CHYN
Kasalukuyan akong nakatulala sa kisame habang maalim na nag iisip. Nalulungkot pa rin kase talaga ako na aalis na si Owen. Ano kayang pwedeng gawin o ibigay sa kanya bago sya umalis? Ano kayang pwedeng ibigay kay tita na magugustuhan nya?
What if sapatos? Tutal mahilig naman syang magbasketball. Tss Magmumukha naman akong bakla kung gagawin ko yun. Hmm? Siguro necklace na lang yung ibibigay ko kay tita with her initial para simple lang pero maganda at may kahulugan.
Nakakamiss din naman kase yun si tita e. Ipapadala ko na lang siguro kay Owen yun kapag paalis na sya. Sana lang din payagan nya akong sumama sa paghatid sa kanya.
Linggo bukas kaya bukas na ako mamimili sa mall ng ireregalo ko sa kanila. Mahilig talaga akong magbigay ng gifts sa mga taong sobrang maapit sa akin. I love giving gifts kase dun ako masaya.
Napasapo ako sa noo ko ng maalala na may susulatin pa nga pala ako kaya agad akong bumangon at kinuha ang mga gamit ko. Ilang minuto rin akong nagsulat ng mga notes na pinasulat ni Ma'am Madrid sa subject na Organization and Management . Hindi kase ako nakatapos kaya nag message ako sa gc namin mga kaibigan ko na isend yung notes nila para dun na lang ako kokopya.
Nasabi rin kase ni Ma'am na kailangang mayroon non para sa nalalapit naming first quarterly exam. Kailangang humapit sa pag aaral at alisin ang distractions para naman kahit papaano ay pumasa.
Nakaramdam na ako ng ngalay at sumasakit na rin ang kamay ko kakasulat kaya nag inat- inat muna ako.
Nakauwi na kaya sina Thim at Jace? Nasan na kaya sila? Bakit hindi ko pa naririnig ang boses ng mga yun? Sabi nila maghahatid lang daw sila kina Janna, Kio at Kael pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila umuuwi? Nag-aalala na ako.
Agad kong idinial ang number ni Jace at sinubukang tawagan ito. Mabilis din namang nasagot ang tawag kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
"Hello ate? Bakit?" bungad nito.
"Anong bakit? Wala kayong planong umuwi? Mag-isa lang ako rito hello?" reklamo ko pa dito.
"Baka hindi kami makauwi mamaya, ate. Nandito kase kami ngayon kina Kael, birthday pala ng mama nya. Lam mo na, may inuman." halos umusok ang ilong ko sa narinig.
Mga lokong yun iniwan ako!
Napabuntong hininga nalang ako bago patayin ang tawag. Ano ba naman yan? Di manlang ako naisip isama, parang others!
Naisip kong mag message kay Zen just to update him in tonight's ganap kade wala rin naman akong ibang makakausap kundi sya. Pero instead of replying, sineen nya lang ako! Hmpp!
Agad kong isinara ang gate ng bahay namin, gayundin ang mga pinto at bintana ng bahay. Nakasanayan ko na kaseng gawin yun kapag naiiwan akong mag-isa rito sa bahay kaya alam ko na ang dapat kong gawin for my safety.
Bumalik na ako sa kwarto ko at ipinagpatuloy na ang aking pagsusulat. Malapit na rin naman akong matapos kaya baka mag cup noodles nalang muna ako tutal ako lang naman mag-isa rito sa bahay.
Nang matapos ay agad ko na ring niligpit ang mga gamit ko at muling nag inat inat.
Ginabi na rin akong makatapos kaya nakakaramdam na talaga ako ng gutom. Pababa na ako ng hagdan ng may marinig na kaluskos sa bandang kusina.

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...