naman ako ng tingin ni Jace sa naging suhestiyon ko dahilan para magtawanan kaming lahat.
"Show us your best dance move!" hindi pa nagsisimula ay nagtawanan na kami, lalo na kami ni Thim na alam na alam na hindi marunong sumayaw ang kapatid namin.
Nang magsimula itong magsayaw ay halos mapaiyak na lang kami katatawa.
Ibinaling ko ang tingin kay Zen na ngayon ay wala pa ring humpay sa pagtawa. Ako lang ba yung nakapansin ng perfect smile nya? Lasing na ba ako? Di ba obvious, self?
Nang mapansin nyang nakatitig ako sa kanya ay binigyan nya ako ng matamis na ngiti. Sinuklian ko nalang sya ng ngiti dahil hindi ko rin naman kung ano yung dapat kong sabihin o kung may dapat ba talaga akong sabihin sa kanya.
"Truth or Dare?" napabalik ako sa realidad ng muling may magtanong and this time ay sa akin na nakatutok ang bote.
Napaisip agad ako kung ano ang pipiliin ko, kase kung dare ang piliin ko, what if pagsayawin din nila ako? Hell no! Dancing is my weakness. "Truth." Kinakabahan man ay yun na lang ang pinili ko at least hindi ako mahihirapan.
Napansin ko ng pagbulong ni Jace kay Kael na magtatanong sakin ngayon. Ahhh gumaganti pala ha.
"Who's you're first love?" sa sandaling iyon ay tanging malakas na tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko. Napaangat ako ng tingin kay Zen na halatang naghihintay rin sa kung ano ba ang isasagot ko.
My first love? Kaya ko bang sabihin yon sa harap nya? Nakakahiya!
Inabutan ako ni Kiro ng alak kaya't agad kong sinimsim iyon. Ramdam ko ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan dahilan para mapapikit nalang ako sa pait. Puro na ang kase ang iniinom namin ngayon dahil naubusan kami ng pang mix.
"Tagal ate ha!" reklamo ni Thim.
Si Jace naman ay pangiti ngiti lang sa tabi na para bang nang aasar lang.
"Pass." bakas ang pagkadismaya sa mukha nilang lahat kaya tinagayan nila ako ng alak bilang parusa sa hindi ko pag sagot.
"May iniingatan ka bang feelings ate o may tinatago kang feelings?" pati si Jannah ay hindi na rin maiwasang hindi magbiro sa akin.
Kanina ay nahihiya pa sila pero dahil sa epekto ng alak ay nagiging casual na silang makipag usap sa akin.
Ininom ko ang alak na iniabot nila sa akin. Busog na busog na ako sa alak at pulutan na nakahain at nakaramdam na rin ako ng pagka ihi. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila na iihi muna. Kahit hilong hilo na ay pinilit kong maglakad pero sa hindi inaasahan ay nawalan ako ng balanse. Mabuti na lamang ay may sumalo sa akin dahilan para hindi ako masaktan.

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...