Kabanata 38: Destruction
Third Person P.O.V.
Isang napalakas na hiyaw ang gumimbal sa buong mundo at hindi matukoy ng lahat kung saan ito nagmumula, patuloy lamang ito na karamihan sa mga normal na tao ay nawalan na ng malay dahil sa sobrang sakit nito sa tenga kung ito ay pakikinggan.May dulot din ito ng malakas na pagyanig at ramdam din ng lahat ang pabago bago ng klima ng panahon na hindi matukoy kung ano ba talaga ang nangyayari.
Makalipas lamang ang ilang sandali ay nawala nag ingay nito ngunit ang akala nilang tapos na ay iyon pa lamang pala ang umpisa, sunod sunod na ibat ibang malalaks na tinig muli ang kanilang nadirinig ngunit hindi na ito mula sa unang boses nag mumula kung hidni mula na ito sa ibat ibang uri ng beast at sunod sunod din nagsulputan ang mga mga cracks at sunod sunod din ang dungeon break at doon nakita ng karamihan ang napaka lakas na mga beast na lumalabas.
Higit na mas malakas ito kumpara sa una nilang mga nakalaban na beast. "President, ano ang balak nating gawin unti unting nawawasak ang bansa kung ito ay magpapatuloy pa sigudado akong mamatay tayong lahat." Napasuntok na lamang sa lamesa ito dahil maging siya ay wala ng maisip na dapat gawin.
"Sa ngayon ang tanging magagawa na lamang muna natin ay ilikas muli ang lahat at tawagin ninyo ang mga disciples ninyo na kayang gumawa ng barrier para sa pansamantala nating base." Di na sumagot ang mga ito at lumabas na lamang at agad na bumalik sa kani kanilang mga dapat na gawin.
"Judy, buti gising ka na." Ayon agad ang sumalubong sa binata matapos bumalik ng kaluluwa nito. Hindi niya alam ngunit parz bang pagod na pagod siya kahit wala naman siyang masyadong ginagawa. "Magpahinga ka na muna." akmang lalabas ma ito mgunit agad siyang pinigilan ng binata.
"Nangyari na ba?." Sa tanong na iyon ng binata ay agad na tumanho siya rito dahil kahit itago man niya ito ay malalaman pa rin ito ng binata ng walang kahirap hirap. "Kung ganoon nag sisimula ng mag merge ang lahat ng bansa at ang isang mundo sa mundo natin. Ilang araw akong walang malay?." Pitong araw lang talaga dapat siya maaaring manatili sa past ngunit hindi alam ni aria kung paanong nagawa nitong tumagal ng mahigit isang taon.
"Isang taon." Nanlaki ang mga mata ng binata at agad na napatingin sa napakaraming aparatos na nakakabit sa kaniyang katawan. "Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon ngunit mukhang tagumpay ka sa ating plano." Isang ngiti ang isinagot ng binata sa kaniya.
"Tama ka. Tawagin mo lahat ang guardians dahil may dapat tayong pagusapang lahat." Tumango ito at agad na lumabas. "Ito na ang panahon upang malaman namin ang lahat ng totoong nangyari nuon at may ilan akong alam ngunit hindi iyon sapat sa putong taon kong nanatili sa nakaraan ay wala akong nakalap na matino at maayos na information ang tanging alam ko lang sa ngayon ay higit na mas gugulo ang mundo pag nagbalik na ang mga iyon sa mundo."
Ilang mga sandali pa ay naramdaman na niya ang mga enerhiya ng mga ito na patungo sa silid na kaniyang kinaroroonan, kita ang pagtataka sa mukha ng mga ito ng makitang gising na ako ngunit hindi ang mga ito nagbato ng kung ano anong tanong mula sa akin bagkus ay naupo lamang ang mga ito sa upuan na kanilang may ngalan. "Tanging si Caleb na lamang ang wala." Napakunot ang noo ng binata ng marinig ang sinabi ni Lucius.
"Anong ibig mong sabihin?." Binigyan siya ng tingin ng mga ito na para bang nagtatanong kung dapat ba nilang ipaalam sa binata ang kanilang nalalaman o ipagpaliban na lamang ito. "Hindi niyo kailangan na itago sa akin ang mga nalalaman niyo, bumalik na ba galing sa mission si Caleb?." Tumingin muna sa kaniya ang mga ito ng sandali bago nagpakawala ng bunting hininga na agad na nagbigay sa kaniya ng ideya sa nangyayari ngunit hindi siya nagsalita at hinintay na lamang ang ni isa sa mga ito na sumagot.
"Matapos mong ibigay sa kaniya ang mission na iyon ay hindi na namin siya muling nakita pa. Sa palagay namin ay hindi sinasadyang napasok niya ang mundong iyon at sa ngayon ay may isang grupo ng elite disciples kame na pinagbantay doon pansamantala dahil sa nakalipas na isang taon ay may mga iilan ng mga nilalang ang lumalabas dito upang gumawa ng gulo." Isang malakas na hampas sa lamesa ang gumulat sa kanilang lahat habang di makapaniwalang nakatingin kay Judy na ngayon ay bumabakat na nag mga ugat sa leeg nito.
"Mamaya na natin iyan pagusapan dahil may mas mahalaga tayong dapat na unahin sa ngayon." Agad na lumingon siya kay Eveoyn na agad na nakuha ang nais nitong iparating agad na lumabas nag libro at panulat sa harapan nito. "Sa pitong taon kong pananatili sa past ay marami akong bagay na nalaman ngunit ng dahil din sa mga iyon ay mas lalo akong naguluhan sa nangyayari." Nakaramdam naman ng excitment ang mga ito dahil sa narinig na sinabi ni Judy.
"Ano ang mga bagay na iyon Judy?." Isang tingin muna ang ibinigay niya sa mga ito bago muling nagsalita.
"Una, ang mga kilala nating unang hero ay isa lamang palabas." Napatayo ang lahat at seryosong binigyan siya ng tingin. "Isa ito sa aking nalaman na siyang aking ikinagulat at ang kauna-unahang hunter na nakakuha ng kakayahan ay walang iba kung hindi ang katawan na aking ginamit sa mga oras na iyon." Napatayo naman agad si Evelyn dahil sa narinig na sinabi nito at pansin ng lahat ang paglabas ng isang libro sa harapan nito at mabilis itong bumuklat at naglabas ng napakalakas na enehiya at bumungad sa kanila ang mga salitang hindi nila maintindihan at isa isa itong pumasok sa noo ni Evelyn na ngayon ay nakaupo habang inaabsorb ang mga letrang iyon na may malakas na enerhiya.
"Ikalawa, marami pang bagay ang ibinaon sa limot dahil sa wala png mahanap na sagot para rito. Isa na sa mga ito ay kung paano nahiwalay tayo sa totoong mundo." Namuntawi ang katahimikan dahil sa sinabi niya wala silang maisagot dito dahil hindi pa maproseso ng kanilang mga isipan ang mga nalaman nila ngayong araw. "May isang malakas na barrier ang naghihiwalay sa atin sa totoong mundo."
"Kung ganoon ang ibig mong sabihin ay walang nakakaalam ng tungkol sa bagay na ito?." Tango ang isinagot niya sa bagay na ito. "Pero bakit naman nila gagawin iyon? Ano bang nangyari noon at bakit nila ginawan ng harang ang bansa sa totoong mundo?." Di na mapigilan pang tanong ni aria na ngayon ay di rin maiwasang maguluhan.
"Dahil ang totoong mundo ay higit na mas magulo kumpara ngayon. Ito na ang safe zone ng mundo kung sisirain natin ang harang ng walang matibay na plano ay siguradong mapapahamak tayong lahat lalo na ang elysium peak na ating pinangangalagaan." Di pa rin nila makuha ang nais iparatimg nito at kung ano ba talaga ang meroon sa labas ng safe zone na tinutukoy nito.
"Ano ba talagang meroon sa labas ng safe zone na ito?." Maginh si Lucius ay di na maiwasang hindi magtanong dahil mahing siya ay naguguluhan na rin. "Kung gaya nga ng sabi na ang lugar na itong kinaroroonan lahat ay isang safe zone lamang ,ano pa kaya kung na sa labas tayo ng safe zone siguradong isang hell ang pupuntahan natin, tama ba ako?." Isang tango ang ibinigay ni Judy rito.
"Tama ka dahil ang lugar sa labas ng safe zone ay higit na mas mahirap ang buhay dahil ano mang oras ay nakataya kay kamatayan ang buhay mo." Muli ay nanahimik sila na agad na binasag ni Judy. "May mga organization ang nabuo sa labas ng safe zone at hindi lahat ng iyon ay higit na mas malakas sa atin, at ilan pa sa aking nakalap ay ipang mundo na amg nag merge rito at ipang malalakas na grupo ng mga beast ang nabuo at may top 10 strongest beast silang nabuo ngunit hindi pa nila nasama nag na sa tubig dahil hanggang ngayon ay hindi pa gumagawa ng hakbang ang mga ito." Nabagsak na lamang nila ang kanilang mga mukha sa mesa dahil sa idinagdag niyang information.

YOU ARE READING
The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)
FantasyIn the gripping tale of "The Judge," we follow the journey of a young man who has known nothing but struggle and hardship in his life. Born into a poor family, he witnesses his parents, both hunters, toil day and night to make ends meet. However, th...