抖阴社区

Chapter 63

457 10 0
                                        

WAHHHH! Eto na! End of the world na! T.T

Tinakpan ko agad yung mukha ko tapos pumikit. Ang sakit na ng ulo ko! -.- Ayoko na! >__<

“Hoy Kai! Ayos ka lang?”, tanong ni Ate Angel. Umiling lang ako. “Namumutla ka ha!”, sabi nya.

“Nahihilo lang po ako! Ayoko kasi lahat yung pag-landing ng eroplano ehh. T.T ang sakit sa ulo.”, tinawanan nya lang ako. “Feeling ko nasa Space Shuttle ako!”

Pagbaba ko namin, sukang suka talaga ko. -.- Well, naging maayos rin naman. Kaso lang, I was shocked when we reached at the Arrival Area. Nevermind.

After siguro an hour, naka-recover na rin ako. Nandito na kami ngayon sa Van. Papuntang Chomas. Sabi, ginawa daw 6pm yung Centennial. Good to know that. At least di naman kami masyadong rush. At syempre, hello? Maga pa mata ko! T.T

“Kai, okay ka lang ba?”, tanong ni Jude na nasa likuran ko lang. Di ko nga pinansin. XD galit ka Kai! Galit ka! “Sabi ko sa’yo ‘wag mo ng pansinin.”, sabi nya.

Totoo. Pagkababang pagkababa ko. Hay! Ayoko ng alalahanin, pero, kasi, sige na nga!

--Flashback--

Pagdating namin sa Arrival Area, gusto ko ng tumakbo pauwi. Kaso naalala ko nga pala, sabi ko kay Jude, ako na gagawa ng paraan para malinis yung pangalan ko.

 

Kahit ang sakit talaga ng ulo ko at wala sa ayos ang pakiramdam ko, pinakita ko pa ring okay lang ako.

 

Pumunta sa harapan ko yung mga reporters. Huwag kang iiyak Kai, mamamatay ka!

 

‘Bakit nilihim nyo pa ni Jude ang relasyon nyo?’

‘Ano namang masasabi mo sa mga nagsasabing malandi ka?’

‘Ano ba talaga ang ginawa nyo sa Bicol?’

‘Kailan pa naging kayo ni Jude?’

‘Bakit inagaw mo si Jude kay Danica?’

‘Ikaw ba talaga yung babae sa field?’

 

Watda?! Anong mga tanong yan! At, bakit ba laging kasali ang field thingy?!

 

“Stay away from her, again!”, sigaw ni Jude. Epal talaga yun kahit kailan?!

 

“Jude, it’s about time para sabihin yung totoo.”, para naman syang na-shock na parang  nagtatanong kung anong gagawin ko. Nginitian ko lang sya tapos inagaw yung isang mic dun. Rude right?

 

“KAI!”, I didn’t care what he’s going to do. Basta ako, aamin na ko.

 

“First of all, hindi ko inagaw si Jude kay Danica at hindi rin namin tinago ang relasyon namin, dahil hindi naman kami talaga.”, everybody’s watching me then they were dumbfounded as I can see. “Kaya ko lang yun sinabi, for just simple reason. Madadaganan kasi yung tickets ko. Funny right? But that’s the truth. Go, ask him!”, liar Kai! Nagseselos ka, sabihin mo! “Isa pa, sa mga nagsasabing malandi ako? Thanks guys! Because that makes me stronger than you can ever imagine. At anong ginawa namin sa Bicol? Pumunta kami sa orphanage, nagsearch sa Mt. Mayon at yeah, naglibot with our FREE TIME.”, ngumiti ako pero naiiyak na ko. Kasi yung next question yung pinakanakakainis sagutin. “And, again, no I’m not! Hindi ako yung babae sa field.”, shocks! Naiiyak ako. “I am not and I never will. At isa pa, where your guts coming form to ask that question to me? Too personal and private to care. Hindi ako yun.”, pagkasabi ko nun, boom! Tumulo ang rainfalls. Binalik ko na yung mic tapos yumuko.

 

Kinuha ko na yung baggage ko, tapos tumakbo. Nakakatawa pero totoo! Dala dala ko yung gamit ko habang tumatakbo.

 

I go the CR and cry. Nakakainis! >__< bakit ba kasi masakit?! Hindi ko na nga inaming ako yun, masakit na, pa’no pakapag nalaman nya. Aba! Mamamatay naman ako sa sakit ‘no!

 

Pero, bakit nga ba ko umiiyak?! Arghhh! >_< Stupid eyes!

--End of Flashback--

Hay! Kai! Ngumiti ka nga. -______- sayang ganda mo!

Nagtakip ako ng jacket sa mukha, matutulog muna ko. T.T para naman maganda at maayos yung mukha ko mamaya ‘no! I’m sure marami na namang mangyayari. Dapat di ako affected. ^.^v

“Hoy Kai! Huwag mo na kasing intin–“,

“PWEDE BA JUDE?!?! Matutulog lang ako okay?”, sabi ko tapos nagtakip ulit ako ng jacket.

“Hey hey guys! Ngayon pa kayo mag-aaway, kung kailan pauwi na tayo?”, sita ni Sr. Dan.

“Jude, hayaan mo na muna si Kai.”, narinig kong sabi ni Ms. Meanne.

Hay! Ano ba yan! Pakara kasi?! Bakit sinali-sali pa ko ng author sa kwento na ‘to ehh?! Dati, ang ganda ganda ng buhay ko ehh! >__< bakit kailangan sa takbo ng story, makilala ko pa si Jude? I mean, well, kuntento na ko! Kuntento na ko sa buhay ko ehh. Kahit hanggang tingin na lang sa kanya.

Simula ba naman kasi napalapit ako kay Jude, lagi na lang akong umiiyak, malungkot. Ang sakit kaya nun sa dibdib! -.- Buti sana kung yung author yung andito sa posisyon ko ehh. Ni hindi ko na nga napapakita yung ako ehh. I mean, hindi na ko makulit, masayahin, palabiro di tulad noon.

Ang dami ng nagbago. At gaya ni Ate Angel, introduction pa lang ‘to. Pwedeng para sa ibang tao, Climax na kasi naghihirap na ang bidang maganda which is ako, pero, well, honestly, I can feel it. Hay! Marami pang mangyayari na mas higit pa dito. Hay! Sige! Maganda yan Kaienne! Wala kang gagawin kundi ang bumuntong hininga. Hay!

Ayaw ko na! T.T gusto ko ng kalimutan lahat! Parang gusto kong matulog, tas mare-realize ko panaginip lang lahat. Pwede ba yun? O kaya naman, time machine! May kabarkada akong scientist, magpapagawa nga ko dun. Hay naku Kai! Nababaliw ka na! Kaya kayo ha? Huwag kayong mai-inlove! Kasi hindi lang lovelife ang damay kundi buong pagkatao at pamumuhay mo. T.T

Ayoko ng may maramdaman pa! Sawang sawa na kasi ako sa paulit-ulit na routine ng mundo ko. Iiyak ako tas mamaya papakiligin tas iiyak ulit tas mamaya papakiligin ulit. Hindi naman ako laruan diba? Porket ba maganda ako Barbie na ko? Hindi ‘no! Grabe. Basta, ayoko na kasi ehh! Pero naman, pa’no ko aayaw kung sya mismo nagbibigay ng motibo para huwag gawin yun? Natatakot kasi ako na baka kapag umayaw ako, gusto nya na pala. Pero natatakot rin ako na baka masaktan ako lalo kapag hindi ko ‘to tinigil! EWAN! >___< bahala na si Batman, Superman, Spiderman at yung manok ng kapitbahay namin! T.T

The more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon