抖阴社区

Kabanata 17

70 6 2
                                    

Kabanata 17: Divine Mender, Guardian of Elysium Peak

Ilang buwan muli ang lumipas at marami na ang nagbago unti unti ng lumalakas ang tatlong sect na binuo ng pilipinas at namamayagpag na din ang hunter's association at maging ang mga researchers dahil sa malaking bagay na iniambag ng mga ito sa bansa ngunit ang mga nilalang na nasa Elysium Peak ay walang alam sa mga bagay na ito.

Isang kaguluhan ang bigla na lamang gumulantang sa lahat, isang Crack ang bigla na lamang sumlpot sa isang kalsada ng probinsya ang nagbabadyang mamuo dahilan upang mag-alerto ang mga mamamyan. Mabilis naman itong agad na pinuntahan ng mga tauhan ng Hunter's Association ang nasabing lugar.

Sa nakalipas na ilang buwan ay mas lumawak ang Hunters Association at dahilan ito uoang mas mabilis na masolutionan ang mga ganitong pangyayari.

Crack ito lang naman ang isa sa mga na discover ng mga researcher simula ng magumpisa sila sa pagsisiyasat at ang crack ay isa itong namumuo na dungeon na maaaring maging isang mapanganib dahil maaaring magkaroon ng dungeon outbreak kung hindi ito maagapan.

Meron din silang nabuong portal rank detector na higit pa sa nauna kaya nitong malaman kung anong rank ng portal at dungeon kahit higit pa ito sa S-rank. Ito ang isa sa ipinagmamalaki ng bansa ngunit sa nakalipas na mga buwan ay napapansin din nila ang pagdami mg mga lumilitaw na Crack sa bansa at hindi lamang sa bamsa dahil maging sa ibang bansa ay ganoon din ang nangyayari.

Ilang bansa na din ang nawala sa mapa dahil sa mga dunegon outbreak at hindi na nakayanan pang iligtas isa na sa mga ito ang Laos at Myanmar. "Anong balita mula sa mga Researchers?." Hindi na mapakali si Seraphina habang nakaharap sa mga projection na nasa kanilang harapan, puro lugar ito ng mga bagong Crack na humigit kumulang labin-lima sa loob lamang ng isang buwan.

"Ayon sa researcher ay hindi pa daw nila matukoy ang dahilan ngunit may isa silang bagay na sinabi sa akin na tapagang ikakatuwa mo." Lahat ay napalinhon kay Gaia ng seryoso habang naghihintay sa susunod nitong sabihin. "Alam na nila kung paano aalisin ang restriction ng bansa upang tuluyan ng lumakas ang enerhiyang papasok sa ating bansa." Sa nakalipas ding mga buwan isang grupo ang gumawa ng research tungkol sa nakitang restriction sa bansa.

Lahat ay hidni maiwasang mapasigaw dahil sa sinabing ito ni Gaia hindi nila akalain sa nakalipas na anim na buwan ay magtatagumpay ang mga ito sa kanilang research marmai ding resources ang naibigay nila dito at hindi nila iyon pinagsisihan dahil malaking tuling ang ibinibigay ng mga ito.  "Sumunod kayo sa kain at tutungo tayo sa kanila ngayon. Ngayon nais gawin ni Pia na tanggalin ang restriction ng bansa." Hindi na sila sumagot pa dahil mabilis silang sumunod kay gaia na lumabas ng kwarto at nagmamadaking naglakad.

Makalipas lamang ang ilang sandali dumating sila sa Luminous Field at doon nila nakita ang busy na mga researchers at tauhan ng Hunters Association maraming mga wire ang nakakalat sa paligid. Mabilis silang napansin mg mga ito at nagbigay galang at ,uling tumuloy sa kanilang ginagawa. "Magsisimula na tayo, dahil dito ang pinaka mahina na part ng restriction ito ang isisrain natin upang tuluyan ng makapasok ang enerhiya sa bansa na matagal ng naghihintay."

Napalingon ang mga ito kay Pia na ngayon ay seryosong nakatingin sa isang formation at may malaking crystal sa gitna na. Kakaiba ang itsura ng crystal na ito, tinatawag itong Liberation Quartz isa ito sa mga nakuha sa isang S-rank Dungeon ng isang sect na ibinigay sa researchers para sa bagay na ito. "Kia, mag-handa ka na." May isang babae muling lumapit kay Pia at seryosong tumango at pumunta sa gitna at hinawakan ang Liberation Quartz.

"Leader, maaari na tayong mag-umpisa." Dahil sa hudyat na iyon ay agad na tumango si Pia kay Kia na agad naman nitong naintindihan at mabilis na pinadaanan ng enerhiya ang crystal at ilang sandali lamang ay isang napakalaking liwanag ang namuo at tuloy tuloy na dumidiretso sa kalangitan at isang tunog na nagpapatunay na may harang nga ang bansa ang kanilang narinig.

"Leader, hindi ko na kaya." Kita ng dalawang mata nila ang pamumutla ni Kia dagil sa tuloy tuloy na hinihigop ng Liberation Quartz ang enerhiya niya. Pansin nila na anumang oras ay maaaring mawalan na ito ng malay at kapag nangyari iyon ay maaaring masayang ang lahat ng pinaghirapan nila.

Isang beses lang maaaring magamit ang Liberation Quartz stone at kung hindi matufuloy ito ay mababasag ito at hindi na mapapakinabangan pa uoang sumirang isang restriction. "Healer gamutin ninyo si Kia. Hindi siya maaaring mawakan ng malay sa kala gitnaan." Mabilis na pumabilog ang lahat ng mga healr na naka antabay kanina at mabilis na nagcast ng healing spell dito, ngunit kahit anong healing spell ang gawin nila ay hinihigop din nito ang kanilang enerhiya ng tuloy tuloy.

Lahat ay nababahala dahil sa nangyayari. Maging ang mga healers ay nakikitaan na ding ano mang oras ay maaari ng mawalan ng malay ang mga ito. Mabilis na lumaoit ang presidente kay Pia na ngayon ay hidni maiwasang kagating ang kuko sa daliri dahil sa nerbyos. "Wala na bang ibang paraan?." Napalingon sa kanila si Pia na umiiling sa kanila.

"Meroon ngunut imposibleng meroon ang bansa natin ng isang Divine Mender." Dahil sa binitawan nitong salita ay unti unti na ng nawaoan ng pag-asa ang lahat. "Wala tayong divine mender sa bansa, magiging isang ganap na divine mender ang healer kung ang level ng mga ito ay umabit sa 70 ngunit ni isa sa mga healer sa bansa ay na sa 50 pa lang ang kanilang mga level." Dahil sa paliwanag ni Pia ay tuluyan ng sumuko ang lahat sa pag-asang magagawa nilang masira ang restriction ng bansa.

Napalingon sila sa mga healr na unti unti ng bumabagsak sa sahig dahil sa napajaraming enrrhiyang nagamit, hindi rin magtatagal ay babagsak na dun si Kia na isang formation master dahik sa dami ng enerhiyang nawawala sa kaniya.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng unti unting pumipikit ang mga mata ni Kia ngunit ang ikinabigla nilang lahat ay ang pagsulpot ng isang babaeng nakamaskara ngunit mapapansin mo ang napakakinis nitong katawan dahil sa suot nitong kulay puting dress. "Healing Touch." Isang bola ng enerhiya ang bigla na lamang lumutang sa palad nito at mabilis na inilipat ito sa katawan ni Kia.

"Isang divine mender." Lahat ay nagulat dahil sa isinigaw ng mga S-class hunters ngayon lamang ito nakita ng iba kaya hindi nila akalain na isa itong divine mender ang nasa harapan nila. Muli silang napatingin kay Kia na ngayon ay unti unti ng nanunumbalik ang kulay sa mukha dagil sa tuloy tuloy na pagpasa sa kaniya ng isang mysteryosong babae ng kaniyang enerhiya.

Isang tunog mula sa nabasag na salamin ang nagpasigaw sa kanilang lahat ngunit tuloy tuloy pa din ang marahas na enerhiya sa pagbasag duto at makalipas lamang ang ilang sandali isang malakas muling tunog mula sa nabasag na salamin ang kanilang narinig at doon na huminto ang enerhiya at nawalan ng malay si Kia na ngayon ay buhat ng babaeng hindi pa nila kilala.

"Mag-inagat kayo dahil nagbabagsakan ang mga nabasag na salamin." Nakatingin  sila sa mga salamin na nagbabagsakan sa ibat ibang parte ng bansa at hindi na maagapan ito at ipina sa diyos na lamang na sana walang masktan sa bagay na ito.

"Sino ka?." Hindi pa man nakakaoagtanong ang presidente ng unahan na siya ni pia. Isang ngiti ang ibinigay niya sa lahat bago inabot ang walang malay na si Kia.

"Divine Mender, Guardian of Elysium Peak." Dahil sa sinabi nito ay hindi maiwasang manlaki ng mga mata ng lahat dahil muli isang guardian ang nagpakita sa kanila. May inilabas itong sobre at inabot sa presidente na nagtataka sa bagay na inabot niya. "Pinaabot iyan ni Judge basahin niyo daw iyan at hihintayin niya daw ang sagot niyo sa kaniya." Hindi pa sila nakakasagot ay lumipad na ito palayo sa kanila at malaya nilang pinanood itong lumipad at doon lang nila naoansin ang isang korang suot nitong kulay outi na may bulklak sa gilid.

The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)Where stories live. Discover now