Chapter 6
This chapter is dedicated to blithebutterflies napakabait niya kasi. She voted not only the previous chapter of this story kundi lahat ng story ko. thank you!
Cynthia’s Pov:
“’wag ka kasing magmadali sa pagsyut ng bola. Kalma lang.” sabi sa akin ni Josh habang hawak-hawak niya ako sa kamay at nakayakap sa akin.
Humiwaly rin naman siya sa akin. At pinagpatuloy niya ang mga sinasabi niya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. Gwapo talaga siya kaya hindi nakapagtataka na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.
Hindi man lang niya napapansin ang mga titig ko sa kanya. Akala niya siguro nakikinig ako sa kanya pero wala akong ginawa kundi pagmasdan ang mukha niya. Grabi ang kinis, ang tangos ng ilong. Ang ganda ng lips niya.
Habang pinagmamasdan ko siya bigla siyang humarap sa akin at sinabihan niya ako ng Shoot! Sa sobrang gulat ko naitapon ko ang bola sa ring at tumpak dahil pumasok. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Kasalanan niya yon dahil ang gwapo niya. Hehehe..
“bat ka nandito?” tanong ko naman sa kanya.
“Wala lang, naglilibang eh ikaw?”
“Niyaya ako nila Mia na sumama sa kanila kaya ito nandito ako.”
“ah. Bat mag-isa ka lang dito naglalaro? Saan sila?”
“nagda-dance revo sila.”
“eh ikaw bat basketball ang nilalaro mo?”
“actually nag dance revo rin ako kanina tapos usapan namin na magbasketball kami after dance revo pero sabi nila dance revo nalang daw sila kaya ako lang naglaro dito.”
“ah ganun ba? Samahan mo naman ako.”
“huh? Saan?”
“samahan mo ako kumain nagugutom na kasi ako.” OhEm.. date ba ito? Naku naman hindi ako nakapag handa. Pero kakain daw kami eh nagugutom na rin ako.
“’wag na nakakahiya atsaka baka hanapin ako nila Mia.” Patanggi kong sagot pero ang totoo gusto kong sumama. Syempre naman eh ikaw ba naman ang yayain ng crush mo hindi ka ba sasama?

BINABASA MO ANG
Healer of my wounded heart
FanfictionDahil sa love lahat ng tao pwedeng maranasan na magselos at masaktan dahil sa isang tao kahit hindi sila. kapag ikaw kaya ang makaranas nito, magiging madali ba para saiyo na magmahal ng lubos?