抖阴社区

X

81 8 0
                                    

Palakad lakad si Vinxer habang nasa loob ng isang silid. Kasama niya ngayon sila Niccolo, Xenon, Danner, at Vera. Prenteng nakaupo ang apat habang malalim din ang iniisip.

"Si Ayen ba talaga yun?" tanong ni Xenon

"Impossible. That's just impossible" ani naman ni Danner.

Bumuntong-hininga si Vinxer at naupo sa pang isahang sofa. Inabot niya ang bote ng whisky na nasa mababang center table at nagsalin ng alak sa baso. Ininom niya ang whisky nang puro habang hindi parin matahimik ang kanyang isip.

"If that's really, Ayen, that just means na mas dapat natin higpitan ang pagbabantay kay Ayra" sambit ni Vinxer.

Nakita naman niyang nagsalin din ng alak sila Xenon at Danner bago iyon inumin mula sa babasagin na basong puno ng yelo.

"Sabi ko na nga ba eh. I should've killed that bitch a long time ago" ani ni Vera habang napapalatak

"Mas delikado na ang panahon ngayon kaya doble ingat dapat tayo. Protect Ayra at all cost" sambit naman ni Niccolo habang isa-isa silang tinitingnan ng diretso sa mata.

Tila naninigurado ito na naiintindihan nila ang dapat nilang gawin.

Tumango-tango naman silang lahat bilang tugon.

"I'll block the number in Ayra's phone for now" ani ni Vinxer habang pinipindot pindot ang screen ng phone ni Ayra.

"Done. Danner, trace this number. We need to find, at least, the location of where the texts and calls came from" salitang muli ni Vinxer. Tumango-tango naman si Danner bilang tugon.

"Alright. That's it for now and pwede ba, 'wag na kayong papalpak" ani ni Niccolo at nagsimula nang maglakad palabas ng silid.

"You all have one job and that is to not fuck up" ani pa nito at tuluyan nang lumisan

Napabuntong hininga ang natitirang apat at sabay-sabay na uminom ng whisky mula sa kani-kanilang baso.

Protect the Queen at all cost...

-
Nagising si Ayra at agad sumalubong sa kanyang pang amoy ang amoy ng antiseptic. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang kulay puti na mga pader. Napansin niya rin ang IV Fluid na nakakabit sa kanyang kaliwang kamay.

"Mhie..okay ka na? Kamusta pakiramdam mo?" ani ni Lyzza na nakaupo pala sa isang monoblock chair katabi ng kama na hinihigaan ni Ayra. Nakita niya rin ang dalaga na may hawak na mentholated balm na bahagya nitong inilalapit sa ilong ni Ayra.

"Okay na ko, mhie. Salamat" ani ni Ayra at kumilos paupo. Isinandal niya rin ang kanyang likod sa unan.

"Jusko! Nastress ako dun huhu pero okay lang kasi to the rescue naman yung tatlong yummy 'mong boylets!" ani ni Lyzza habang namumula ang mga pisngi. Kapagkuwan ay muli pa itong nagsalita.

"Nakatabi ko si Fafa Danner kanina! OWEMJI! Ang bango bango niya!" ani ng kaibigan habang tila nananaginip ito nang gising, "kinausap niya 'ko! Kyahhh!" halos magpumiglas nitong kwento.

"Ano naman ang sabi sayo?" natatawang tanong ni Ayra.

"Hi..." ani ni Lyzza. Nakapangalumbaba pa ito sa gilid ng kama habang tila nag-beautiful eyes

Tahimik naman na tiningnan ni Ayra ang kaibigan. Lumipas ang ilang segundo at ganon parin siya. Kumunot ang kanyang noo at tinitigan din siya ni Lyzza. Bahagya 'ring kumunot ang noo ni Lyzza na tila iniintindi kung bakit siya nakatitig. Kapagkuwan ay napakamot ito sa sariling ulo bago muling magsalita.

"Ah...hehe...yun lang yung sabi niya tapos hindi ako nakasagot" bahagya itong napanguso at awkward na tumawa habang namumula ang mukha.

"Ahhh" natawa naman si Ayra, "akala ko ba gusto mo yung tahimik para makikinig lang siya sayo? Eh ayan wala ka ngang nasabi. Natameme for the first time ever ang isang Xyra Elyzza Madrid" tuluyan nang humalakhak si Ayra habang namumula parin sa hiya ang kaibigan niyang si Lyzza.

PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon