抖阴社区

VII

75 8 2
                                    

Magkatabi sina Ayra at Vinxer na nakaupo sa isang bench dito sa Magsaysay Park. Pareho silang tulala sa hangin habang kumakain ng ice cream na may apa. Tila sabay din silang napapabuntong hininga pero wala namang nagsasalita. Maaliwalas ang paligid ng parke ngunit madilim naman ang mukha ni Vinxer at nakasimangot din si Ayra

"Haaaay. Badtrip naman"

"What the heck just happened? Hayst"

Sabay na ani ng dalawa habang malayo parin ang tingin hanggang sa si Ayra na ang bumaling ng tingin kay Vinxer at nagtanong

"Ilan nakuha 'mong score?" tanong ni Ayra

"1 over 10 langhiya" sagot naman ni Vinxer

"Ako zero. Aaaaaaa" muling tugon ng dalaga

Nagkaroon kasi ng surprise quiz daw ang terror nilang professor. Walang nakapag review sa kanilang lahat kaya naman ganyan din ang mga naging score nila

"Sige lang. Lahat naman zero to one lang ang score" ani ni Vinxer at inubos ang natitira sa kinakain na ice cream

"Hayst. Babawi nalang tayo sa susunod, Vinoe" ani naman ni Ayra nang matapos din sa pagkain

Napabaling si Vinxer kay Ayra na nagtatakang sinalubong naman ng huli

"Oh, bakit ka nakatingin nang ganyan?" tanong ni Ayra kay Vinxer. Nandito nanaman kasi ang madalas na blangko nitong ekspresyon kaya naman kahit na matagal na silang magkakilala ay minsan nahihirapan parin si Ayra na basahin si Vinxer

"I have a question" ani ng binata. Seryosong-seryoso ang tono nito

"A-ano?" nauutal pang tugon ni Ayra

"Bakit nagsimula 'kang tawagin ako na malas pagkatapos nung nangyari kay Hera Grace? That was also the time that you started running away from me and our friends and you kept on pushing us away...were you blaming us? Me?"

Napabuntong hininga si Ayra bago magsalita

"I was so heartbroken when that incident happened with Hera Grace. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako kasi after all this time buhay naman pala siya at kilala niya ako. She watched from the distance while her "death" broke me into pieces everyday. After that incident, I felt like I have no one"

"But you have me-"

"Patapusin mo muna ako"

"Okay"

"Ayun na nga. I felt alone kasi pagkauwi natin from that hell of a camping trip, I tried so many times to reach out to you kaso palagi kitang hindi maabutan. Kapag naman naaabutan kita eh laging wrong timing. It was either you weren't available, in a hurry, or just plainly not in a good mood. One day, pinuntahan kita sa bahay niyo but..", napalunok si Ayra at nag iwas ng tingin mula kay Vinxer bago siya magpatuloy sa pagsasalita,

"I saw Vera and you, you were so happy laughing with each other and bonding with each other. So, I figured, para saan pa na guluhin kita? Masaya ka na and it seemed like you already moved on from that scary rainy night", malungkot na nginitian ni Ayra si Vinxer, "and I was the only one stuck there. I thought I only lost one of my best friends, Hera Grace, but I realized that I also lost you from that incident, Vinxer, because I was the only one left who hasn't moved on yet" pagak na tumawa si Ayra at napailing-iling habang ibinabalik ang tingin sa paligid

"Kaya tinawag kitang malas. Malas kasi parang simula nung makilala kita eh ang dami nang nangyari sa boring 'kong buhay. Natuto akong lumabas-labas after ng maghapon na klase. Tinuruan mo ako na mag maneho ng sasakyan kahit na wala pa akong lisensya. Natuto rin nga ako na magmura dahil sayo. Jusko, highschool na ako natutong magmura at dahil lang 'yon sayo" natatawang ani ni Ayra

PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon