• This chapter is inspired by the song Sandali by mrld. You can play the song first to know the vibe then proceed in reading this chapter. I highly recommend you do so that's why I added it above! <333
Also, I'm wondering if I should make a playlist for this story but maybe that's for the future nalang. Thank you and hope you will enjoy this chapter
•
Pinagmamasdan ni Vinxer ang natutulog na si Ayra. Nakapasok na sila sa parking lot ng condominium building niya ngunit hindi parin nagigising ang dalaga. Wala siyang lakas ng loob na gisingin ito dahil alam niyang kailangan nito ng pahinga. Hindi niya kayang putulin ang payapa nitong paghimbing
Napabuntong hininga si Vinxer at isinandal ang likod sa malambot na upuan ng driver's seat. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakinggan lamang ang tunog ng engine, aircon, at mahinang volume ng radyo ng kotse. Tumutugtog doon ang isang musika na tumpak sa kanyang nais ipahayag noong mga oras na iyon
Sandali, dito ka na magpalipas ng gabi
'Cause we both know it's getting late
When I'm far from you, yeah, 'di mapakaliBahagya siyang napangiti at saglit na tiningnan si Ayra na tahimik parin na natutulog sa shotgun seat. Katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse habang patuloy parin ang kanta sa radyo
I don't really care if you're not coming home tonight
If you wanna stay with me, and we can both call it a night
Tahimik ang paligid, puwede tayo ang mag-ingay
Liwanag ang sasalubong sa katawang nakahimlay"What a day..." bulong niya sa sarili habang komportable parin na nakasandal sa upuan
Hindi alam ni Vinxer kung ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang natapos ang kanta. Iniangat niya ang sarili at bahagyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri at dahan-dahang umismid palapit kay Ayra
Tinitigan niya ang mukha ng dalaga. Payapa iyon. Malayong-malayo sa lahat ng sakit at problema na bumabagabag dito araw-araw
Inilapit niya pa ang kanyang mukha. Mula sa kanilang distansya ay kitang kita niya ang pino nitong balat, mahahabang pilikmata, matangos na ilong, at ang mapula nitong mga labi na hugis puso
"Vinxer?" nanigas si Vinxer sa kanyang posisyon nang bigla na lamang nagising si Ayra. Nagtama ang kanilang mga mata. Gulat ang ekspresyon ng dalaga at hindi naman mahanap ni Vinxer ang mga salitang dapat sabihin
"Ahhh! Siraulo ka talaga! Minamanyak mo ba 'ko!?" singhal ni Ayra kay Vinxer nang makabawi mula sa pagkabigla. Kinapa kapa niya pa ang kanyang buong katawan
"Excuse me, woman. I was about to wake you up. You have to freshen up kaya gigisingin na sana kita. Ang baho na ng kotse ko dahil sayo" sambit ni Vinxer at pinatay na ang engine ng sasakyan. Lumabas siya ng pinto at umikot upang pagbuksan si Ayra
"Heh! Huling huli ka na ayaw mo pang umamin!" madilim ang mukha ng dalaga at inirapan si Vinxer bago lumabas ng sasakyan
Padabog ang kanyang mga hakbang nang mauna siyang maglakad habang nakasunod lamang si Vinxer sa kanya ngunit agad din na huminto sa gitna ng parking lot. Tumingin siya sa binata nang makahabol na ito sakanya at ngayon ay nasa tabi na niya
"Nasan pala tayo?" tanong ni Ayra kay Vinxer
"My condo" ani nito at marahan na hinawakan ang pulsuhan ni Ayra bago ito maglakad
"Bakit dito mo 'ko dinala? Dapat diniretso mo nalang ako sa boarding house ko"
"It's alright. I have clothes your size in the closet" ani ni Vinxer at iginiya si Ayra papasok ng elevator

BINABASA MO ANG
PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]
RomanceFOR MATURE AUDIENCES. READER DISCRETION IS ADVISED ? Hope you enjoy! ? Grieving is such a hellish feeling but experiencing it for something you can't remember is just simply devastating and exhausting. Pamilyar na kay Ayra ang mga pakiramdam na iy...