抖阴社区

Kabanata 9

102 8 0
                                    

Kabanata 9: Evelyn Smith

Evelyn's P.O.V.
Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng araw na dumating ang binatang iyon. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay maraming nangyayari at hindi ko malaman kung ano nga ba ang talagang nais niyang mangyari.

Alam kong tama na bigyan ng pantay pantay na karapatan ang bawat isa ngunit hindi iyon ang tamang oras para sa bagay na iyon. Malaki ang kinahaharap ng bansa at mas kailangan namin ngayon isipin ay kung paano makkatulong sa problema ng bansa.

Ang Sanctum Sphere ay alam ko ang tungkol sa bagay na iyon. Ang hindi ko alang akalain ay ang aabot sa puntong gagamitin namin ito para lamang sa isang bagay, at hanggang ngayon hindi pa namin malaman kung sino sa resident ng bansa ang nakatanggap ng succession.

"Bitawan mo ako." Napahinto ako sa aking paglalakad ng makita ko ang isang babae. Kung aking titinganan ay mukhang na sa parehas lamang kame ng edad ngunit napansin ko din ang ilang grupo ng mga kalalakihan na mula sa Crimson Blade Guild. Napapansin ko din na ang laki ng pagbabago sa guild na ito at naging marahas na ang mga myembro ng guild na ito na hindi naman nangyayari noon.

Kita ko ang basag na salamin ng dalaga at ang librong hawak nito na may kalumaan na. "Sumama ka na lang sa amin. Matutuwa ka din naman sagagawin natin ei." Di ko maiwasang makapakuyom ang kamay dahil sa aking naririnig. Oo maganda ang dalaga ngunit ang suot nito ay hindi naman nakakabastos sa paningin ng iba ngunit mukhang dahil sa kulay at kinis niya ay napagdiskitahan siya ng mga ito.

Meroon akong kayang gawin ngunit napansin ko ang pag-iling sa akin ng babae na para bang may inaantay itong dumating o ano man. Sandali ako napaisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin dahil una, kaya kong malaman ang mga kahinaan nito, ikalawa isa akong D-rank hunter at level 45.

Lima ang mga ito at mukhang mga bagong recruit. Dahil nga sa nangyayari ay lahat ng mga awaoened ay kailangan na magsilbi sa gobyerno upang tumulong sa kinahaharap ng bansa ngayon.

Alam kong masyadong unfair ito sa iba dahil ang mga nakaupo ngayon ay hindi lumalabas sa kanilang mga lungga upang magpakita at magbigay tulong man lang sa mamamayan. "Paggamit ng dahas at pananakit sa isang babae na walang laban ay hindi makatarungan." Hindi ko makilala kung sino ito dahil sa suot nitong maskara. Ramdam ko ang malakas na enerhiya nito, siya ba?.

"Sino ka naman? Hindi mo ba kilala kung sino ang kinakalaban mo? Mula kame sa Crimson Blade Guild." Ngunit imbes na matakot ito ay tumawa lamang ito ng malakas dahilan upang makita ko kung paano nagbago ang mga ito. Kita ang inis at galit at pagkunot ng noo ng mga ito habang nakatingin sa binata. "Mukhang ayaw mo ng mabuhay bata." Isa muling tawa ang binigay nito.

"Immutable Chains." Napakunot ang aking noo sa skills na sinabi nito. Hindi pamilyar sa akin ang skills na ito, kita ko kung paano may naglabasang mga kadenang naglalabas ng malakas na enerhiya mula sa dalawa niyang palad. "Biniyayaan kayo ng kakayahan upang hindi gamitin sa kasamaan. Kapwa tao ninyo ay hindi niyo pinalampas, imbes na tumulong sa pagtapos ng mga dungeons ay inuna niyo pa ang mga tawag ng katawan ninyo." Kita ko ang pamumutla ng mga ito habang pilit na kumakawala sa kadenang nakapulupot sa kanila.

"Anong ginawa mo sa amin? Bakit pakiramdam ko ay nauubos ang enerhiya ko?." Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa narinig na sinabi nito. Doon niya pinagmasdan ng mabuti ang bawat kadena at kitang kita niya kung paano hinihigop ng mga ito ang enerhiya ng bawat isa.

"Huwag kang mag-alala hindi pa naman tapos." Isang ngiti ang ipinakita nito bago ito lumapit sa babae at hinawakan ang kamay nito at agad natumingin sa akin.

Dahil sa kaba ay mabilis akong umiwas at maglakad na para bang wala akong alam sa nangyayari, ngunit huli dahil naramdaman ko ang paghawak nito sa aking batok at ang huli kong nakita ay ang paglutang ko sa himpapawid bago ako nawaoan ng malay.

Nagising ako dahil sa ingay. Dahan dahan akong bumango at tumayo at sinundan ang ingay na aking naririnig at doon ko nga naabutan ang dalawang kabataan na nakaupo habang kumakain ng tinapay. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang lalakd ngunit ang babae ay naalala ko kungsino ito.

Hindi kaya?...

"Kung ikaw ay gising na sumabay ka na sa aming kumain. Hindi ito ang oras para tumunganga, at isa pa hindi ka ba kumakain at ang gaan gaan mo?." Isang masamang tingin ang ipinukol ko rito dahil sa sinabi nitong huli. Pero tama siya hindi ako nakakain na ng maayos dahil wala naman akong gaanoong kalaking halaga. Simula ng hindi magparamdam at magpakita ang mga guilds masters ay malaki na nag pinagbago ng bansa na kung hindi aagapan ay siguradong pagbumalik ang mga ito ay malaking kaguluhan na ang nangyayari.

"Anong kakayahan ang meroon ka?." Di ko maiwasang hindi seryosong mapatingin sa kaniya. Di ko alam kung bakit kailangan niyang malaman kung ano ang kakayahan na meroon ako. Hindi niya ba muna balak na tanungin kung sino ako?. 

"Evelyn Smith, ang iyong kakayahan ay talaga nga namang nakakagulat. Ngayon lamang ako nakakita ng gaya mong may kakayahan ng library." Napatayo ako at agad na alertodahil sa sinabi ng babaeng katabi ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman iyon na ang iba ay hindi ito alam wala kong pinagsabihan tungkol sa kakayahan ko.
"Huwag ka ng magulat, ang kakayahan ko ay makita ang bawat bagay kahit na gaano ka pa kagaling magtago nito. Walang nakakatakas sa aking paningin. Gaya ng kay Judy na may kakayahan ng Judiscial Authority na matagal ng nalimutan." Hindi lang ako ang alerto matapos sabihin ito dahil napansin ko din ang pagiging alerto ni judy habang nakaupo at seryosong nakatingin sa babaeng aming kasama ngayon. 

"Huwag kayong mag-alala wala akong balak na gawin sa inyo. Isa lang iyon sa mga skills na meroon ako." Napa-isip ako bigla kung anong kakayahan ang meroon siya, hindi ito basta basta dahil kaya niya makita ang kakayahan ng isang tao sa isang tingin niya lamang ngunit mayroon pa kayang ilalakas ang kapangyarihan niya na umabot sa punto na wala na talagang maitatago sa kaniya?.

Hindi pa ako gaanong kalakasan tatlo pa lamang ang skills na meroon ako at isa doon ay hindi ko pa alam kung paano gamitin dahil bago ko pa lamang iyon nakuha. "Kung ganoon gusto mo ba sumali sa guild na nais kung buuhin?." Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Bawal na ang magdadag ng sect gaya ng napagusapan at labag sa batas iyon kung ito ay hidni susundin at rerespetuhin.

"Hindi na maaaring gumawa pa ng guild at alam iyon ng lahat." Seryosong tingin lamang ang ibinigay niya sa akin na dahilan upang hindi ko mapigilan na makaramdam ng pressure mula dito. Pilit kong nilalabanan ito kahit na hindi ko alam kung kakayanin ko.

"Sasali ako." Kahit nahihirapan akong gumalaw ay pilit ko pa ring tiningnan ito at binigyan ng nagtatakang tingin. "Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit bawal ang bumuo muli ng guild, ngunit sa lagay ngayon ng bansa sa tingin ko kailangan ng guild na magaayos ng lahat sa dilim." Isang ngiti ang lumabas sa labi nito habang ako naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Napaupo na lamang ako ng maramdaman kong nawala na ang pressure na iyon.

"Isa pa hindi mo ba alam kung asaan tayo ngayon?." Isang nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanilang dalawa na para bang nagtatanong. "Elysium Peak." Gulat at hindi ako makapaniwala sa aking narinig napalingon ako sa binata at pinagmasdan ko itong mabuti at doon ko nakita ang korona na magpapatunay na siyanga ang bagong protector ng elysium peak at siya din ang dahilan kung bakit ginamit ang sanctum peak.

The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)Where stories live. Discover now