Kabanata 10: Planning
Evelyn P.O.V.
Hindi ko akalaing makakatapak ako dito sa buong buhay ko. Wala sa isip ko na makapasok sa lugar na ito na maging ang mga dating S-class hunters sa buong mundo ay hindi nagawang makapasok, ang malala pa ay na sa tuktok pa ako ngayon na ka tayo. "Marami ng dapat na gawin ngayon, nais kung bumuo ng grupo hindi dahil sa guato ko kung hindi dahil sa nais kong bigyan ng pantay na katayuan ang lahat na nawala na habang tumatagal." Di ko alam kung magtatagumpay siya dahil sa dami ng sumubok na gawin ito ay wala namang nagtagumpay ngunit kung siya?.Baka sakali pa dahil siya din naman ang successor at protector ng elysium peak. "Kung ganoon wala na akong dahilan pa upang tumutol nais ko naman na nuon pa na gawin din ito ng palihim ngunit ngayon ay mukhang hindi ko na kailangan pang mag-isa itong gawin." Isang ngiti ang ibinigay ng dalawa sa akin. "Kung ganoon ang dapat nating pag-usapan ay kung paano natin uumpisahan ang lahat."
"Sa ngayon ang tingin kong dapat nating umpisahan ay ang magpalakas. Tamang tama meroon pangcanim na succesors trial ang elysium peak maaari ninyong subukan at baka malay niyo ay kayo'y swetihen." Isang ngiti ang ibinigay nito sa amin, habang ako naman ay hindi na nagulat pa sa sinabi niya. Alam ng lahat ang tungkol sa pitong successors trials, sila lang naman ang mga nilalang na tumulong sa amin nuon na mapatay ang mga beast na lumalabas sa portal. Di namin alam kung saan sila nagmula dahil bigla na lamang silang lumitaw maging ang elysium peak.
Sila din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng system na para bang naglalaro lamang kame. Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa pitong mga magigiting na hunters na tinitingala ng lahat ngunit ang alam namin ay namatay lahat ng mga tauhan ng mga ito dahil sa laban.
"Sa ngayon ang una dapat nating isipin ay kung saan tayo kukuha ng pondo para sa guild na ating bobuuhin." Napansin kong napaisip ang mga ito sa aking sinabi. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan dahil mukhang wala silang ideya. "Mayroon akong naiisip na paraan ngunit hindi ko alam kung papayag kayo sa bagay na iyon." Isang kakaibang tingin ang ibinigay sa akin ng mga ito.
"Ang kalahati ng kikitain mo sa mga raids na gagawin ay iyon ang gagawin nating puhunan, hindi ba?." Isang tango ang ibinigay ko kay Judy dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na naisip niya din ang bagay na iyon gayon parang kanina lamang ay para bang wala itong maisip na paraan. "Maaari naman ngunit hindi ba masyadong mahirap ang bagay na iyon? Alam naman natin na kasali kayong dalawa sa guilds at tuwing magsasagawa kayo ng raids ay kalahati ng kinikita ninyo ay sa guild mapupunta habang ang kalahati naman ay paghahatian ng mga lumahok sa na sabing raids." Nawala sa isip ko iyon. Tama siya hindi sasapat iyon dahil kaunti lang naman ang kinikita ko bilang hunter na kasali o kabilang sa isang guild.
"Paano kung tumiwalag ako sa guild na kinabibilangan ko?." Agad na napunta ang tingin namin kay Aria ng sabihin niya ito. Pansin ko din ang pag-iling ni Judy dahil sa sinabi nito. "Bakit hindi pwede?." Pansin kong napayuko ito habang nagtatanong.
"Una, dahil may kontrata kayong pinirmahan. Ikalawa, may compensation kang kailangan na bayaran kung gagawin mo iyon. At ang huli sa lahat ay ang pinakamahalaga sa lahat....." Nagaantay ako sa susunod na dahilan kung bakit bawal ang iyon. Naisip ko na din ang nais na gawin ni Aria. "....iyon ay kung titiwalag kayo sa guild na kinabibilangan ninyo ay mahihirapan na muli kayong makapasok sa mga dungeon. Alam naman natinkung gaano kahirap ang makapasok sa dungeon lalo na kung hindi ka kabilang sa isang guild." Sa lahat ng dahilan na sinabi niya ang huli ang pinakamahalag sa lahat para sa akin.
Dahil ang panghuling dahilan na sinabi niya. Ang pagsali sa guild ang isa sa paraan upang makapasok ka sa mga dungeon raid ngunit maaari din naman makapasok ang mga walang kinabibilangan na pangkat ngunit maraming kailangan na iproseso at kabilang na doon ang pagkuha ng permitupang pumasok sa nasabing dungeon. "Maaari naman tayong bumuo ng party at gumawa ng raids. Hindi naman bawal ang bumuo ng party kahit na kabilang ka sa isnag guild,hindi ba?." Napanganga na lamng ako dahil nawala sa isip ko ang tungkol sa bagay na sinasabi niya.
"Hindi naman makikihati ang guild ninyo sa makukuha ninyo sa raids na sinagawa niyo. At isa pa hindi ba may expiration date naman ang contrata ninyo?." Doon ay hindi ko na naiwasan pang ibagsak ang aking noo sa lamesa dahilan para marinig ko ang tawa ni Judy. "Ngayon sumunod kayo sa akin upang maisagawa na ninyo ang pagsubok sa Successions Trials." Bumaba kame sa pinaka bottom ng elysium peak at doon ko nakita ang isang gate na may kalumaan na at hindi ko alam kung bakit ganito na ang itsura nito na hindi naman ganito noon ayon sa nababasa ko.
"Pumwesto kayo sa gitna." Hindi ko maiwasang manibago dahil sa tono ng boses nito at nakita ko ang unti unting pagbabago sa kaniya ang koronang suot nito ay mas lalong nagningning maging ang kasuotan nitong kulay asul na oarang dress ay talaga nga namang naka agaw pansin. "Bago tayo mag-umpisa sigurado na ba kayo sa bagay na inyòng nais gawin?." Sabay kaming tumango ni Aria bago siya lumutang paitaas at biglang nagbitaw ng salita. "As the newly appointed Top Guardian and Protector of Elysium Peak, I, Judy Walter, hereby grant Evelyn Smith and Aria Fuentes the opportunity to test their mettle in the trials for the succession of Elysium Peak. May luck be on their side as they embark on this path towards greatness and the honor of upholding the legacy of Elysium Peak." Di ko maiwasang hindi mamangha dahil sa binitawan niting salita.
"Ngayon oras na para sa dapat ninyong gawin." May lumabas na dalawang crsytal sa harapan namin ni Aria ngunit ng balak ko na sang hawakan ito ay bigla kaming lumutang kasabay nito na dahilan upang ikasigaw naming dalawa. "Ang bagay na nasa inyong harapan ay ang tinatawag na bloodstone patakan ninyo ng dugo ang bagay na iyan at diyan natin malalaman kung may nais na tumanggap sa inyo bilang succesors. Malalaman natin kung sino ito at kung ioang level ang inyong isasagawa." Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad kong sinugatan ang hintuturo ko at pinatakan ito ng dugo ko. Hindi ko alam ngunit kusa na lamang pumikit ang aking mga mata at ilang sandali pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas upang mabuksan ang mga ito.
"Kayong dalawa ay mayroong tatlong trials. Evelyn, ang former guardian na si Seraphina Everwood ang pumili sa iyo at may kakayahan ng visionary ." Isang ngiti ang lumabas sa aking labi habang nakatingin sa aking uluhan at doon ko nakita ang kulay asul na ilaw na nakatutok sa kain gaya ng nangyari kay Judy nuon. "Aria, ang former guardian na si Lucius Nightshade ang pumili sa iyo na may kakayahan ng oracle." Isang ngiti din ang ibinigay ni aria kay judy bago tuluyan kameng bumaba mula sa himapapawid.
"Maaari na ninyong puntahan ang lugar na unang gagawan ninyo ng inyong trial." Tumango kame sa kaniya bago sana lalakad ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay sandalian akong nahilo at nawalan ng malay.

YOU ARE READING
The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)
FantasyIn the gripping tale of "The Judge," we follow the journey of a young man who has known nothing but struggle and hardship in his life. Born into a poor family, he witnesses his parents, both hunters, toil day and night to make ends meet. However, th...