Habang pababa ay nakaramdam ako ng takot dahil sinigurado ko kaninang isinara ko lahat ng dapat isara para walang ibang makapasok. Di ko rin iniwan ang susi ng bahay sa secret place kase sinabi na ng mga kapatid ko na hindi sila uuwi ngayong gabi kaya impossible nq makapasok sila ng walang susi.
Marahan akong naglakad pababa at bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.
Pasimple kong dinampot ang walis tambo na nakasandal sapader at marahang tinahak ang kusina pero wala naman akong nakita.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko ng may biglang humawak sa braso ko. Halos mapasigaw ako sa takot.
Ramdam ko ang mahigpit nitong paghawak sa braso ko. Kanina ay isa lang na lalake ang nakahawak sa akin pero ngayon ay tatlo na sila Halos mangatal na ang buong katawan ko s takot at sumisikip na rin ang dibdib ko sa sobrang takot. Nagsisigaw ako at umaasang may makakarinig sa sigaw ko pero agad din nilang pinalsakan ng panyo ang bibig ko para walang lumabas na ingay mula roon.
"Manahimik ka!" sigaw ng isang lalake na nakahawak sa balikat ko.
Gustong gusto ko silang murahin at suntukin pero wala akong lakas dahil mga lalake sila. Naiiyak na ako at nawawalan na ako ng pag asa na makaligtas ng buhay. Hindi ko maintindihan kung ano bang pakay nila dahil wala naman silang ginulo o kinuhang gamit sa bahay namin. Sa tingin ko ay ako talaga ang target nila pero bakit ako?
Hinila nila ako palabas ng bahay at halos matumba na ako kakahila nila. Umiiyak na rin ako sa sobrang takot at hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko.
Sa labas ng gate ay nakaparada ang isang itim na kotse na halatang hinihintay sila, o baka ako. Itinulak ako ng isang lalake papasok sa loob pero nasubsob ako sa pintuan ng sasakyan kaya nahirapan akong bumangon. Nasugatan na rin ang kamay at kilay ko sa pagkakatumba ko at nagsimula na rin itong magdugo.
"Tumayo ka dyan!" singhal pa nung isang lalake na pinilit akong patayuin.
Naramdaman ko nalang ang pagbitaw ng lalake sa akin dahilan para mapaupo ako at mapapikit na lang sa sobrang takot.
Lord ayoko pa pong mamatay.
Yan ang paulit ulit kong dasal sa isip ko at umaasang hindi pa ito ang huling gabi ko sa mundo.
Patuloy pa rin ako sa pag iyak habang nakapikit at nakayakap sa mga tuhod ko. Nanginginig pa rin ang katawan ko sa takot at medyo hirap na rin ako sa paghinga.
Ilang minuto ang lumipas pero walang ni isa ang humawak sa akin. Tanging sigaw na lang ng mga lalake ang naririnig ko dahilan para magmulat ako ng mata. Halos sumabog ang puso ko sa saya at pag asa ng makita ko ang isang lalake na hinihingal na nakatayo ngayon sa harap ko.
Nakahandusay na rin yung mga lalaking kanina lamang ay humihila sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi pa ito ang huling gabi ko sa earth.
Akala ko... a-akala ko hindi na sya darating. Hindi ko alam pero sya talaga yung unang tao na inaasahan kong ililigtas ako.
Agad na lumapit si Zen sa akin at inalalayan akong tumayo. Masakit na rin ang katawan ko kakatulak nila sa akin kanina kaya iika ika na rin akong maglakad. Dumudugo na rin ang siko at ang tuhod ko, maging ang kilay ko ay dumudugo na rin. Tanging iyak lang ang nagawa ko. Halos mapayakap na lang ako sa kanya sa sobrang takot na naranasan ko kanina.
BINABASA MO ANG
One question. WHY?
Teen FictionMistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we learn. Pagdadaanan nating lahat na madapa, mabigo, o kung minsan ay makagawa ng maling desisyon bago natin makita kung ano ba ang TAMA. Well, t...
Savior
Magsimula sa umpisa
