抖阴社区

Chapter 89

420 6 0
                                        

|Chesca’s POV|

“Anong meron at nandito kayong lahat?”, tanong ni Kai. May problema ‘to, swear!

“Bawal ka na bang dalawin ngayon baby?”, say ni Jude. -____- sige! Tignan ko lang kung malambing mo yan!

“Don’t call me baby. At isa pa, hindi ako patay. Wala kong sakit. So why bother to be here, huh?”, napayuko naman si Jude. Tsk. Ano bang problema ni Kai?! Last week pa naman yung menstruation nya, sabi nya sa’kin.

“Kanina best, di mo man lang sinabing uuwi ka na. Hinintay ka pa tuloy namin ni Nico.”, sabi ko.

“Who told you guys to wait? At hawak nyo na ba ang buhay ko ngayon kaya kailangan kong sabihin?”, watda?! Masama na ba ngayon mag-alala para sa bestfriend? :(

“KAI!”, sigaw ni Tito.

“Actually di lang buhay ko hawak nyo ehh. Pati pagkatao ko.”, ehh? Ano bang nakain nya at nagkakaganyan yan?! Sobrang pagmamahal kay Jude, ganun? -_____-

“SAMANTHA! Nasa hapag ka! Respect, please?”, sabi ni Tito.

“Sino po sa aming anak MO ang tinatawag mo? Si Danica o ako? At respect? Wow! Thanks. Thanks for reminding me. For reminding me that everytime we eat, you can lie to me.”, parang alam ko na ’to ha!

“Bunso, ano ba?! Tumigil ka na! Ano bang problema mo?!”, sita ni Kuya.

“Problema? Gusto mo Sean isa isahin ko?”, nakakatakot si Kai. Swear! 17 years ko syang kasama at ngayon ko lang nakita yung ganyang attitude nya. Nagagalit na nasasaktan? “Ikaw, si Mom, si Dad, si Chesca, si Nico at ikaw Jude! Lahat kayo problema ko! Lahat kasi kayo nagsinunungaling sa’kin. Wow! All my life was full of lies.”

“Ano bang gusto mo Kai?”, tanong ni Nico.

“Gusto? Gusto ko lang malaman yung valid reason nyo kung ba’t noon pa man hindi nyo sinabi sa’king kapatid ko si Danica.”, sabi ko na nga ba ehh! Tama ako! Eto na yung pagguho ng mundo ni Kai. “Kaya ba lagi kayong nagso-sorry in advance?! Kaya ba lagi nyong sinasabing hindi nyo ko iiwan? Kaya ba lagi nyong sinasabing hindi pa ‘to ang climax ko?! Ha? Yun ba yun? Kasi kinakaawaan nyo kong lahat?! Wow! Salamat ha?”

Takte! Naiiyak ako. Basta naiiyak ako. Yung feeling ko nung nalaman ko yan at nung kausap ko si Nico, about dun? Ayun yung feeling ko ngayon. Alam kong nasasaktan si Kai. Sobra syang nasasaktan. Alam ko yun. Kasi kung ako nasasaktan, sya pa kaya?! Bestfriend lang ako dito!

 “Kai, please? Let me explain. Okay?”, sabi ni Tito.

“What Dad? What would you explain? Hindi nyo po ba alam kung ano yung ginawa nyo? Na ang consequence, sa akin ang bagsak? Don’t you know that Dad?”

“Kaienne, please, kumalma ka, pwede?”, sabi ni Tita.

“Kalma Mom? You’re telling me to calm? Wow! Haha. Ang saya! Ang saya ng pamilya na ‘to ha! Ano? Kasalanan ko pa? Kasalanan ko pang naging anak nyo ko? If I already knew this before, I never wanted to be as one of this family!”, pagkasabi nya nun humagulgol na sya and umalis. I want to hug you best!

The more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon