"Whatever, Owenggg!" nakarating kami sa isang tindahan kaya naupo muna kami.
Bumili sya ng dalawang softdrinks at naupo na rin sya.
"Nagka- usap na ba kayo ni tito?" nasamid naman ako sa iniinom ko ng bigla nyang banggitin iyon.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay nakausap ko na si Papa at nagkaayos naman na kami pero hindi naman ganon kadaling kalimutan yung mga nangyare kaya medyo naiilang pa rin talaga ako kapag yun yung nagiging topic. I know to my self na hindi ko pa sya totally napapatawad at alam kong alam nya rin yon. Pero I'm still hoping na papatunayan nyang babawi sya sa amin.
"Hoy! Natahimik ang langaw!" pang aasar pa nya.
"Well honestly, hindi pa ulit kami nagkakausap ni Papa Pero I'm working on it naman. We're working on it." sabay lagok sa softdrink na hawak ko.
"Matatapos din yan." sambit nya habang tinatapik ang braso ko.
"Eh si Tita? Kumusta?" tanong ko ng mabalitaan na na hospital daw pala ito nung nakaraang araw lang.
"Okay naman na si Mama. Kailangan nya lang mainom yung mga gamot na inireseta ng doktor sa kanya. " nakahinga naman ako ng maluwag sa ibinalita nya.
"Kaya natin to." pagpapalakas ko ng loob sa kanya ganon na rin sa sarili ko. Matatapos din lahat ng to.
"Ahh... May sasabihin nga pala ako." biglang nagbago ang mukha nito at kit mo ang lungkot sa mga mata nya.
Napakunot nalang ang noo ko at hinintay na sabihin nya yung gusto nyang sabihin.
"Baka dun na ako mag aral. Kailangan na rin kase ng mag aalaga kay Mama. At mas magagawa ko yung bagay na yun kung mas malapit ako sa kanya." paliwanag nito. Nakaramdam ako ng lungkot ng sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay mababawasan na naman ako ng mabuti at totoong kaibigan.
"B-babalik ka pa ba?" para akong maiiyak sa nalaman ko.
"Hindi sigurado. Alam mo namang malayo ang bahay namin dito e. Ayoko namang magstay kina Tita Laurie tapos si Mama nandon sa probinsya at walang nagaalaga. " Hindi ko na mapigilang hindi maiyak sa sitwasyon nya.
"Kelan ka aalis?" tanong ko habang pinupunasan ang luhang patuloy na kumakawala sa mga mata ko.
"Next Sunday. Abot pa naman ako e kaya magtatransfer dun ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko. Shhh tahan na. Hanggang ngayon iyakin ka pa rin." biro pa nito.
"Mag iingat ka dun...K-kung wala kang makitang maganda... Tawagan mo lang ako..." putol putol kong sambit dahil sa pag iyak.
"Syempre! Don't worry, kapag nagkita tayo ulit, ililibre kita ng paburito mong pizza! Plus Milktea na matcha flavor." kahit papaano ay kumalma naman ako. Alam ko namang sinasabi nya lang yan para di na ako umiyak e.
"Promise yan ha!" paniniguro ko sabay tawa namin pareho.
"So pano? Umuwi ka na kase mainit na. Babalik na ako sa court baka kase hinihintay na nila ako. Babyahe pa kami pauwi." paalam nito bago yumakap sa akin.
"Ingat ka. 1 week ko pang makikita yang maasim mong mukha." biro ko at tumawa naman ito bago tuluyang maglakad papalayo.
Ano ba naman yan? Sumaya lang ako ng konti tapos ganito naman yung kapalit.
Nakarating na ako sa bahay at agad na nagtungo sa aking kwarto. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Owen na aalis na sya next week. Hayss, hindi pa nga kami nakakapag bonding ulit tas aalis na agad sya. Pero hoping na aging okay na si Tita Elisa.
CYRA
Mula ng maghiwalay kami ni Zen ay muling naging okay sila ng Chyn na yun. Oo, inaamin ko at first na hindi ko naman talaga gusto si Zen. I'm just using him para saktan si Chyn. Matagal ko na syang kilala bago pa man ako mag aral sa School na to. Palagi syang bukambibig ni Dad na kapatid ko raw. Nakakainis lang kase kami yung kasama nya pero yung Chyn at yung mga kapatid nya ang bukambibig nya.

BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...
Plan?
Magsimula sa umpisa