“Jude! Ang tagal mo!”, sigaw ni Ash. Nakakabwisit yung ganun! Kagabi pa ha! Yung kapag nag-iisip ka, biglang may sisingit.
Lumabas na ko ng banyo. Since I’m done. Pinakilala ko lang naman yung mga kaibigan ko sa inyo ehh.
“Daig mo pa si Mommy maligo ha?”, si Gyen.
“20 minutes ka sa C.R.”, tumingin naman ako sa alarm clock ko. Oo nga ‘no!
“Yung author kasi ehh! Ang daming satsat.”, sabi ko naman tapos ay nagbihis na ko. ”Kain muna tayo. Nagugutom na ko ehh.”
“Sa School na.”, sabi naman ni Josh.
And yun nga! Sa School na kami nag-breakfast.
“Ako na lang bibili.”, sigaw naman ni Josh. Tumayo na sya at naiwan kaming lima dun sa table.
“Sandwich na lang Josh!”, sigaw ko.
“Sure. Sige.”, sigaw nya naman.
”Akin na nga yung phone ko!”, sabay agaw ko kay Jeth. Di nya naman binigay. Di ko na lang kinuha. Wala naman syang magagawa dun ehh.
“Pa’no mo ba yan nagustuhan?”, sabi naman ni Ash.
“Di ko sya gusto!”, sigaw ko naman agad!
“Talaga? Kaya pala!”, si Gyen naman.
”What? Hindi ko nga sya gusto! Natutuwa lang ako sa kanya. That’s all.”, hindi ko naman talaga gusto si Kai ehh. Hindi nga ba? Basta! Natutuwa lang ako sa kanya.
“Alam mo Jude, sa daming girls sa mundo, sa dami ng fans mo, sa dami ng may gusto sa’yo, hindi ko alam kung bakit yung number one hater mo pa yung magugustuhan mo.”, si Sien naman.
“Look! Kagabi pa ‘to ha!”, sigaw na naman ni Jeth sabay pakita nung phone nya.
“What the hell? Ano yan?!”, napatayo naman ako sa sobrang gulat. And oh! Nakatingin sa’kin lahat.
“Calm down.”, sabi ni Gyen tapos pinaupo na nya ko.
“Jude Sebastian with her first ever girlfriend.”, Si Sien.
“Jude Sebastian dated with her girlfriend a while ago.”, si Jeth.
“Jude Sebastian is already taken.”, si Ash.
“Tell me, lahat ba ng ginagawa ko, lumalabas din dyan sa net?”, tumango naman silang lahat. “Shocks! Kaya naman pala alam na agad nila yung nangyari. Tsk. Wala naman akong sinabing girlfriend ko sya. Well, dahil nandyan na, edi go! Ang dali dali lang.”
“Jude! Para kang tanga! Promise! Hindi mo nga sinabing girlfriend mo sya, pero sinabi mo namang nasa date kayo.”, si Jeth.
”Umayos ka ha! At ano yan?! Gagamitin mo sya? Nandamay ka pa sa kalokohan mo! Paglalaruan mo yung babae?”, yung mga ganyang sermon ni Gyen, alam kong totoo. Sya nga rin kasi ang pinakamatanda sa’min. At, beterano na yan sa mga ganyan!
“Maybe.”, di ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko.
”JUDE!”, sabay sabay naman nilang sigaw.
“Tumigil ka ha! Lahat na paglaruan mo, wag lang babae! Naranasan ko na yan! Alam mo yan!”, ayan! Badtrip na talaga si Gyen.
“Joke lang syempre. Pero, ano ngang gagawin ko? Hindi ko alam kung paano ko malilinis yung pangalan nya.”, sabi ko.
”Panindigan mo na lang yung ginawa mo! Baliw ka kasi ehh.”, si Ash.
”Nakabuntis ako? Pero, ayaw nga nya sa’kin. Galit sya sa’kin. “, sabi ko naman.
“Tweet mo na hindi kayo. Status mo din. Mga ganun.”, si Sien.
”Good idea!”, sabay bato sa’kin ni Jeth ng phone ko. Ganun nga ang ginawa ko.
”Guys, tulong!”, sigaw naman ni Josh.
“Puntahan nyo nga dun si Josh! Nalulunod ata ang dakilang swimmer ehh.”, tawa naman kaming lahat kay Gyen. Tumayo na kami at kanya kanyang kuha ng pagkain. ”Asan na yung akin?”
”Languyin mo dun!”, sabi ko. Diba? Ang saya! Trashtalk kami lahat. Tumayo naman na sya at kinuha na yung pagkain dun.
Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko, may naglike lang pala ng status ko at ginawang favorite yung tweet ko. Walang iba kundi sya. Si Kai.

BINABASA MO ANG
The more you hate, the more you love
RomanceA story about a girl, who's been, hurt for a long time. She managed to replace hatred in her heart instead of love. She keeps on telling herself that she doesn't love the boy anymore, though she still does. She keeps on shouting to the world that sh...