"Ako rin ate pinayagan." sagot naman ni Kiro.
"Don't worry ate, pinayagan din po ako." sagot naman ni Jannah ng dumapo ang tingin ko sa kanya.
"Hmm. Mabuti naman. Sige na at magsikain na kayo." ipinagpatulo na namin ang pag kain habang nagkekwentuhan.
"So, si Thim po pala ang pinaka pasaway sa inyong tatlo." natatawang sambit ni Jannah.
"Si ate talaga eh!" natawa nalang kami sa naging reaksyon ni Thim habang inaasar namin sya.
"Tas yang si Jace, sya yung pinakamatalino sa amin sa math. bakas ang pagkamangha nila sa sinabi ko.
"Naks! Patutor idol! biro ni Kael kay Jace.
Ilang minuto ay natapos na rin kaming kumain. Si Jace na ang nagpresinta na sya na raw ang maghuhugas ng mga kinainan kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko at ginawa ang mga activities na kailangang gawin at tapusin.
Natapos ko na lahat ng mga activities ko kaya lumabas muna ako para maglakad lakad pero pagbaba ko ay wala na ang mga bata. May nites na iniwan at nakasulat doon " Ate hatid na muna namin sila, lab uu!" Napailing na lang ako ng mabasa iyon kaya agad ko ng isinara ang pinto at iniwan ang susi sa secret place kung saan kami lang magkakapatid ang nakakaalam pati na rin si Papa.
Alas nuebe pa lang naman ng umaga kaya naisip kong pumunta muna sa court ng barangay namin. Ilang minutong lakarin lang naman iyon kaya dumiretso na ako. Bukod kase sa laba day, naglalakad lakad din ako dito para makapagpapawis o makalanghap ng sariwang hangin.Umupo ako sandali ng may makitang bakanteng upuan. May mga dayo kaya naman pala maraming mga naglalaro. Nanood muna ako sa mga naglalaro at hindi ko maitatanggi na may kagwapuhan ang mga ito. Omg! Kasalanan.
Tatayo na sana ako ng may malakas na pito ang narinig kaya ng lumingon ako ay isang lumilipad na bola na ang tatama sakin anytime. Hindi na ako nakakilos at pagpikit na lang ng mata ang aking nagawa. Tanging sigaw na lang ang aking narinig mula sa mga manonood at ibang players na inaasahan na rin ang direktang pagtama ng bola sa akin.
Ilang segundo kong hinintay ang pagtama ng bola sa akin pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong sakit na nararamdaman. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko na nga nakita ang malapad na likod ng isang lalake habang nakahawak ang isang kamay sa bola na tatama sana sa akin kanina.
Humarap ito at laking gulat ng tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Owen. Naka suot ito ng dilaw na jersey, gulo ang buhok at naliligo na rin sa sariling pawis.
Nagliwanag naman ang mukha ko ng makita na isa pala sya sa dumayo rito sa court namin para maglaro.
"Kung san san kase nakatingin." saad nya habang dinidribble ang bola bago ibinato sa isa nitong kasama.
"Aba malay kong basketball ring ang tingin nyo sakin!" sinamaan ko sya ng tingin.
"Kalma!" ginulo nya ang buhok ko bago bahagyang tumawa.
"Layo ng dayo ah, bored na ba?" tanong ko. Naglakad naman kami palayo at baka mamaya ay may lumipad na namang ligaw na bola papunta sa akin.
"Actually, niyaya lang ako nina Paulo. Wala rin naman akong lakad kaya sumama na ako. Imemessage sana kita kagabi kaso naisip ko na baka ikaw naman yung may lakad ngayon kaya hindi na lang." paliwanag nito.
"Ahh kala ko namiss mo kakyutan ko." biro ko dito.
"Nasan ng cute dyan?" ipinaling nya kaliwa at kanan ang mukha ko. Bwiset lakas mang asar parang di nangopya sakin nung jh kami ah!

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...
Plan?
Magsimula sa umpisa