Kabanata 11: Request
Hindi makapaniwala ang dalawang mag-asawa dahil sa nangyayari. Ngayon ay kitang kita nila ang dalawang kulay asul na liwanag sa kalangitan gaya lamang ng nangyari ng una. Ang pinagiba lamang nito
ay ang kulay ngunit ang kinaroronan nito ay pareha na mula sa elysium peak.Walang pagdadalawang isip na tinakbo ng mga ito ang lugar na kinaroroonan ng mga guild masters at ng presidente. Nang makarating sila ay doon nila nasilayan ang mga ito na hindi nila mapigilang hindi mabigla dahil pagod na pagod ang mga mukha nito na mukhang dahil sa pagpapasa ng mga ito ng enerhiya sa presidente.
Napatingin ang mga ito sa kanila na para bang nagtataka ngunit hindi na ito gaya ng una na nagalit ang mga ito dahil sa biglaan nilang pagpasok. "May nangayari na naman ba?." Nakagawian na ng dalawa ang ibalita kung anong nangyahari sa labas simula ng gamitin nila ang sanctum sphere.
"May dalawa po muling nagsasagawa ng trials." Lahat ng guild masters ay napatayo dahil sa narinig, ngunit napapangiti din naman sila dahil isa lang ang tanging ibig sabihin nuon na mamamayan ng pilipinas ang nagsasagawa ng trials bilang bagong guardian ng elysium peak na isa sa mga lugar na hindi alam ng lahat kung ano nga ba ang na sa loob nito.
"Kung ganoon ngayon pa lamang mag padala kayo ng tauhan sa elyaium peak at tingnan kung sino ang mga ito ngayon din." Magalang na sumagot ang dalawa bago umalis at nagkatinginan naman ang mga guildmasters dahil sa nangyayari.
"Hindi ko akalaing dito lamang pala kayo nagtatago." Lahat ay napatayo at pinalibutan ang presidente na ngayon ay hindi magawang kumilos dahil sa ginagawang pag control sa sanctum sphere. "Hindi na ninyo kailangan gawin ang bagay na iyan. Nais ko lamang balaan kayo bilang bagong Top Guardian at Protector ng Elysium Peak wala kayong karapatan na mangi-alam sa nagaganap na Trials." Lahat ay nagulat muli dahil sa sinabi nito at doon nila nakita ang koronang na sa ulo nito at ang kakaibangsuot na maskara nito maging ang kasuotan ay para bang na sa history ito.
"Anong kailangan mo sa amin? Hindi ka naman tutungo rito para lamang sa babalang iyan hindi ba?." Isang ngiti at tango ang ibinigay nito sa presidente. "Maaari mo bang sabihin ito? Gagawin namin ang lahat ng maaari naming maitulong sa iyo." Muli ngiti ang ibinigay niya dito bago nagsimula magsalita.
"Tama ka, narito ako para lamang sa ilang bagay." Huminto muna ito ng ilang saglit bago muling nagsimula mag-salita. "Nais ko lamang ipaalam sa inyo na nais kong bumuo ng guild...kung ano man ang nais naming gawin ay wala kayong pakikialaman dahil ang nais lang naman ng grupo namin ay ang maging pantay pantay na nakalimutan na nila naging kayong mga pinuno ay kinalimutan niyo na." Isang tingin lang ang ibinigay niya sa mga ito ngunitpansin niya ang panginginig ng tuhod ng mga ito sa hindi malamang dahilan.
"Hindi maaari ang nais mo, isa iyon sa mga bagay na dapat mong malaman." Isang tingin ang ibinigay niya kay Gaia. "Alam mong malaking gulo yun dahil ang bansa natin ang isa sa pinakamahina." Isang tawa ang ibinigay niya sa mga ito kaya nakaramdam ng galit at inis ang mga ito sa binatang kaharap ngunit nagulat sa binitawang salita.
"Sa tingin niyo ba ay hindi ninyo ginalit ang ibang mga bansa sa ginawa ninyong pag-gamit ng sanctum sphere? Hanggang kailan niyo balak na magpatapak sa mga bansang sinasabi ninyong malakas? Baka nakakalimutan ninyo kung ano ang sinabi ng mga ninuno nating lahat." Isa isang napaupo ang mga itodahil sa huling binitawan nito. Alam nilang malaking pagkakamali ang halikan ang mga paa ng mga bansang iyon na dati lamang ay sila ang gumagawa nuon sa bansa nila.
"Hindi ko maipapangako na matutulungan ko kayo sa lahat ng bagay ngunit isa lamang ang nais kong mangyari." Lahat ay naghihintay sa sasabihin nito dahil alam nilang maaaring makatulong ang mga ito sa kanila. "Kung hindi ninyo kayang gawin ang trabaho ninyo ay maaari na ninyong bitawanang inyong mga position. Hindi niyo ba alam na simula ng mawala kayong lahat ang dami ng nagbago?." Nag-iwas ng tingin ang mga ito sa kaniya ng subukan niya tingnan ang mga ito ng diretso sa mga mata.
"Alam namin, ngunit kailangan ng presidente ang tulong namin ngayon."
Lahatsila iyon ang nais na sabihin gaya ng sinabi ni Iron. Wala lang silang lakas ng loob upang sumagit sa kaniya. "Kung ganoon baoit hindi na lang ninyo buwagin ang ibang guilds? Itira ninyo ang sa tingin ninyo yung kaya talagang gawin yung trabaho nila. Kasalanan ko kung bakit tayo na sa ganitong sitwasyon kaya tutulong ako hanggat kaya." Nagdadalawang isip naman ang mga ito dahil hindi nila alam kung ano ba ang dapat gawin. Napalingon sila lahat sa gawi ng prexidente na ngayon ay malalim ding nagiisip.
Rinig nila ang bunting hininga nito. "Hindi ako ang dapat na mag-decide ng tungkol sa bagay na iyan. Hahayaan ko kayong mamili kung ano ang dapat na gawin." Nagkatinginan amg mga ito at muling tumingin sa binatang naka upo na sa sahig.
"Alam ko na ang nais ninyong gawin. Kung ano man ang napag-usapan ninyong desisyon ay sana naman ay isagawa na ninyo ng maayos. Marami ng mga grupo ang nabuo na gumagawa ng masama sa iba, at iyon ang lilinisin ko. Isa pa nga pala hindi ko alam kung anong trip ninyo pero hayaan ninyong pumunta sa mga dungeon ang mga hunter na walang kinabibilangan na guild lahat tayo ay may karapatan na gawin ang gusto natin pero syempre doon lang sa kaya mo." Nawala muli ito sa kanilang paningin at muling napuno ng katahimikan ang buong lugar.
"Dito na tayo hihinto at sabay sabay na tayong lalabas at mag-uusap na tayo tungkol sa dapat na baguhin at mangyayari." Hindi na sila sumagot ang mga ito at tumango na lamang at sabay sabay na silang lumabas. Tanging ingay lamang mula sa ianilang mga suot na sapatos ang tanging naririnig.
"Kaya mo pa ba? Hindi ko alam kung ilan beses na ba tayo tumalsik dahil sa lakas ng pressure." Hindi mapigilan ng dalawang babae ang matawa habang nakatingin sa isat isa. Puno na sila ng sugat ngunit hindi naman ito naging dahilan upang panghinaan sipa ng loob." Hindi ko akalain na ang first trial mo ay reaching the gate." Indian seat na naupo si Aria habang naghihintay sa sagot ni Evelyn na ngayon ay nagpapahinga din sa tabi niya.
"Siguro ito talaga ang unang trial para sa lahat. Napapansin ko na habang tumatagal ay mas lalong lumalakas at tumitibay ang mga buto ko sa katawan sa tuwing na kakaya kong lampasan ang limitations ko." Gaya din ng nangyari kay judy ay ganoon din ang nangyayari dalawa ngunit ang pinagkaiba ay hindi kabilang sa trial ni judy ang pag akyat dito.
Ilang sandali lamang ay muli nilang sinubukan na lagpasan ang limitasyon nila, sa una nahihirapan ang mga ito at ilang beses na tumatalsik ngunit hindi pa rin nakikitaan ng pagsuko ang mga ito. Puno pa din ng determinasyon ang dalawa at parang hindi man lamang nila nararamdaman ang mga tinamo nilang pinsala dahil sa pagtilapon nila.

YOU ARE READING
The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)
FantasyIn the gripping tale of "The Judge," we follow the journey of a young man who has known nothing but struggle and hardship in his life. Born into a poor family, he witnesses his parents, both hunters, toil day and night to make ends meet. However, th...