抖阴社区

XIII

74 8 2
                                    

Marilag by Dionela is featured in this chapter.  Thank you and enjoy!

Biyernes ng umaga na ngayon at abala si Ayra sa pag-iikot sa mall. Kinabukasan na kasi gaganapin ang birthday party ni Vinxer. Lahat silang magkakaibigan ay uuwi sa kanilang probinsya upang dumalo sa pagtitipon na gaganapin sa masyon ng mga Dela Fuentes

Marilag
Ang himala'y sayo ibibintang

Napangiti si Ayra nang marinig ang kantang pinapatugtog sa kabuoan ng mall

Pumasok siya sa book store at nagpasyang libangin ang sarili sa pagbabasa ng mga synopsis sa likuran ng mga librong nakakakuha ng kanyang atensyon

Haven't felt so divine, 'til I looked in your eyes
See my future
Baby, loving you saved me

Napabuntong hininga si Ayra. Sa totoo lang kasi ay kinakabahan siya para bukas kaya mag isa siya ngayon dito sa mall. Nakasanayan niya na kasing stress-reliever ang mag window shopping

Masaya siyang mag celebrate ng birthday ni Vinxer pero hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya nito sakanya. Sa kanila.

Kilala si Ayra ng pamilya ni Vinxer bilang matalik na kaibigan ng binata at ilang beses na rin naman siyang naimbitahan noon sa mga party na sa mansyon ng mga ito ginaganap pero ngayon ay syempre iba na dahil magkasintahan na sila

Kung sa lalim ng pagsasama ay wala namang problema. Sa estado at katayuan sa buhay, meron. Malaki.

Kilala ang mga Dela Fuentes sa kanilang probinsya. Malalaking tao. Mayaman at maraming koneksyon sa buong mundo. Laganap ang iba't-ibang negosyo ng buong angkan nito at lahat ng may dugong Dela Fuentes ay namumuhay sa karangyaan

Si Ayra naman, ito, si Ayra Maverie Catacutan lang. Simpleng tao. Pinalaki na puno ng pagmamahal kahit kapos sa karangyaan. Namumuhay araw-araw na may mabigat na dinadala pero hindi niya naman mawari kung ano iyon at bakit

Hinugot ni Ayra ang sarili mula sa pag iisip nang makarating sa parte ng book store na puro dictionary ng iba't-ibang wika. Kumuha siya ng isa sa mga iyon na sa tingin niya ay magugustuhan ni Vinxer

Saglit lamang siyang pumila sa cashier upang bayaran ang binili kapagkuwan ay lumabas na mula sa book store

Lumipas ang oras ni Ayra sa paglilibot sa buong mall. Hinayaan niya lamang ang kanyang mga paa kung saan siya ng mga ito dadalhin. Abala parin kasi ang isipan niya

"Ano ba naman kasing naisip mo Ayra? Ika nga nila, langit yun, lupa ka" ani ni Ayra sa sarili

"Ayra!" ani ng baritonong boses mula sa di kalayuan

Nang lingunin ni Ayra ang direksyon ng boses ay lakad-takbo naman ang ginawa ng bulto. Si JM pala iyon at magkatabi na sila ngayon

"Uy, JM! Hi" bati ni Ayra sa lalaki

"Hi, Ays. Kamusta? Matagal-tagal na rin yung last nating usap" ani ng binata na nakapamulsa ang mga kamay sa suot nitong beige na hoodie

"Oo nga eh. Lagi tayo nagkikita sa classroom pero hindi naman na tayo nakapag usap ulit. Okay lang naman ako. Ikaw, kamusta?" sagot naman ni Ayra

"Ito ayos lang naman" ani ni JM at tumingin tingin ito sa paligid na ikinakunot naman ng noo ni Ayra, "himala wala dito yung buntot mo" patuloy nito

"Buntot?" ani Ayra

"Oo. Yung laging nakabakod sayo" napapailing na ani ni JM, "si Vinxer" patuloy ng lalaki

"A-ah. Si Vinxer pala, hehe. Wala siya ngayon. Solo lang akong pumunta dito para mag release ng stress. Retail therapy ganon" awkward na sagot ni Ayra. Medyo hindi niya kasi nagustuhan ang tono ni JM

PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon