抖阴社区

Chapter 82

460 5 1
                                        

|Kai’s POV|

1st day…

Wahh! Ambilis ng araw! :D eto na ang event na pinaka-aabangan ng buong Chomas! Foundation Week! Whoo! Magbunyi! :D October 24 hanggang 30! Simula Monday hanggang Saturday! Hahaha. Wala na namang klase! Whoo! Tayo’y magpuri! Mga estudyante tayo’y matuwa! Haha. Pasensya na, masaya lang! ^.^v

Kaming Amity, Radio Booth. At dahil ang lakas nila mang-trip, ako papakantahin nila. -____- pero okay na rin! Kasi wala kong gagawin kundi kumanta lang. Nakaupo lang ako buong linggo. :D tas si Ash yung pianist namin. Ako din pala yung guitarist in case hindi nya alam. -___- oo nga! Mahirap pala! Pero okay na din. :) kasi kapag wala namang nagre-request, yung recorded cd ang pinapatugtog namin ehh. Pero ang cool kaya ng Radio Booth. Unique.

Sila Nico at Ryle naman, Marriage Booth. Ewan ko dun sa Bravery ba’t ganun yung naisip. Pero ang astig nila! May altar talaga! Tas may carpet din. :D meron din silang wedding gown at tux lang sa lalaki. Tapos may plastic bouquet of white flowers. Tas may mga petals na hinahagis. :D nag-arkila din sila ng Grade School students para sa abay. Hahaha. Tas the rest, sila na yung gumaganap. Pera lang syempre dun sa bride at groom. Actually, ito ang gusto ng lahat ehh. Yung mga may crush, kino-corner yung crush nila tas magpapakasal na sila. :D meron din kasi silang parang agreement letter. :D tas kapag nag-I do na, asawa mo na sila. Kaso until the end of the week lang. :D

Yung Charity naman, walang kaeffort effort kasi daw si Jude nag-suggest. :D sinabi lang sa’kin nung classmate nya. Photo booth. I found it’s great! Syempre, para alam mo yun, memory nang Foundation week if ever man mawalan ka ng phone o kaya ng camera. :D hahaha. Ang dami ngang nagpapapicture kay Jude. >___< selos ako! :D

Ang hanep naman nung Dignity. Sabi nila, si Danica daw nag-isip. I don’t care anyway. Jail Booth. Dapat sya yung ikulong. Chos! Hahaha. Ang kulit lang ng mga pulis nila. Kunwari nag-declare yung pinaka-head nila, na huhulihin lahat ng nakalugay ang buhok na babae, lahat ng nakalugay, huhulihin talaga. :D katulad ako kanina, malay ko bang nag-declare na bawal ang maganda, hinuli ba naman ako. :D hahaha. Tas ayun! Buti dumaan si Nico, binigyan ako ng pang-pyansa. -____- sampung piso din yun. Hahaha. Maliit na Ice cream cup din yun! >:(

Kanina nga nakakatawa ehh. Pinagsabay-sabay ni Ches lahat ng booth. Nagpakasal sila ni Ryle habang kumakanta ako ng Forevermore tapos diretso silang Photo Booth. E biglang nag-declare yung Dignity na huhulihin ang bagong kasal, ayun! Reception nila sa Jail booth. Honeymoon na rin daw, doon na. Hahaha.

2nd day…

Ngayong araw, grabe! Parang boom! Sumabog yung Bigbang theory, tas nagkalat lahat ng tao dun sa booth nila Jude. :D pa’no ba naman, kahit nasa loob ako ng parang tent namin, rinig na rinig ko yung mga sigawan ng tao. Tas nung sinilip namin, ayun, sardinas na si Jude. :D pulang pula na nga sya kasi dinadagsa sya ng ga, GIRLS. >_____<

‘Aray kasi! Jude oh!’

‘Padaan!’

‘Ako nauna kay Jude!’

‘Magpapapicture nga ko kay Jude! Hindi naman magagalit si Kai!’

‘Huwag kasi kayong manulak!’

 ‘Wala namang pila ehh!’

The more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon