• This chapter is dedicated to Allyza. Love uuu, mhie. Thank you for the unending support and inspiration
Napabalikwas si Ayra nang magising mula sa pag idlip. Mayroon kasing tumapik sa kanyang balikat. Tumingin siya sa tao mula sa likuran
"Ayra, iha, salamat sa pagbabantay kay Heart Greeneth ha? Pasensya na at ngayon lang kami nakaluwas ng tatay niya" ani ng babae. Nanay ito ng kaibigan niyang si Green
Nang matagpuan niya si Green na walang malay at puno ng pasa at sugat kahapon ay hindi na niya ito iniwan. Naka confine ito ngayon sa ospital at saglit lang na gumising kanina upang mag almusal
"Walang ano man po, Tita. Nakapagbilin rin naman po ako sa landlord namin sa boarding house na hindi ako makakauwi kagabi" paniniguro niya sa babae at tumango tango ito. Kasama rin nito ang Tatay ni Greeneth kaya naman ay nagmano si Ayra sa dalawa
May katandaan na ang mag asawa kung titingnan. May puting hibla na ang mga buhok ngunit malalakas pa naman at masiyahin. Naikwento rin ni Green kay Ayra noon na miracle baby ito kaya naman only child lang siya
Inabutan siya ng supot ng isang kilalang fast food chain ng mag asawa
"Ayra, iha ito nga pala kumain ka muna. Pagpasensyahan mo na at 'yan lang ang nakayanan namin, ha?" kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang supot ng pagkain
"Ay nag abala pa po kayo, Tita. Maraming salamat po" nginitian niya ang mag asawa at nagsimulang kumain sa gilid na lamesa habang ang dalawa ay pinagmamasdan ang anak na natutulog sa hospital bed. Hinahaplos ng mga ito ang mga pasa at sugat ni Greeneth na umantig sa puso ni Ayra. Mas lalo siyang naawa sa kaibigan at sa mga magulang nito
Hahanapin ko kung sino ang gumawa nito sayo, Green..
Hindi kalaunan ay nagsimula nang magligpit ng gamit si Ayra. Inayos niya rin ang kusot niyang uniform at ginamitan ng hair clamp ang kanyang buhok. Naka uniporme parin siya na siyang suot mula kahapon dahil kahit saglit ay hindi niya iniwan ang kaibigan
Stable naman ang vitals ni Greeneth pero sadya daw na napagod ang katawan nito kaya naman ay puro pahinga lamang ang ginagawa
"Oh, iha. Aalis ka na?" ani ng nanay ni Greeneth habang nakaupo katabi ang asawa nito
"Opo, Tita. May klase po kasi kami mamayang ala-una, eh. Uuwi pa po kasi ako sa boarding house bago pumasok ulit" paliwanag niya dito. Isang sakay pa kasi ng jeep ang kailangan niyang gawin bago marating ang kanyang tinutuluyang boarding house
"Oh, siya mag iingat ka, ha? Salamat ulit, Ayra" nginitian siya ng mag asawa na sinuklian niya rin
Lumabas na siya mula sa silid ni Green sa ospital at naglakad papunta sa first floor. Nang makalabas ng ospital ay akmang tatawid na siya nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang nakakainis na mukha ni Vinxer
Naalala niya kasi ang tagpo nila noong muntik siya nitong mabangga kahit na nasa pedestrian lane na naman siya
Tsk! Mokong na yun. Sisipain ko talaga ang motor niya pag nakita 'kong naka park sa labas ng gate sa Blue and Gold. Grrr!
Tuluyan na siyang tumawid at sumakay ng jeep. Hindi kalaunan ay bumaba na siya at naglakad papasok sa kanyang boarding house. Compound ito at may hardin bago makapasok sa mismong boarding house. Marami rin ang mga pusa dahil alaga ang mga ito ng pamilya ng kanilang landlord
"Hello, cats. Hello, Migoy" paglalambing niya sa isang nakasalubong niya habang tinatahak ang pasilyo papunta sa pinto ng kanilang boarding house
Natulos siya sa kinatatayuan nang makita ang bulto na nakikipaglaro sa mga pusa na naroon. Hinihimas nito ang mga pusang nakapalibot dito habang naka squat ito ng upo

BINABASA MO ANG
PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]
RomanceFOR MATURE AUDIENCES. READER DISCRETION IS ADVISED ? Hope you enjoy! ? Grieving is such a hellish feeling but experiencing it for something you can't remember is just simply devastating and exhausting. Pamilyar na kay Ayra ang mga pakiramdam na iy...