抖阴社区

Chapter 7: Hi-5

220 6 0
                                    

Chapter 7

Cynthia’s Pov:

Secong day of class this sem. Well as usual hiling ko na sana hindi na ako guluhin ng Unbeatable. Okay na na hindi kami magkabati basta ‘wag lang nila ako guguluhin.

Sana ngayon ako yayain ni Josh Kuripot mag date ulit. Dahil sasagutin ko siya agad-agad ‘pag nanligaw siya sa akin.

Malandi lang noh? Hmm.. biro lang ‘yon. Syempre kung liligawan niya ako dadaan siya sa butas ng karayom bago ko siya sagutin noh. Hindi porket ultimate crush ko siya eh ganun na lang kadali na pasagutin niya ako. Hello! Dalagang pilipina ‘to no.

Pagdating ko ng school as usual pumasok ako kaagad sa classroom namin. Wala pa ang unbeatable kaya sa unahan na ako umupo sa tabi ni Mia. Pagkaupo ko pa lang nakiusyoso na siya  kung saan kami pumunta ni Josh at ano ang nangyari sa amin.

“oi saan kayo pumunta ni Josh kahapon? ikaw ha lumalandi kana.” Pambungad ni Mia sa akin.

“oa mo naman, landi agad ang nasa isip mo.”

“joke lang ikaw naman.” Sabiniya sa akin kasabay ng konting tulak sa akin. “Saan ba kayo pumunta?” tanong niya sa akin.

“kumain.”  Sagot ko sa kanya. Nakita ko na medyo nanlaki ang mata niya. Alam ko sasabihin nito. Madaya kami. ‘yon ang sasabihin niya. Gutom din kasi sila kahapon ng magkakasama kami.

“hoy bat ‘di niyo kami isinama?” sabi ko na nga ba. “alam mo naman na gutom na kami. ang daya niyo.” Maghanap kasi kayo ng Josh ng buhay niyo ‘wag nga lang yong kuripot tulad ng Josh ko.

“hindi naman ako ang nagyaya eh.”

“kahit na madaya pa rin kayo.” Oo na Mia.

“Alam mo okay na yon na hindi kayo nakasama.”

“bakit?” nagtatakang tanong ni Mia.

“kasi…..” napatigil ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Paglingon ko si Josh. Oh thanks God. Buo agad araw ko. Ang nakakainis lang bat parang hindi ko siya kayang titigan ngayon hindi tulad dati na halos ma melt na siya sa mga titig ko.

“Hi Cynthia good morning.” Nakangiti niyang bati sa akin.

“good morning din Josh.”  Bati ko rin naman sa kanya.

“anong pinag-uusap niyo ni Mia kanina at napatigil kayo bigla pagdating ko?” tanong niya sa akin.

“ah eh wala.” ang kakuriputan mo.

“ganun ba?” bigla siyang humarap sa akin pero ako sa notebook ko ang tingin ko.

“Cynthia?”

“ano yon?” tanong ko sa kanya. Ano ba yan, hindi ko man lang siya matitigan. Ang lapit kasi. Errr!

“tingnan mo nga ako.” Kasasabi ko lang na hindi ko kaya eh.

“bakit?” wag kang mapilit Josh

“basta.”

“ayaw ko.” ‘wag mapilit sabi eh.

“titingin ka sa akin o hindi?”

“mamaya na.” ang kulit lang noh? Hindi ba niya nahahalata na namumula na tong mukha ko?

Healer of my wounded heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon