抖阴社区

Chapter 15: Consequence

171 2 0
                                    

Chapter 15

Cynthia’s Pov:

“say ah…” utos ni Josh sa akin sabay ko naman ng bibig ko.

Sinubuan niya ako ng pineapple pie na inorder niya.

Nandito kami ngayon sa canteen na kumakain. Actually tapos na kami itong pineapple pie na lang ang hindi namin nauubos.

“Thank you.” Sabi ko sa kanya pagkatapos niya akong subuan.

“masarap?” tanong niya sa akin.

“Oo naman.” Sagot ko naman sa kanya.

“saan mo gustong mag stay muna total mamaya pa naman ang klase natin.”

“sa kiosk.”

After eating our lunch we went to kiosk. Akala niya kaya gusto ko tumambay dito para magpahangin peroo hindi, gusto ko siyang kausapin tungkol sa nakita ko kahapon.

“Cynthia are you happy everytime we’re together?”  biglaang tanong ni Josh sa akin.

“of course I am.” Totoo naman masaya ako talaga ako ‘pag kasama ko ang mokong na ito lalo na nung simulan niya akong ligawan pwera lang kapag umeeksena ang snake girl.

“ako rin masaya ako kapag magkasama tayo. Salamat ha.”

“salamat? para saan?”

“salamat dahil nandyan ka para sa akin, dahil tinanggap mo ako.”

Ano naman kaya mayroon sa lalakeng ‘to at ganito magsalita ngayon?

“Drama mo.” Sabi ko na lang sa kanya.

Nginitian lang niya ako at bigla niya akong niyakap. Habang yakap-yakap niya ako bigla kong naisip yong sulat na bigay ng unbeatable at yong nakita kong halikan kahapon. Dinala ko siya rito para makapag-usap kami at maitanong ko sa kanya ang totoo pero bakit parang umuurong ang dila ko? Itong mga yakap niya ba ang sagot sa mga tanong ko?

Ginagait lang ba talaga niya ako?

Pagkatapos ng ilang sandaling yakapan humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Ako naman nakatitig lang sa kanya habang nakatanaw siya sa malayo.

Habang nakatitig ako sa kanya tinatanong ko siya sa isip ko.

Josh ginagamit mo lang ba talaga ako?

Seryoso ka ba sa akin?

Mahal mo pa ba si Ven?

Ibigla siyang humarap sa akin kaya napatigil ako sa pagtitig sa kanya.

“Josh.”

“ano yon?” tanong niya sa akin.

“mahal mo pa ba si Ven?” at hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong sa kanya yon kahit alam ko na dahil sa tanong na yon pwedeng mahati ang puso ko sa mga oras na ito.

“Bat mo bay an itinatanong? Diba sabi ko saiyo hindi na. hindi ko na siya mahal Cynthia.”

“ano yong nakita ko kahapon?”

“anong nakita mo?”

“magkayap kayo at hinalikan ka niya.”

“yon ba? Kahapon kasi ng umaga nung nag-usap kami sabi niya sa akin na mag-usap daw kami ulit para magkaayos kami.”

“magkaayos?”

Healer of my wounded heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon