抖阴社区

Chapter 29: last cry

136 2 0
                                    

Chapter 29 

Cynthia’s Pov:

“saan ka pupunta?” tanong ni Prince sa akin?

Hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Badtrip pa.

Wala akong pakialam kahit nagmukha akong bitter kanina sa nangyari sa amin ni Ven. Mas mabuti na yon dahil nalaman niya na dahil sa ginawa nilang panloloko ni Josh sa akin kaya ako nagiging ganito.

Hindi naman siguro sa bitter ako pero sa tuwing nakikita ko ang isa sa kanila nagagalit talaga ako dahil bumabalik lahat ng sakit na nararamdaman ko.

“Cynthia where are you going?”

tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad

Hanggang sa

Bogsh!

Takteka!!!!!

Sinong bumanga sa akin?

“sorry nagmamadali kasi ako.” Sabi ng bumanga sa akin.

Tiningnan ko kung sino.

Si Josh.

“pasensya na tol nagmamadali rin kasi kami.” sabi ni Prince kay Josh. Gago to na lalake imbes na upakan niya si Josh humingi pa to ng sorry.

“okay lang yon.” Sagot ni Josh kay Prince.

“sige tol mauna na kami.” pagpapaalam ni Prince.

Nang aaktong aalis na kami bigla  akong tinanong ni Josh.

“Cynthia nakita mo ba si Ven?”

WTF!!!!!!!!

UMAAPOY ANG ULO KO SA GALIT!!!!!

GRRR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

“ah si ahas oo dun sa mga bag.” Sagot ko sa kanya.

“ahas?” nagtatakang tanong niya.

“bye.” Sabi ko sa kanya at pinulupot ko ang kamay ko sa mga braso ni Prince sabay sabing.

“honey tara na excited na ako.”

At naglakad na kami paalis hanggang sa makalabas na kami ng mall.

Tuloy lang kami sa paglalakad habang nakapulupot pa rin ang mga kamay ko sa braso ni Prince.

Lakad

Lakad

Lakad

Until…….

“Prince pwede mo ba ako dalhin dun sa tore kung saan mo ako dinala nung una tayong nagkasama?” sabi ko na may kung anong lungkot sa tono ng pananalita ko.

“bakit?” tanong niya sa akin.

“please.” Sabi ko sa kanya at hindi na siya nagsalita ulit.

PAGDATING SA TORE

Tumayo ako sa may dungawan ng tore at nilanghap ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

Pumikit ako para mas lalong langhapin ang simoy ng hangin at kasabay nun ay naalaala ko ang mga oras na magkasama kami Josh noon.

Yung aksidenteng pagkakayakap niya sa akin sa arcade.

Yung niyaya niya akong kumain ng hindi man lang ako nakapaghanda.

Yung sinigawan ko siya ng kuripot at habulan namin sa mall.

Yung nagtapat siya sa akin na liligawan niya ako.

Yung binigyan niya ako ng bulaklak at chocolates.

Yung kulitan naming sa BO.

Lahat yon naaalaala ko at masakit yon sa damdamin ko dahil lahat yon, lahat yon ay kasiyahan na naramdaman ko sa mga panahon na kasama ko si Josh kung kalian niya ako ginamit. Lahat ginawa niya para pagselosin si Ven at lahat naman ng kasweetan na ipinakita niya ay pinaniwalaan ko. Minahal ko siya oo kaya nga ako nasasaktan ng sobra ngayon lalo na kapag nakikita ko sila  ni Venn a masayang magkasama.

“hanggang kalian mo ba iiyakan ang lalakeng nanloko sayo?” tanong ni Prince at dahil dun naibuka ko ang mata ko.

Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko na hindi ko namalayan na umiyak pala ako.

“ang sakit kasi Prince eh. Ginamit niya ako. Gin-a-mit niya ak---ko.” Sabi ko sa kanya habang humahagulgol ako.

“alam ko yang pain na nararamdaman mo kay? Be strong. Walang mangyayari sayo kung iiyakan mo ng iiyakan ang lalakeng yon.”

Hindi ako nakasagot.

Humagulgol na lang ako ng humagulgol.

“hindi deserving si Josh sa mga luha mo.” Sabi niya sa akin at hindi ko alam pero napayakap ako sa kanya at niyakap niya rin ako pabalik.

“Cynthia stop crying and please wag kanang umiiyak ulit please.”

Idunno what to say sa totoo lang.

Bakit siya ganito sa akin?

Napaka caring niya sa akin.

Sino ba ako sa buhay niya at ganito na lang siya mag care sa akin?

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan niya ulit ang mga luha sa mata ko.

Pagkatapos nun ay hinawakan niya ang kamay ko at bumaba na kami sa tore.

Pagdating naming sa baba pumunta kami sa ilalim ng puno at naupo roon sa may damuhan sa ilalim ng puno.

Tumayo siya saglit at pumunta sa kotse niya. Pagbalik niya may dala siyang tela at mga pagkain at inumin at saka kami umupo ulit at nagsimulang kumain.

Sumapit na ang hapon kung saan lumulubog na ang araw.

Pinanood namin ang paglubog nito pero bago ito tuluyang lumubog ay may binitawan akong pangako kay Prince.

“ito na ang huling pag-iyak ko.”

Healer of my wounded heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon