Kabanata 21: Undying Giant Crystal Kraken
Caleb P.O.V.
Pansin ko pa din ang muling pag-tubo ng mga naputol na galamay nito at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis dahil hindi ko magawang makatulong sa kanila. May ilan pa akong skills ngunit hindi ko pa maaring magamit iyon hanggat hindi pa ako sigurado na wlaa ng panganib."Foresight Embrace." Agad akong napalingon sa kinaroroonan ni Evelyn ng marinig ko ang boses nito. Kita ko ang oagilaw ng mga mata nito habang seryosong nakatingin sa Giant Crystal Kraken. "Nadia, gamitin mo ang kakayahan mo." Hindi ko alam kung amo ang tinutukoy ni Evelyn ngunit nagulat ako npng marinig ko ang atakeng ginamit ni Nadia.
"Shadowmeld." Bigla kaong kinabahan ng makita kong tatama na ang isang matalim na galamay nito sa kinaroroonan niya ngunit mas lalo akong nagulat na tumagos lamang si Nadia rito at biglang nawala. Ilang beses ko pang inilibot ang aking tingin ngunit hindi ko alam kung anong nangyari at bigla itong nawala sa maing paningin.
"Caleb, kaya mo pa bang gumawa ng shield para sa ating lahat?." Agad akong tumango at tumayo lumapit din si Aria kay Judy at itinabi ito sa amin.
"Shield of Redemption." Muling namuo ang isang harang na gawa sa kaing enefhiya ngunit hindi na ito kasing tibay pa ng una dahil mas mahina na ito dahil sa kulanh na ako sa enerhiya. Masyado ng marami ang enrhiyang aking ginamit. Ioang sandali lamang ay bigla na lamang lumabas ang ulo ng Giant Crystal Kraken at may lumabas na kulay berdeng liquid sa bibig nito na agad na kumalat sa buong lugar. Kita ko din ang unti unting pagkamatay ng ibang mga beast na nagbabalak pang umatake.
Unti unti ng nababasag ang harang na gawa ko kaya naman napayingin ang mga ito sa akin hindi ko naman maiwasang mapaiwas ng tingin sa mga ito.
"Justicar's Shield." Napalingon ako kay Judy na ngayon ay medyo okay okay na. Kita ko ang isang haran na mas matibay pa sa gawa ko kaya itinigil ko na ang paggawa ng harang at umayos ng upo. "Hindi ko akalain na hindi pa tayo nakakapasok sa pinakaloob ng dungeon ngunit isang SSS-Rank gate Gaurdian na ang ating nakalaban." Sinabayan niya pa ito ng tawa kaya sinamaan ito ng tingin ng dalawang babae agad akong napahinto ng bigla kong naaala si Nadia.
Nawala ang sakit sa katawan ko at mabilis na tumayo at na agsd napansin ng mga ito at kunot noo na tumingin sa akin. "Si Nadia naiwan sa labas." Dahil sa aking sinabi ay nakita ko kung paano nagbago ang mga tingin ng mga ito sa kain at kita ko kung paano din sila napatingin sa labas na ngayon ay nabablot ng julay berdeng lason.
"Lalabas ako." Di pa man ako nakakalabas ay hinawakan na agad ni Evelyn ang aking kamay kaya napatingin ako rito.
"Bumalik kayong dalawa ng ligtas, hindi namin kayang lumabas dahil ikaw lang ang may kayang lumabas." Isang tango ang aking ibinigay bago muling binalot ng enerhiya ko ang aking katawan.
Sa totoo lang hindi ko sigurado kung buhay kameng makakabalik na dalawa ngunit sisiguraduhin kong may matitira sa amin. Kitang kita ko ng malinaw ang daan dahil na rin sa mas lumakaas ang senses ko pag gamit ko ang skills na ito.
Nakakaramdam na ako ng hina dahil sa sobrang paggamit nb enerhiya at ramdam ko din na para bang may kung anong pwersa ang oumipigil sa akin na umabante ngunit pilit pa din akong naglalakad kahit hirap nahirap.
Ilang sandali lamang ay doon ko na nakita si Nadia na nakikipaglaban at kita ko na ang lason sa buong katawam nito ngunit lumalaban pa din, kumaoit agad ako sa kaniya at agad naman nilang parehong naramdaman ang aking presensya.
"Shield of Redemption." Isamg malakas na tunog ang aking narinig ng tumama ang galamay nito sa akin ngunit imbes na masktan ay hindi ko iyon naramdaman dahil ibinigay ko lahat ang enerhiya ko sa pwestong tatamaan nito ngunit malaking enerhiya muli ang na consume ko at ano mang oras kung hidni pa kame aalis ay siguradong parehas kame mamatay.
Agad kong hinawakan si Nadia na ngayon ay nanghihina agad ko itong isinama sa protection ko at agad na umalis ngunit hindi iyon naging madali dahil humahaba ang galamay ng halimaw na ito hindi ko malaman kung ano ang kahinaan nito. Sunod sunod na tunog ang aking naririnig mula sa harang nagawa ko na ngayon ay pansin ko ng unti utning nababasag at ano mang oras ay hindi na kame aabot ng buhay sa mga iyon.
Malapit na konting tiis pa, ilang sandali pa ay napangiti ako ng masilayan ko nag mga ito na seryosong naghihintay sa aming pagbabalik. Nang makalapit kame ay tuluyan ng nabasag ang harang na gawa ko kaya mabilis kong hinagis si Nadia sa mga ito at ilang saglit lamang naramdaman ko na lang kung paano tumagos sa aking tiyan, dibdib at braso ang mga galamay nito nais kong lumaban mgunit hindi ko na magawa pa dahil hinang hina na ako at unti unti na ding naninilim ang akin paningin.
Kita ko ang pag-iyak ng mga ito habang nakatingin sa akin kahit na hirap ay pinilit ko pang mag-salita. "Run...run." kita ko ang pagiling ng mga ito habang tumutulo ang luha napansin ko din ang pagbuklat ng mga libro ni aria at evelyn at ang pag-ilaw ng mga ito.
Isang sigaw ang aking pinakawalan ng isa muling galamay ang tumusok sa aking tuhod na ngayon ay mas lalaong nagpahina sa akin. Ilang sandali lamang ay hinatak ako nito ayaw ko mana wala na akong magagawa pa at agad akong dinala nito sa pwesto niya.
Kahit na hirap na hirap ay pinilit ko pa ding makita ang totong itsura nito, at hindi naman ako nagkamali at doon ko nga makita ng malapitan at mas lalo ako nakaramdam ng takot ng makita ko ang isang galamay nito na nakaturo sa aking noo.
Hindi ko na mapigilan na hindi mapaiyak dahil sa takot na baka ito na ang aking katapusan. Mga ilang sandali pa ay muling isang galamay muli ang tumama sa aking tagiliran at sunod sunod na hindi ko na mabilang kung ilan ang galamay na bumaon sa aking katawan.
Paramg tuwang tuwa ito habang tinutusok ang akin katawan na para bang isa lamang akong walang kwenta sa kaniya. Ano mang oras ay pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng buhay kahit nah irap na hirap ay pinag-aralan kong mabuti ang buong katawan nito at doon ko nakita ang isang crystal sa noo nito at sinubukan ko panh maghanap sa ibang parte ng katawan niya na meroon nito ay wala akong nakita.
Gamit ang akingdugo ay sumulat ako sa sahig ng crsyal at head bago muli ako napahiyaw dahil muling may bumaon na dalawang galamay sa aking likod hindi ko na talaga kayang labanan ang sakit pagod na pagod na akong lumaban.
Ito na ba talaga ang katapusan ko? Hindi ko na ba talaga matutupad ang mga nais naming mangyari? Maninigyan ko pa ba ng magandang buhay ang pamilya ko? Ako ba hidni na ba talaga ako makakagawa ng sarili kong pamilya?.
Marami akong katanungan ngunit wala naman akong ni isang masasagot dahil hindi ko alam kung ito na ba talzga ang katapusan ko o isa lamang itong pagsubok na dapat kong kaharapin.
Isa..dalawa..tatlo hindi ko na muling nabilang kung ilang buta na ang meroon sa aking katawan at bago ko pa maipikit ang aking mga mata ay nasilayan ko pa ang mukha ng mga bago kong kaibigan.
Napangiti na lamang ako dahil atleast naranasan kong magkaroon ng kaibigan ngunit mukhang matatapos din agad.

YOU ARE READING
The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)
FantasyIn the gripping tale of "The Judge," we follow the journey of a young man who has known nothing but struggle and hardship in his life. Born into a poor family, he witnesses his parents, both hunters, toil day and night to make ends meet. However, th...