抖阴社区

Chapter 13: my suitor's ex - girl friend

227 1 0
                                    

Chapter 13

Cynthia’s Pov:

“okay ka lang ba?” tanong ni Josh sa akin.

“ah oo naman. May iniisip lang ako.” Sagot ko sa kanya.

“Ano yon?”  tanong niya ulit.

“wala. ‘wag mo nalang pansinin.”

Naiisip ko lang kasi yong sinabi ni Sheila at Adora sa akin.

“yan ang dapat. Ambisyosa ka kasi. Akal mo seryoso sayo si Josh? Wag kang tanga.”  Sheila told me.

“ginagamit ka lang niya.” Dugtong ni Adora.

Kagabi ko pa iniisip ang mga katagang yon. Hindi ko kasi alam ang mangyayari sa akin kapag totoo nga ang mga sinabi nila sa akin. Ang alam ko lang ay masasaktan ako ng sobra kapag totoo yon.

Wala naman sigurong tao ang matutuwa kapag nalaman niya na niloko siya at ginamit lang ng taong mahal niya hindi ba?

Sana lang talaga hindi totoo yong mga sinabi nila dahil ‘pag nagkataon hindi gugustuhin ni Josh na nakilala niya ako. Promise yan.

At yang Unbeatable na yan makakatikim sila sa akin kapag hindi totoo yong mga sinasabi nila sa akin. Kapag nalaman ko na sinusubukan nilang layuan ko si Josh.

Naglalakad kami ngayon sa pathway papuntang Business Office para magbayad ng tuition fee namin. First time ni Josh magbayad na siya ang pipila dito sa BO dahil mayroon naman talagang nagsesettle ng transactions niya pero dahil wala akong kasamang magbabayad dahil sina Mia tapos na magbayad sinamahan niya ako.

Nang parating na kami sa BO pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nakapila rin para magbayad ng tuition nila.

“bakit nila tayo pinagtitinginan?” tanong ko kay Josh.

“hayaan mo na yan sila na tingnan tayo. Naiinggit lang ang mga yan.” Tama si Josh inggit lang ang mga to lalo na itong mga babaeng halos patayin na ako sa mga tingin nila.

Mamatay kayo sa inggit.

Umupo na kami para hintayin na maabutan ang number namin.

Habang hinihintay namin ang number namin biglang may dumating na mga babae at lumapit sa amin ni Josh.

“Josh nag-iba kana pala ng taste sa babae.” Sabi ni Girl #1 na sobrang kapal ng make up. Libing ata niya.

“oo nga Josh. From magandang Ven to makapal ang kilay. She’s not beautiful.” Dugtong ni Girl number 2 na kung makainsulto akala mo kung maganda.

Tinatakpan lang naman niya ang malapad niyang noo ng artificial niyang bangs.

“Josh sigurado ka bang gusto mo siya hindi kasi kayo bagay eh.” Dugtong din ng isang impakta. So kanino bagay si Josh sayo na maputi ang balat maliban sa kilikili mo?

Yuck!!!

Tiningnan ako ni Josh at inakbayan. Hindi na ako umangal dahil alam ko paraan niya yon para maitaboy ang mga bad spirit sa harapan namin.

Ang papangit nila promise. Mas pangit pa sa akin.

So ano to? Papangitan contest?

“girls, wala akong pakialam sa mga sinasabi niyo, okay? So leave us alone at ‘wag kayong magsasalita ng kahit ano na makakasakit dito sa babaeng kasama ko ang future girl friend ko.”

Healer of my wounded heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon