抖阴社区

                                    

"Alam mo kung gaano ako katakot sa pagbabago, Vinxer. I fear change. I fear going out of my comfort zone. Gusto ko kasi naka abide lang ako lagi sa rules. Gagawin ko lang kung anong sabihin sakin...kaya siguro ganon. Kahit masaya ako sa pagkakaibigan natin eh inisip ko rin na hindi ka nakakabuti para sa akin...kasi hindi ka nakakasakal. Hindi mo ako dinidiktahan at lahat nang yun ay bago sa akin...hanggang ngayon"

Hinawakan ni Vinxer ang kamay ni Ayra na nakapatong sa hita ng dalaga. Bahagya niya itong pinisil

"I get it now. Kaya ka pala laging nakabuntot sa akin after what happened doon sa scouting trip natin because you were seeking comfort and our friendship. Tinawag kitang stalker because of that kasi akala ko nagkataon lang na kung nasaan ako ay nandun ka rin. It was a joke of a nickname kasi ang buong akala ko eh okay tayo. Akala ko eh okay lang na nabusy ako kaagad sa iba-ibang meetings ko with Niccolo and Vera right after what happened" hinawakan na rin ni Vinxer ang isa pang kamay ni Ayra at masuyo itong pinaharap sakanya

"I'm sorry, Avie for not being on your side when you needed me the most. It was a huge mistake on my part for not being a sensible and sensitive friend. I got so desperate for answers about what happened to Hera Grace to the point na inasikaso ko agad yung imbestigasyon nung makauwi tayo galing sa camping trip. I wanted to find answers right away because I wanted to give it to you as soon as possible. In that way, I thought I was helping you big time. I thought I would be able to help you find peace without knowing that I made you feel abandoned in the process. I'm so sorry, Avie" mahabang ani ni Vinxer. Nakayuko naman si Ayra habang nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay. Napatango tango ang dalaga

Naiintindihan niya na ang lahat. Naiintindihan niya na kung saan nanggagaling si Vinxer. Panahon na rin siguro para makapagpatawaran sila lalo na sa parte niya. Matagal na panahon niya rin na inakala na iniwan siya ni Vinxer sa gitna ng pagluluksa niya kahit na ang totoo pala ay ito ang umasikaso sa imbestigasyon dahil ayaw ng binata na magluksa si Ayra nang matagal. Ang mali lamang talaga ni Vinxer ay hindi ito nagsabi nang maayos sakanya tungkol sa mga plano nito

"Okay lang, Vinoe. Naiintindihan na kita. I'm sorry din dahil nawala ang tiwala ko sayo na hindi mo ako iiwan. Dapat mas naniwala pa ako na ang ginagawa mo noon ay para rin sa akin dahil ganon ka eh, ganon kita nakilala. Ikaw si Vinxer na laging iniisip ang kapakanan at kalagayan ko higit pa sa sarili mo" ani ni Ayra at bahagyang pinisil ang kamay ni Vinxer

"Okay na Vinoe, okay na tayo. Ngayon dahil sa mga nalaman ko kay Heart Greeneth na siya rin pala si Hera Grace, kahit na may tampo parin ako sakanya eh masaya na ako na kahit papaano ay ligtas naman pala siya. Hindi naman pala siya nawala. Okay na ako at wala nang rason pa para maiwan pa ako sa pagluluksa. Wala na akong rason pa para tumakbo palayo sa nakaraan" ani ni Ayra at siya na mismo ang yumakap kay Vinxer

Bahagyang nagulat si Vinxer sa pagyakap ni Ayra ngunit kalaunan ay napangiti siya nang yakapin niya pabalik ang dalaga. Nanatili pa sila sa ganoong posisyon nang ilang segundo bago magdesisyon na tumayo mula sa kinauupuan na bench

Nagka ngitian ang dalawa at nagdesisyon na maglakad lakad sa damuhan ng parke.  Tahimik silang nagmamasid sa paligid habang magaan ang paghinga. Makikita ang mga batang naglalaro, mga pamilyang nagpipicnic sa damuhan, at mga pets na aso't pusa na ayaw magpapigil sa pagtakbo

"Teka...kilala ko yung mga yun ah" ani ni Ayra nang matanaw ang grupo ng kalalakihan sa 'di kalayuan. Tila may hinahanap ang mga ito at patingin-tingin din sa paligid

"Nasan?" tanong ni Vinxer. Itinuro naman ni Ayra ang mga lalaki na saktong napatingin din sa gawi nila

"Ayun sila! Hoy!" ani ng lalaking nasa unahan sa mga kasama nito. Nagsimulang tumakbo ang mga lalaki papunta sa direksyon na kinaroroonan ni Vinxer at Ayra

PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon