抖阴社区

Chapter 28: bitter lang?

152 4 0
                                    

A/N: tnx sa mga nagvo-vote at patuloy na nagbabasa ng story ko. thanks a lot.

eto na ang new update ko.

enjoy!!!!!!!!!!!

Chapter 28

Cynthia’s Pov:

Habang papunta kami ni Prince sa KFC para kumain nakasalubong namin si Mia at Anthony.

“kakain na rin ba kayo?” tanong ni Mia sa akin.

“Oo, gutom na kasi kami.” sagot ko.

“sabay na kami sa inyo.”

“okay.”

Marahil nagtataka kayo kung bakit parang wala kaming balak kumain ng sabay-sabay. Yon kasi ang usapan namin dahil gusto daw nila mag moment ng mga boys nila. Buti na lang dumating si Prince at least hindi naging boring ang pagsama ko sa kanila.

Pumasok na kami sa loob ng Kfc.

“e-text niyo na rin yong mga iba nating kasama na sumabay na sa atin kumain libre ko.” Sabi ni Prince sa amin.

Wow!!! Ang bait naman niya. Pagkatapos ko siyang gawing alalay nagawa pa niyang manlibre.

“thank you Bro. sige I’ll just text them to come.” Sabi ni Anthony kay Prince.

“anong gusto niyong kainin?” tanong ni Prince sa amin.

“ikaw na bahala.” Sagot ni Mia kay Prince.

“basta ako gusto ko ng extra rice.” Sabi ko sa kanya.

“takaw.” Sabi niya sa akin at kumaripas na ng takbo.

After 3 minutes dumating na ang mga tenext ni Anthony. Basta pagkain talaga ang issue alert talaga sila. Mga matakaw!! Arrr!!! Ay nagsalita ang hindi matakaw. Haha!

After 11 minutes tapos na mag-order si Prince at kumain na rin kami.

“Cynthia hindi kana sad?” tanong ni Den sa akin.

“ako sad? Happy ako no.” sagot ko sa kanya.

“iba talaga pag nandyan ang nagpapasaya sayo.” Sabi ni Den.

Nang-aasar na naman ‘tong loko na to.

“kaya nga. Nagiging maganda ang araw mo, parati kang naka smile.” Sabi naman ni Anthony.

“at ang lakas kumain.” Dugtong ni Troy.

“the three of you, I will kick you out of here kapag hindi kayo tumahimik.” Sabi ko sa kanila pero nagtawanan lang sila.

Mas inasar pa nila ako.

“Cynthia inspired ka ngayon?” tanong ni den.

“ang ganda mo kasi.” Dugtong ni Anthony.

“dati kasi hindi.” Dugtong din ni Troy.

“MGA BUISIT KAYO!!!!”

“guys tigilan niyo na si Cynthia okay? Pabayaan niyo na lang siya na ramdamin na maganda siya kahit yon man lang wag natin ipagkait sa kanya.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Prince.

So sinasabi niya na hindi ako maganda?

Ganun???

Healer of my wounded heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon