抖阴社区

Kabanata 23

35 5 0
                                    

Kabanata 23: Hunters of Europe

Isang malakas na tunog mula sa isang malaking pintuan, malakas na enerhiya ang agad na sumalubong sa isang grupo ng mga kabataan. Nakaramdam ng pagkabahala at takot ang mga ito habang dahan dahan na tumitingin kay Caleb na ngayon ay wala pa ding malay.

Napatingin ang lahat kay Judy na ngayon ay nakatingin na sa pintuan malaki na ngayon ay bukas na. "Hindi ko gustong mag decide na mag isa kaya nais kong hingiin ang desisyon ninyo dahil buhay natin ang nakasalalay rito." Hindi maiwassn ng mga ito ang magulat dahil akala nila ay hindi ito magtatanong ng opinion nila tulad ng ibang leader.

"Nandito na naman narin tayo mas mabuti pang ituloy na natin ito, isa na din ito sa pagsasanay natin at isa pa ngayon lamang tayo makakapasok sa isang dungeon at hindi pa natin alam kung ano nga ba ang tunay na itsura nito." Agad na ngumiti si Judy ng madinig ang sinabi ni Celine. Isa din ito sa kaniyang nais na sabihin ngunit hindi na pala kailangan dahil ito din pala ang sasabihin ni Celine.

"Kung ganoon lahat tayo ay sumasang ayon." Dahan dahan silang pumasok sa loob ng dungeon at habang palapit sila ng palapit ay palakas ng palakas ang enerhiyang kanilang nararamdaman. Hindi nila matukoy kung saan ito nagmumula.

Ilang sandali pa matapos nilang pumasok ay napanganga sila sa lugar na kanilang nasaksihan. Hidni ito basta basta isang dungeon kung iyong titingnan dahil para lamang itong isang mundo na nakahiwalay sa kanilang mundo.

Nasa harapan nila ang napakalaking dagat na talaga nga namang siyang pjnagmumulan ng enerhiyang kanilang nararamdaman. Muli ay pinasadahan ni Judy ang gate na pinasukan nila ngunit nagulat siya ng wala na ito doon maging ang iba ay ganoon din ang naramdaman.

"Mukhang makakalabas lamang tayo dito kung matatapos natin ang dungeon." Napabunting hininga na lamang sila dahil sa sinabi ni Lucius. Wala silang ideya na ganito ang kanilang hahaeapin. Isang malawak na lugar ang kanilang nakikita ngunit wala silang nakikitang kahit isang nilalang na lumalapit sa kanila. "Bukod sa malakas na eenrhiyang aking nararamdaman sa ilalim ng dagat ay wala na kong ibang nararamdaman pang halimaw sa paligid." Seryosong naman na tumingin ang lahat sa dagat na nasa kanilang harapan at dahan dahan na pinakiramdaman ng mabuti ito.

"Ang mga beast na naninirahan sa dagat na ito ay hindi bababa sa S-rank beast at hindi ko akalaing ang kanilang bilang ay higit na mas marami sa mga demon beast na kinalaban natin sa Elysium Peak."  Sumang ayon silang lahat sa sinabing iyon ni Aria. Dahil alam nilang tama naman ito at isa pa naka salamuha nan ila ang mga tinutukoy nito.

"Kung ganoon hatiin natin sa apat ang grupo." Sumeryoso ang lahat ng mag umpisa ng magsalita si Judy, sandali pa muna itong lumingon kay Caleb na ngayon ay nagatztakang naglilibot sa lugar na kaniyang kinaroroonan ngunit na natiling tahimik at nakikinig kay Judy. "Celine at Caleb kayo sa South, Nadia at Lucius kayo naman sa North, Aria at Evelyn kayo sa West at ako naman mag isa sa East." Mabilis na tumango ang mga ito at agad na lumipad sa ibat ibang direction samantala nanatili naman na katayo si Judy sa himpapawid habang pinagmamasdan ang buong lugar.

Hindi niya matukoy kung anong klaseng dungeon ang Sunken Labyrinth. "Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ba talaga ang misyon na kailangan naming gawin?." Muli ay lumipad siya ng napakabilis at bawat lugar na madadaanan niya ay hidni niya maiwasang hindi mamangha dahil sa gandang mga itoat nanlalaki ang kaniyang mga mata ng isang grupo ng hunter ang kaniyang namataan na ngayon ay seryosong nakatingin din sa kaniya.

"Sino ka at paano kang nakapasok dito?." Hindi matukoy  i Judy kung anong level ng mha hunter na nasa kaniyang harapan. "Hindi ko alam na may iba pang hunter na papasok sa Sunken Labyrinth bukod sa amin." Doon na nakuha ni Judy ang kasagutan sa kaniyang tanong. Hindi nga siya nagkamali na ang mga hunter na nasa kaniyang harapan ay walang iba kundi ay galing sa ibang bansa na pumasok din sa gate na nagdudugtong dito sa dunegon na sumilpot sa kanilang bansa.

"Judge." Maikli ngunit seryosong bigkas niya. Di naman matukoy ng mga ito kung nagbibiro ang binata sa pangalan na binaggit nito. Hindi din nila ito mamukahan dahil may suot itong maskara at koran na dumagdag sa magandang kulay ng katawan nito maging ang kulay asul na damit nito ay bumagay sakaniyang katawan.

"Hindi ko alam kung niloloko mo kame ngunit hindi ka maaaring pumasok sa loob." Napakunot ang kaniyang noo at makalipas lamang ang ilang sandali ay mayisang grupo muli ng hunter ang naglalakad palapit sa kanila. "Paalisin niyo na ang isang iyan dito. Hindi pwede ang isang tulad niya sa bayang iyon dahil siguradong masisira ang plano." Kahit na bulong ang ginawa nito ay rinig na rinig ito ni Judy kaya mas lalo siyang nag karoon ng hinala na may ginagawa ang mga ito.

Isa isa niyang pinadaanan ito ng tingin hanggang sa isang babae ang kaniyang nakita ngunit may kakaiba siyang nararamdaman rito na hindi niya matukoy kung ano. Bago pa man mabalik ang tingin sa kaniya ng mga ito ay mabilis siyng lumipad palayo.

"Nasaan na ang binatang na ka tayo dito kanina?." Galit at hindi makapaniwala ang  lahat habang nakatingin sa lugar na kinaroroonan kanina ng binata. "Malilintikan kayo sa akin kapag may ginawa iyon na ikakasira ng plano." Umalis ito kasama ang isang grupo ng mga kabataan.


"Side Quest Mission 1: "Annihilate the formidable Valhalla Guild, a rival force that threatens the peace of Elysium Peak.

Rewards: "Earn the prestigious Training Ground of Elysium Peak, a sacred space where you can hone your skills and unlock hidden potential."

Side Quest Mission 2: "Extend your benevolent guidance and accept the esteemed Princess of Europe as your disciple, imparting your wisdom and nurturing her potential.

Reward: "Unlock a new set of profound formations for the sect, empowering you and your disciples with unparalleled strategic advantages."

Napakamot na lamang sa kaniyang ulo si Judy ng mabasa ang side quest mission na kailangan na naman niyang gawin. "Princess of Europe? Kaya pala ganoon na lamang ang aking naramdaman sa kaniya, masyadong malakas ang enerhiya niya ngunit hindi batid kung bakit nito tinatago ang totoo nitong lakas."

Makalipas muli ang ilang sandali ay muling siyang bumalik sa lugar kung saan sila naghiwa hiwalay. Naabutan niya ang mga ito na ngayon ay may seryosong mga mukha. "May problema ba?" Nagtataka siya kung bakit ganito ang mga mukha ng mga ito.

"Ano na naman ba ang hinawa mo Judy? Bakit kailangan namin ikaw tulungan na patayin ang Valhalla Guild." Eh. Hindi naman alam ni Judy ang isasagot kaya napakamot na lamang ang kaniyang ulo bago ipinaliwanag isa isa sa mga ito ang nangyari sa kaniyang paglilibot.

"Kung ganoon may kinalaman nga sila sa pagbabago ng dungeon na ito? Napansin ko na ito ng una pa kung isa mga itomg dungeon na SSS-RANK dapat may sumasalubong na sa ating ibat ibang uri ng Beast ngunit hanggang ngayon ay wala pa tayong nakakasalamuha bukod sa mga beast na nasa ilalim ng dagat." Tango at malalim na nag-iisip ang lahat sa kung ano ba talaga ang kanilang balak gawin sa Sunken Labyrinth.

"Nadia, tumungo ka sa kanilang kuta at mangalap ka ng impormatyon sa kanila ng hindi nila nalalaman kung alam mo ng nasa peligro ang buhay ay bumalik ka agad." Isang okay sign ang ibinigay nito sa kaniya bago nawala sa kanilang paningin ito.

Nangkatinginan muna ang mga ito bago muling pinagmasdan ang malaking dagat na nasa kanilang harapan, ramdam nilang mas lalong lumalakas ang mga nilalang na nasa ilalim ng tubig at nakakaramdam na sila ng pagkabahal dahil rito at siguradong mapapahamak silang lahat kung hindi pa sila kikilos upang mahinto ang mga ito.

The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)Where stories live. Discover now