抖阴社区

VI

94 9 9
                                    

This chapter is dedicated to Cola. You will always be loved, baby. Momom and dadad will strive to heal and be better furparents in order to save more babies like you. You will be missed dearly and we hope that you will always guide us and your siblings and mom. We love you, baby Cola and we miss you everyday

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong mga pangyayari tungkol kay Heart Greeneth. Habang naglalakad si Ayra patawid ng kalsada upang pumasok sa University ay hindi niya maiwasan na mag isip isip. Naguguluhan parin kasi ang isip niya at hindi niya alam kung ano ang sunod na dapat gawin

Alam niya naman na siguro nga ay may PTSD siya dahil sa nangyari noon kay Hera Grace. Simula noon pa man ay hinihikayat na rin siya ni Vinxer na magpatingin sa doktor tungkol doon ngunit hindi niya madala ang sarili. Ayaw niya kasing aminin na may PTSD siya. Ayaw niya nang may kahinaan dahil noong huling beses na nagkaroon siya ng kahinaan, agad na nasaktan ang taong iyon

"Hop in" laking gulat ni Ayra nang bigla na lamang may humintong motorsiklo sa harapan niya. Isang itim na Ducati ang sinasakyan ngayon ng isang lalaking naka helmet na kulay puti

"Vinxer? Bakit mo nanaman ako sinusundan?" tanong niya. Ngayon ay nasa sidewalk na siya at patuloy lang sa paglakad habang si Vinxer ay mabagal na pinapatakbo ang motorsiklo upang sundan ang mga yapak ni Ayra

"I'm taking you on a date"

"A what???" nasamid si Ayra sa tinuran ni Vinxer kaya naman napatingin siya dito

"A date" pag uulit lamang nito. Hindi mawari ni Ayra kung nagbibiro lamang ba si Vinxer o seryoso dahil narin sa helmet na suot ng binata. Tinitigan niya lamang ang lalaki nang tila umabot nang isang minuto at sininghalan ito nang makabawi

"Tigilan mo nga ako, Vinxer! Che! Jan ka na nga!" nagmamadaling naglakad papasok si Ayra sa university. Nang saglit siyang lumingin sa likod ay nasilip niya si Vinxer na hindi magkanda ugaga sa pag parking ng motorsiklo sa labas ng uinversity

"Damn it! Bakit ba kasi bawal mag park sa loob?!" rinig pa niyang singhal ni Vinxer mula sa labas. Mas binilisan niya ang paglakad papunta sa classroom at hinayaan na ang lalaki sa labas

"Kainis talaga yun! Walang magawa sa buhay!" inis na sambit ni Ayra sa sarili habang madilim ang mukha na nagmamartsa

"Hi, Ayra!"

"Hi, Ayra namin"

Sambit ng dalawang lalaking boses mula sa kanyang likuran at tsaka ang mga ito humarang sa kanyang harapan. Parehong may ngiting aso sina Danner at Xenon. Sinamaan naman ito ng tingin ni Ayra

"Arghhh! Tumabi nga kayo!" iniba ni Ayra ang direksyon na kanyang pupuntahan at tsaka tumakbo palayo sa dalawang lalaki

Magsama-sama kayong mga bwisit!

Hindi mawari ni Ayra kung ano ba ang nakain ng tatlo niyang kaibigan at ginugulo siya ng mga ito ngayon. Laking pasalamat niya nalang din kahit papaano na si Vinxer lamang ang classmate niya dahil talagang iisipin niyang dinidikitan siya ng malas kung nagkataon na iyong tatlo ang makakasama niya sa klase

"Ayra! Uy, Ayra Maverie!" rinig niyang tawag ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Pumihit siya paharap dito at handa na itong singhalan

"Hi. Kanina pa kita sinusundan eh" ani ng kaklase niyang si JM habang nakangiti ito sakanyang harapan

Saglit naman na natahimik si Ayra dahil sa presensiya ng binata. Matangkad si JM, may pagka moreno ang balat, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at nakakahalina ang mga ngiti. Mukha talaga itong bida na good boy na puro green flag sa isang sikat na nobela o pelikula

PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon