抖阴社区

XIV

73 5 11
                                    

Dilaw by Maki is featured in this chapter! A whole Spotify playlist for PROJECT: Runaway can be found in the story description and synopsis. Thank you so much!

"You look breathtaking in that little yellow dress of yours" ani ni Vinxer kay Ayra habang inihahanda niyang i-garahe ang sasakyan

"Thank you, love" ani ni Ayra na saglit lamang tinapunan ng tingin si Vinxer at muling ibinalik ang paningin sa tanawing nasa kanyang harapan

Ngiting-ngiti si Ayra at para itong batang nawiwili sa tanawin ng malawak na lupain. Habang abala ang kanyang paningin sa pagkamangha ay dahan-dahan naman siyang lumabas mula sa sasakyan nang pagbuksan siya ni Vinxer ng pinto

"Ang ganda dito, Vinoe. First time ko rito" ani ni Ayra habang sumusunod lamang ang kanyang mga hakbang sa kung saan siya dinadala ng pag gabay ni Vinxer

"I'm glad that you're loving it so far. We only have 24 hours here so I'll make sure na masusulit mo lahat" ani ni Vinxer sabay halik sa gilid ng ulo ni Ayra

"24 hours? Hala wala akong damit. Kahit underwear wala" ani ni Ayra nang mapukaw sa pagtanaw ng paligid

"It's okay. We will shop for them" sagot naman ni Vinxer. Nagsisimula na silang maglakad ngayon papunta sa tutuluyan nilang airbnb

"Vinoe, alam ko naman na may pera ka pero kung sinabihan mo lang sana ako nang maaga instead na surprise edi sana nakapag impake nalang ako para bawas gastos" mahabang sabi ni Ayra nang makapasok sila sa unit

"Love" nilapitan siya ni Vinxer at hinawakan ang magkabila niyang braso,"it's okay. Relax, alright? Pagbigyan mo na ako kasi ito ang gusto 'kong gawin for my birthday. Spoiling you and having fun with you"

Masuyong sabi ni Vinxer kaya naman kahit na hindi parin hundred percent na okay ang ideya na iyon para kay Ayra ay tumango na lamang siya bilang pagsang ayon

Hindi nagtagal ay lumabas sila upang pumunta sa isang boutique para doon mamili ng mga underwear at pajama set na siyang gagamitin nila sa magdamag

"Ay, ang cute!" ani ni Ayra nang makita ang isang kulay brown na pajama set na labubu ang disenyo

"Ay, Ma'am bagay po yan sa inyo" ani ng saleslady na nasa tabi lamang niya, "ito po may kapartner po 'yan na pang lalaki color beige pero labubu rin ang design" dugtong pa nito

"Ay perfect. Sige wait lang po, Ate" tugon ni Ayra sa babae bago niya tinanaw ang kinaroroonan ni Vinxer

"Vinoe! Look oh" ani ni Ayra at ipinakita ang mga pajama set na hawak niya sa magkabilang kamay ang mga hanger, "ito nalang bilhin natin. Uso to ngayon tapos cute pa" dugtong niya pa

Naglakad naman pabalika sa kinaroroonan ni Ayra si Vinxer na kanina lamang ay abala sa pag tingin ng mga bagay sa kabilang parte ng boutique. Pinagmasdan nito ang mga pajama set

"Sure, love. These are cute plus it looks very comfy. You have such a great taste, Avie" ani ni Vinxer at bahagyang pinisil ang pisngi ni Ayra

"Yey! Sige po Ate kukuhanin po namin pati na rin po itong nasa basket" ani ni Ayra sa saleslady at binigay na dito ang lahat ng mga bagay na kinuha nila sa shelves upang bilhin

Nang makapagbayad sa cashier ay hawak-kamay na lumabas ang dalawa mula sa boutique. Inilagay ni Vinxer ang kanilang mga pinamili sa backseat ng kotse bago pinagbuksan ng pintuan sa shotgun seat si Ayra. Nang makasakay ang dalawa at makapag seat belt ay nagmaneho nang muli si Vinxer

"Where to next?" tanong ni Ayra habang nagmamasid masid siya sa paligid

"Well, now that we got all of what we need for later, it's finally time to go to Sky Ranch but we will eat there first bago sa most exciting part for you, the rides" may ngiti sa mga labing tugon ni Vinxer. Hinalikan niya rin ang likod ng kamay ni Ayra at nanatiling hawak iyon

PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon