抖阴社区

Chapter 81

457 7 0
                                        

|Chesca’s POV|

Ang love, parang ipis. Minsan kala mo patay na yun pala buhay pa. Tsk.

Para yan sa baliw kong bestfriend na aking mahal na mahal. Si Kai.

“Chesca.”, tumalikod naman ako pero walang tao. “Dito sa taas.”, pagtingala ko, “Akyat ka dito, dali!”

“Ayoko! Tsaka, anong kalokohan yan Jude?! Kailan ka pa naging unggoy?”, pa’no ba naman nandun sya sa puno. Andito ko sa field. Si Kai nasa CPP ulit. -____- uwian na rin!

Ang gara ‘no? -_____- lagi na lang uwian kapag may mga nangyayari. Tsk. Sa bagay, di kasi kami magkakaklase ehh. Ano daw sabi ko? :D

“Hindi! May bahay dito. Tara dali. Ikot ka dun.”, may tinuro naman syang way kaya tinignan ko. May hagdan nga. “Dahan dahan Ches ha!”

“Don’t call me Ches. Di tayo close! :P”

“Malaglag ka sana Francesca!”, sabi nya tapos tinawanan nya lang ako.

Pag-akyat ko naman, na-amaze talaga ko swear!

“Ngayon ko lang ‘to napuntahan! Simula Grade1 andito na ko sa Chomas.”, sabi ko.

“Ako din. Kanina ko lang ‘to na-discover.”, sabi naman nya.

“Ganyan ka naman ehh! Laging sa huli makaka-discover. Laging sa huli makaka-realize. -_____-“

“Alam mo Frances–“

“Ches na nga! Ang haba ehh!”

“Arte mo kasi.”, bulong nya, pinalo ko nga. “Pero seryoso na, akala ko ikaw yung babae sa field. Sabi kasi sa’kin ni Kai, kilalang kilala nya daw yun ehh. E ikaw lang naman yung salamin nya dito! Bestfriend ka nun ehh!”

“Actually, nakalimutan ko na yung issue na yun. Ang tagal na ehh. 2 years na. Pero alam ko yun. Di pwedeng hindi. Tas pinaalala lang ulit sa’kin ni Nico yun. Hay! Alam mo, nababanas na ko dun kay Kai ehh. Minsan nga gusto ko na lang sya ihagis sa pool kasi ang tanga ehh! Ewan ko ba Jude! Mahal na mahal ka nun ehh. Buti na lang mahal ko sya kundi, pinukpok ko na yun ng bato para matauhan.”

“Sorry din pala Ches ha. Syempre bestfriend ka nya. Alam ko, na-feel mo yung sakit na binigay ko sa kanya. Hay! Ang sama ko ‘no?”, I nodded sarcastically. “Ewan ko ba! Ang manhid manhid ko! Biruin mo, 4 years?! Pero dati, dati naka-feel na rin ako ng iba dyan kay Kai ehh. Yung panahong nabunggo ko sya tas nagturo sya. May something na kong naramdaman para sa kanya. Di ko nga lang ine-entertain. Simple kasi sya. Kaya alam mo yun, feeling ko di sya mahilig sa mga sikat. Wala syang pakialam sa mga popular guys. Kaya nga nung time na sa mall? Hinanap ko talaga sya nun ehh! Tas naalala ko pa, gustong gusto ko dati ng hater. Pero ayoko ng issues. Lupit diba? Yung mga issues kasi, hindi nila alam yung totoo pero grabe sila magpalaganap. -____- kaya gusto ko ng hater. Gusto ko kasing malaman kung anong ayaw nila sa’kin. Tas ayun! Si Kai! So far, si Kai. Sya ang nag-iisa. Tas nalaman ko yung reason, nasaktan ko pala sya. Grabe ang liit ng mundo!”

“Nasabi mo na ba yan kay Kai lahat?”, he shook his head. “Pero Jude, mahal mo ba talaga si Kai?”

“Oo. Basta, alam mo yung feeling na, kumpleto araw mo kapag nandyan sya?”, alam ko yun! Alam ko yun! :> “Basta, tas ang saya saya mo kapag kasama mo sya. Ganun. Yung basta! Pero, mahal ko si Kai. Sobra.”

“Sana totoo na ‘to Jude. Please?”

“Oo naman. Wala na kong balak pakawalan pa sya.”

“Kapag sya umiyak ulit Jude, dahil sa’yo, ako na! Ako na makakalaban mo! Swear! Sa susunod ikaw na sasampalin ko!”

“Takot ako sa’yo Ches, don’t worry. Lalo naman dun kay Ryle. Grabe! Huwag nyong gagawin yun sa mga anak nyo ha!”

“Parehas kayo ng sinabi ni Kai.”, sabi ko tapos napangiti lang ako.

“Actually, hindi naman mahirap mahalin si Kai ehh. Kapag may puso ka. Pero kapag bato yung nasa dibdib mo, kahit subukan mo pa kahit sino, mahihirapan ka talaga.”

“Totoo. Puro pebbles kasi yang dibdib mo ehh! -_____-“

“Oo. Tas dinurog nya.”

“Hay Jude! Ang tagal ko na ‘tong gustong mangyari! Ang maging masaya sya.”

“Alam ko. Pero huwag kang mag-alala. I promised Tita, hindi ko sya iiwan.”

“Huwag na huwag talaga! Ewan ko na lang kapag ginawa mo yun!”

“Masyado pa syang maraming dapat pagdaanan at baka hindi nya kayanin yun. Alam ko alam mo yun. Pero Ches, pa’no nga nangyari?”, tumingin naman ako sa kanya. “Na magkapatid sila ni Nica?”

“Sino nagsabi sa’yo nyan?”

“Si Tita nga.”

“Itanong mo na lang kay Nico. Pero, ‘wag na lang natin intindihin? Ang importante, kapag nalaman ni Kai, andun tayo sa tabi nya.”

“I pity her.”

“Don’t! Kaya yun ni Kai! Kakayanin nya! Matapang yun.”, ngumiti lang sya sa’kin. “Jude. I trust you ha?”

“Lahat kayo napasagot ko na kahit si Nico. Si Kuya na lang!”

“Konting kiliti lang dun, oo na rin yun! Tapos sunod si Kai na!”

“Hahaha. Oo. Konting konti na lang. Hay! Pero seriously, Chesca, salamat ha?”

“Ako dapat ang magpasalamat sa’yo kasi for the first time, masasabi ko, sobrang napasaya mo na sya matapos lahat ng dumaan!”, sabi ko tapos tinap ko lang sya sa balikat tapos umalis na rin kami.

Sakto namang dumating si Kai at Ryle. Tas ayun! Kumain muna kami sa labas, bago umuwi. Hinatid naman nila kami.

“Ches, ang tagal natin ‘tong pangarap ‘no?”, tumingin naman yung boys sa’min.

“Double date?”, tanong nila. We nodded sabay tawa.

“Tsk. Kayo talaga.”, sabi ni Ryle.

“Ang sarap kaya sa feeling na yung bestfriend mo–,”

“Nakikita mong masaya kasama yung mahal nya.”, dugtong ko kay Kai.

The more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon