抖阴社区

CHAPTER 31

4.4K 137 17
                                        

Chapter 31

Dei's Pov

"Happy birthday!" Malakas naming sigaw kay Alcinous na siyang kakapasok lang sa kanilang bahay.

Kita ko ang pagkatigalgal niya before siya tumingin sa buong sala ng bahay nila. Inakupa kasi namin ang buong sala ng bahay. Nandito si Elvin, Hansel, Remy, at Juls. Nabanggit ko kasi sa mga friends ko na gusto kong i-surprise si Alcinous sa birthday nito at nag-volunteer sila na tumulong sa akin. Mabilis naman akong pumayag kasi hindi ako marunong magluto and whatnot. Mabuti nang nandito ang mga friends namin.

"Kuya, happy birthday po!"

"Happy birthday, Kuya Alcinous!"

Sunod-sunod na bati ng mga kapatid niya.

"Happy birthday, anak."

"Pa..."

Itinaas ni Tito Ador ang kanyang kamay bago pa makapagsalita si Alcinous.

"Kung mag-aangal ka sa gastos nito, inuuhan na kita, Alcinous. Wala rin akong alam dito. Si Deimos at ang mga kaibigan mo ang may pakana nito."

Binalingan kami ni Alcinous. Malalaki lang ang ngiti namin habang pinagmamasdan siyang namumula ang mga mata.

"Salamat sa inyo." aniya at saka tumitig sa akin. Halos mapunit na nga itong labi ko kakangiti.

"Blow mo na ang candles." Excited kong wika at itinaas ang hawak kong cake. Humakbang siya palapit sa akin. "Make a wish."

Tumitig muna sa akin si Alcinous at saka pinikit ang kanyang mga mata. And when he opened his eyes, he blew out the candles. Kinuha ni Alcinous ang cake mula sa kamay ko at saka niya ko niyakap.

"Thank you, Dei. Thank you so much!"

Hinagod ko ang kanyang likod. "Hmm! But hindi lang ako ng gumawa ng lahat ng ito. That's why mag-thank you ka rin sa mga friends natin at sa mga kapatid mo."

Siniksik lang ni Alcinous ang kanyang mukha sa leeg ko at saka tumango.

"Yiiee!" Rinig kong tukso ni Zayla.

"Kain na!" sigaw naman ni Remy.

Nagkanya-kanya na silang kain at ako naman ay pinanood lang sila. My heart was so happy seeing Alcinous family and our friends right now. Hindi ko aakalain na magiging ganito ako sa isang tao. Hindi ko aakalain na magiging mahalaga sa akin si Alcinous at ang mga taong nakapalibot sa kanya. Hindi lang si Alcinous ang gusto kong protektahan ngayon kung hindi pati na rin ang nga taong mahal niya.

"Kain tayo,"

Naputol ang aking pag-iisip nang biglang tumabi sa akin si Alcinous dala ang plato na may maraming foods.

I pouted cutely at him. Gusto kong protektahan si Alcinous kaso gusto ko rin na magpa-baby sa kanya. Parang ewan kasi kapag nandito siya sa tabi ko para akong baldado.

"I don't wash my hands."

Alcinous smiled and scooped some kanin and ulam. "Susubuan na lang kita."

I giggled, faced him, and nodded ardently.

"Mag-asawa yarn?" Bigla namang singit ni Juls sa amin ni Alcinous.

"Tse!" Asik ko kay Juls na nasa tapat namin ni Alcinous.

"Actually, ang tabang nitong juice dahil inyo, bhie. Tingin ko lahat ng sweetness ay kinuha ninyo ni Alcinous!" si Juls.

"Gusto mo ba Juls na subuan din kita?" Pagsabay naman ni Remy.

Boundaries #1: Crossing Boundaries ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon