抖阴社区

Chapter 5

867 16 3
                                        

Kinuha ko yung phone ko nang marinig kong mag-ring.

”Hello? Who’s this?”, tanong ko.

“May I talk to the most beautiful girl I seen.”, alam ko yung boses nya.

“How did you know my number?”, iritadong tanong ko.

“Wala. Nakita ko sa contacts ni Niana ehh. Pinsan mo pala sya, hindi mo sinabi.”, sabi nya in sarcastic way.

“Dapat ba? Bye! I’m busy.”, pagkasabi ko nun binaba ko na. LIAR! Pero, ayaw ko syang kausapin! Naiinis lang ako ehh.

Tapos nagring ulit. Hindi ko na lang sinagot. Tapos nagring ulit. Kinuha ko at sinilent mode ko. Istorbo ehh. At dahil di rin ako nakatiis, kinuha ko. 19 missed calls. Lahat galing sa kanya. Ano yun, joke? Nagsasayang ng load? Sa bagay mayaman naman sila ehh.

Tapos, binitawan ko ulit at humiga. Tapos nag-vibrate ulit, edi sinagot ko na. Hindi ko naman nakita kung sino yung tumatawag, pero, ang alam ko sya lang yun. Sya lang naman yung nangungulit sa’kin ehh.

“Mr. Jude Kervin Sebastian, ano pong kailangan nyo? Kung wala kang magawang matino, pwes ‘wag ako pagtripan mo!”, sabi ko.

“Shocks! Best! Tell me, ano ng nabubuo sa inyo?”, bwiset! Si Chesca pala.

“Anong sinasabi mo?”, tanong ko naman na naiirita.

“Wala. Kasi ako yung tumawag pero sya yung iniisip.”, okay. na-misinterpret nya. -.-

“Ehh? Pakara kasi ehh! Tawag ng tawag.”, sagot ko naman. ”Nakakabwiset ehh! Walang magawa sa mundo.”

”Hay naku Kai! Parang kahapon lang, kabaliktaran yung mga pinagsasabi mo ha! Baka mamaya nasa TV na, ‘Number one hater, is the number one fan.’ Pero, gusto mo ba ULIT sya?”, nakakainis yung tanong nito ha!

“HINDI! Hate ko nga diba?”, sagot ko naman.

The more you hate the more you love.”, nakakabanas na!

“Pagbalik mo dito, sisipain kita pabalik sa pinanggalingan mo!”, sigaw ko.

“Hahaha. O sige! Bye na! Tawag na ko.”, sabi nya.

”Sige.”, tapos binaba ko na.

Tumawag naman si Jude ulit. Ano bang gusto nito?

”Hello? Kai!”, bati nya.

“Oh?”, cold na sabi ko.

“Bakit ba ang taray mo sa’kin lagi? Lagi kang ganyan kapag nakikita kita. Lagi kang ganyan kapag binabati kita.”, sabi nya. Kasalanan ko, ganun?

”Nakakainis ka kasi ehh!”, sabi ko.

”Bakit?”, wala lang.

”Wala lang. Gusto ko lang mainis sa’yo! Gusto ko lang magalit sa’yo!”, sabi ko.

”Alam mo Kaienne Samantha Reyes, you’re one of a kind! Kakaiba ka! Halos lahat ng mga babae pangarap ako, ikaw naman, tinatapon mo lang ako.”, sabi nya in a low voice. Halatang nasaktan sya sa sinabi ko. Pinangarap ko naman sya ha! Dati!

”Kasalanan ko bang ikaw yung unang nagtapon sa’kin?”, sinabi ko yun?

”Ha?”, alam kong di nya nagets yung sinabi ko. Buti na lang.

”Kasi hindi ikaw yung lalaking pangarap ko!”, sabi ko narinig ko na lang ang pagbuntong hininga nya.

”So, what is your ideal man? Anong gusto mo sa isang lalaki?“, tanong nya. Oo nga. Ano bang gusto ko sa lalaki? Ano bang hinahanap ko? ”Anong gusto mo para kung may hindi ka gusto sa’kin, babaguhin ko?”

“Bye!”, yun na lang ang sinabi ko tapos ay binaba ko na. Hindi na sya tumawag ulit kaya kahit papano nakapag-relax naman yung utak ko. Congratulations to me.

‘Anong gusto mo para kung may hindi ka gusto sa’kin, babaguhin ko?’ Pakara pala sya ehh! Lahat nga gusto ko sa kanya ehh. Kaya nga ngayon, inis na inis ako sa kanya! >_<

Makatulog na nga! Mamaya pa naman ang Dinner namin ehh. May time pa para magpahinga.

I love everything about him except the fact that he’s not mine.

The more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon