CHYN
Ito ang unang araw ng klase sa aking ika-11th grade. Sa publikong paaralan ako nag aral ng senior high dahil para sakin,pareho lang naman ang itinuturo sa pribado at publikong paaralan.
Maliit lamang ang aming paaralan at mayroon lamang itong isang building at isang mahabang silid kung saan doon namamalagi ang mga SMAW students para sa actual nila.
Dahil maaga akong pumasok, nagkaroon ako ng oras para makapagmasid masid sa kabuuan ng paaralan. Madaming estudyante ang halatang nangangapa pa at ang ilan naman ay pawang sanay na sa kanilang nakikita.
Habang nakatayo ako sa labas ng gate para hintayin kung sino mang kakilala na makakasama ko don ay may dalwang babae na lumapit sa akin.
Isang mapayat na nakasalamin at isang medyo mataba na naka school uniform na din.
Ngumiti sakin ang payat na babae bago ito nagsalita. "Ahh ms, anong strand mo?"malambibg nitong tono.
"G-GAS po." Naiilang na sagot ko.
Napansin ko ang paglawak ng ngiti ng dalawa na ipinagtaka ko.
"Tamang tama.GAS din ang strand nitong pinsan ko!" Sabay turo sa matabang babae na kasama nya. Hinila nya ito palapit sakin at nakangiting inabot sa akin ang necktie nito. "Pwede bang paneck tie nitong sa pinsan ko. Hindi kase kami marunong eh. " Kahit nahihiya ay inabot ko iyon at itinali.
"Ahh okay na po."tipid kong sagot.
"Sya ako'y aalis na. Ano nga ang pangalan mo ineng?" Tanong sakin nung mapayat na babae.
"Chyn po.Chyn Juarez."agad nyang hinawakan ang kamay ko bago ihinawak sa kamay ng pinsan nya.
"Sya nga pala si Xiah Salazar. So pano? Una na ako ha? May pasok pa din ako. Ikaw na bahala sa pinsan ko." Napanganga naman ako sa ikinilos ng dalaga at tuluyan na itong umalis.
"Uhm,hi! Pasensya ka na sa pinsan ko ha." Mahinhin nyang bungad at sinuklian ko na lamang sya ng ngiti.
"So tara na?" Habang nakahawak sya sa braso ko na parang batang nawawala ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad paakyat sa nasabing classroom. Mabuti na lamang at kaklase ko sya. Kahit papaano ay may kilala na ako sa aming section.
Nang marating namin ang 3rd floor ay nagtaka kami dahil madaming estudyante ang nasa labas parin.
Sarado pa pala ang aming classroom. Karamihan sa mga kaklase ko(di ako sigurado) ay nagrereklamo na dahil kanina pa daw silang naghihintay don. Samantalang kami ni Xiah ay nakamasid lang sa kanila.
Ilang minuto pa ang aming hinintay bago tuluyang mabuksan ang aming silid. Pumwesto kami sa likod ng aking kasama at nanatiling tahimik.
Gaya ng palaging nagaganap tuwing first day, ang lahat ay nagpakilala sa bawat isa. Mukha namang mababait ang mga kaklase namin pero di parin maiwasan na may bida bida agad.
Napansin ko ang tatlong estudyante na nasa kabilang hanay. Isang lalakeng mataba at dalwang babae na hindi katangkaran. Parepareho silang nakasoot ng salamin sa mata. Napansin ko din na hindi sila nakikipag usap sa iba. Siguro dahil galing sila sa mataas na section nung silay nasa junior high school pa lamang.
Ibinaling ko ang tuon sa iba kong kaklase. Mas marami ang bilang ng babae kesa lalaki. Sa isang room ay mayroong 26 na estudyante. Pero ang alam ko, dahil sa kakulangan ng pasilyo,50 students dapat per room ang magkakasya.
Ramdam ko ang init sa classroom dahil dadalawa lamang ang electric fan na nandito kaya iilan lang din ang nakakalasap ng hangin.
Napukaw ng atensyon namin ang mga estudyante na nakapila sa tapat ng aming classroom kasama ang isang guro. Magulo at nagtutulakan ang mga ito na para bang mga batang naglalaro.

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...