抖阴社区

Chapter 53: video

85 2 0
                                    

Chapter 53

Cynthia’s Pov:

“mag-iingat po kayo sir sa biyahe.” Biling ni Aleng Ana sa amin.

“kayo rin po mag-iingat po kayo dito. Tumawag lang po kayo kapag may nangyaring hindi maganda dito o kapag may problema po.” Bilin rin naman ni Storm kay Aleng Ana na parang naiiyak pa.

“Aleng Ana ma mimiss ko po kayo. Salamat po ha.” Sabi ko naman sa kanya.

“alagaan mo si sir Cynthia.” Sabi ni Aleng Ana. Oh diba close na kami agad-agad.

“ako po ang bahala sa kanya.” Sabi ko naman sa kanya.

“sige po, aalis na po kami dahil malayo pa po anng bibiyahiin namin.” Sabi ni Storm at nagyakapan ang dalawa. How sweet nilang mag-amo.

Syempre niyakap ko rin si Aleng Ana pati na rin ang mga pinsan ko niyakap rin siya. Yong tatlong na mga pinsan ni Storm niyakap rin si Aleng Ana. Ang bait kasi ni Aleng Ana sa amin.

After nun ay sumakay na kami sa Van para makapagumpisang maglakbay pauwi. Hindi si Storm ang magda-drive ngayon kasi may driver sila rito sa Croder kaya siya ang magiging driver namin ngayong pauwi kami. sumakay na kami sa Van at nang makasakay na ay nagbabay na kami kanila Aleng Ana na hinihintay na maka-alis na kami.

Nang maka-alis na kami, sinulyapan ko ulit ang malaking mansion ng magiging asawa ko baling araw. Tiningnan ko ang mga halaman roon na ang sasarap sa mata. Ang mga katiwala nila Storm na sobrang babait sa amin. Pinatuloy nila kami sa tahanan nila ng maayos. Walang ni isa ka kanila ang taas ng kilay sa aming magpipinsan. Umayos ako po at habang umiikot ang mga gulong ng sasakyan ay pinagpatuloy ko ang huling pagmamasid sa magandang Probinsya ng Croder.

Habang nagmamasid ako naramdaman kong ipinatong ni Storm ang kanang kamay niya sa balikat ko na siyang pinagpatuloy ang dereksyon ng mga kamay niya sa tagiliran ko resulta ng pagkakayap niya sa akin. Niyakap niya ako at ako naman ay hinawakan ang kamay niya.

Habang niyakap-niyap niya ako at hawak ko ang kamay niya bumulong ako sa sarili ko na balang araw babalik ako sa lugar na ito hindi bilang kasintahan ni Storm Clynth Ynaris kundi bilang asawa na niya. Hay, ang hilig ko talaga mag-isip ng mga ganun. Umidlip muna ako sandali dahil nakaramdam ako ng pagod dahil sa ginawa naming magpipinsang babae kaninang umaga. Nagvolunteer kasi kaming mag-hugas ng plato, baso, tinidor, kutsara at kung ano-anong pang gamit pang kusina. Matagal na negosasyon ang nangyari sa pagitan naming magpipinsan at ni Aleng Ana pati mga ibang katiwala nila Storm. Baka daw kasi pagalitan sila ni Storm pag hinayaan nila kami sa gusto namng gawin. Sa huli napapayag din namin sila. Pagkatapos namin maghugas ng mga gamit kusina at nagwalis rin kami sa bahay, sinubukan nila kaming pigilan pero hindi kami nagpapigil. Ano ba naman yong maranasan namin maglinis ng bahay diba? Atsaka para makapagahinga rin sina Aleng Ana.

Kumain muna kami sa Senrit nang makarating kami doon at pagkatapos ay nagpatuloy kami sa biyahe naming pauwi. Gabi na nung bumibiyahe kami kaya naman nagsitulugan kami. pagkatapos ng halos walong oras na biyahe namin nakarating na rin sa mga bahay namin. Isa-isa kaming hinatid ni Storm sa mga bahay namin at ako ang huli niyang hinatid. Hindi kami nagkausap masyado nong hinatid niya ako dahil sobrang antok na antok ako. Goodnight lamang ang tanging nasabi namin sa isat-isa.

***

“hi Cynthia, hows your vacation in Croder together with Storm the love of your life.” Salubong ni Sheila sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin. Lunes na ulit kaya pasukan na ulit.

Hindi ko siya sinagot. Wala kasi akong panahon makipag-usap sa mga taong nagpapainit ng dugo ko.

“nag-enjoy ka ba sa maikling bakasyon niyo?” tanong ni Sheila sa akin.

Healer of my wounded heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon