"Shit! Barkada yan nung Paolo. Yung bumugbog kay Heart Greeneth sa cr na binugbog din natin, remember?" ani ni Ayra Kay Vinxer. Mahigpit siyang napahawak sa braso ng binata
"What? Pinaayos ko kila Xenon to ah. Damn it" ani ni Vinxer, "come. fast" nagsimula nang tumakbo ang dalawa
Hinahabol na sila ngayon ng grupo ng kalalakihan na barkada ni Paolo. Habang tumatakbo ay palingon-lingon sa likod si Ayra
"Malamang gusto nilang iganti satin yung Paolo na yun, Vinxer"
"Baka nga. Hindi ko magets kung paano pumalpak ngayon sila Xenon at Danner. Pati narin si Niccolo"
"Jusko hindi ako makatakbo nang maayos! Pakshet naman kasi 'tong uniform na 'to kailangan naka heels" ani ni Ayra habang hawak ni Vinxer ang pulsuhan niya. Patuloy parin sila sa pagtakbo. Nagtitinginan na ang mga tao sa parke dahil sa habulan na nangyayari
"Hoy!! Patay kayo samin pag naabutan namin kayo!" ani ng isang lalaki na humahabol sa kanila. Nakikita nila Ayra at Vinxer na unti-unti nang nakakahabol ang mga lalaki sa kanila
"Take your shoes off" ani ni Vinxer
"Ayoko nga wala akong extra"
"Damn it. Bibilhan nalang kita ng bago"
"You don't have t- aaaaaah!!"
Naputol na lamang ang pagtutol ni Ayra kay Vinxer nang bigla na lamang siya nitong kargahin na parang sako ng bigas. Nagsimula itong tumakbo nang mas mabilis
"Pakshet ka, Vinxer Jose! Naiipit yung cocomelons ko!!" ani ni Ayra habang nayuyugyog ang buong katawan dahil sa pagtakbo ni Vinxer
"Wala ka nun plus I have no choice!" karipas parin ng takbo si Vinxer papunta sa kinaroroonan ng kanyang motor dahil may kalayuan din ang parking lot mula sa mismong park
"Gago! Bilisan mo pa tumakbo nakasunod parin sila" ani ni Ayra. Tinanggap niya na lamang ang sitwasyon niya at ang posisyon niya noong mga oras na iyon
Mukhang sako ng bigas na nakasabit sa balikat ni Vinxer at nayuyogyog ang buong pagkatao
Naramdaman niyang nakailang liko rin ng takbo si Vinxer. Palayo na nang palayo ang bulto ng mga lalaki na humahabol sa kanila bago ito tuluyang naligaw at hindi na nakasunod sa kanila. Tumigil narin sa pagtakbo si Vinxer at nang ibaba nito si Ayra ay nakita ni Ayra na nasa parking lot na pala sila katabi ng motorsiklo ng binata
Pareho silang humahangos at naghahabol nang hininga. Kalaunan ay sabay din naman silang unti-unti nang makabawi sa paghinga
"What the fuck! HAHAHAHAHA!!" hindi na napigilan ni Ayra na magpakawala ng wagas na mga tawa. Napapahawak pa ang dalaga sa tyan nito habang hindi parin mapigilan ang sarili
Napangiti naman si Vinxer sa nakikita at natawa narin sa nangyari. Pinagmamasdan lamang nila ang isa't isa habang sabay parin na nagtatawanan
"Oh, damn. What the fuck was that?"
"Grabe! Solid tawa ko mga bente. Hayyy"
Sambit nilang dalawa nang bahagya nang kumalma. Tumingin tingin pa silang muli sa paligid upang tiyakin kung wala na nga ba talagang nakasunod sa kanila
"Come. Hop in. Pupuntahan natin sila Xenon to ask about this" inihanda ni Vinxer ang motorsiklo nito at binigyan ng helmet si Ayra na tinanggap naman ng dalaga
Isinuot ni Ayra ang helmet at umangkas na sa motorsiklo. Si Vinxer naman ay tumingin sa side mirror bago bahagyang tumingin sa gawi ni Ayra
"Put the visor down wala 'kang glasses. Gusto mo 'bang matuyo yang contact lenses mo dahil sa hangin?" ani ng binata at ibinaba ang visor ng helmet ni Ayra
Napalabi na lamang si Ayra bilang tugon habang bahagyang nangingiti. Wala naman kasi siyang magagawa dahil tama naman si Vinxer. Simula pa lamang highschool sila ay ganito na talaga ang binata sakanya. Lagi siya nitong pinapagtanggol at pino-protektahan. Lagi siyang sinasamahan nang walang reklamo. Kahit nga hindi hilingin ni Ayra ang presensiya ni Vinxer ay nariyan ang binata para sakanya
Laging nariyan si Vinxer para sa kanya
Tama nga ito. Si Ayra lang naman talaga ang lumalayo eh. Siya lang din ang pilit na tinutulak palayo si Vinxer. Self sabotage ika nga nila kasi ipinagkakaila niya sa sarili ang matagal na niyang nararamdaman. Lagi niyang dine-deny na may nararamdaman siya para kay Vinxer na higit sa pang kaibigan lang
Alam mo naman kasi, Ayra kung ano talaga ang tingin mo kay Vinxer...at hindi 'yon para sa isang kaibigan lang
Nagsimulang paandarin ni Vinxer ang motorsiklo habang tahimik parin na nag iisip si Ayra
This can't be...paano naman si Vera?
LunaToMySol

BINABASA MO ANG
PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]
RomanceFOR MATURE AUDIENCES. READER DISCRETION IS ADVISED ? Hope you enjoy! ? Grieving is such a hellish feeling but experiencing it for something you can't remember is just simply devastating and exhausting. Pamilyar na kay Ayra ang mga pakiramdam na iy...